Chapter 20
-KIMI-Kakatapos lang naming mag-umagahan. Papasok na ako sa kwarto namin nang makita ko si Tripp na hinatak si Micnielle papunta sa dulo ng hallway dito sa second floor. Gusto ko silang sundan pero bigla akong tinawag ni Lolo kaya agad akong bumaba.
"Lolo," sabi ko sakanya at sinalubong siya ng yakap. Hindi kasi kami nakapag-usap kagabi dahil sa mga nangyayari.
"Kimi, apo. Ano? Kumusta na?" Sabi niya at umupo sa sofa kaya umupo narin ako.
"Okay lang naman po lolo." Sagot ko.
"Kamusta sina Tess at Edward?" Tanong ni lolo dahilan para matigilan ako. Ugh.
"Busy. As always." Sagot ko at pilit na ngumiti.
"Spill it, apo. Alam kong may problema ka." Sabi ni lolo kaya napangiti ako. Kahit nasa Korea siya, he's always there for me. Uhhh, I love my grandpa.
"Si Mommy at Daddy kasi lolo. They expect too much from me. Hindi ko naman kaya." Sagot ko nang may malungkot na boses.
"It's okay, apo. You know, since Pre-school mataas na ang expectation nila sa iyo. Just understand them, gusto lang nilang makapagtapos ka." Sabi ni lolo at tumango ako. Tumayo siya at pinagpagan ang damit. "Call all our members. Let's go to church at 8:00 am, magsisimba tayo." Sabi ni lolo at agad akong napangiti.
Dali-dali akong umakyat at isa-isa silang sinabihang maghanda na dahil magsisimba kami. Almost 1 month akong hindi nakapag-simba. Naligo ako at nagbihis na. Sa baba kasi naligo sina Ate Grazeille at Ate Monique kaya free-to-hubad dito sa kwarto. Nilock ko rin para sure. Syempre paano kung tapos na sila tapos hindi sila kakatok? Edi makikita nila yung sexy body ko.
Pagkatapos ay lumabas ako ng kwarto at nakita ko si Pherench na nakaupo sa sofa, nakabihis na siya at nanonood ng TV. Sabi kasi niya kagabi hindi daw siya dito matutulog kasi baka hanapin siya ni Francis, so ayun. Pumunta siya dito 6:00 am at pagkatapos mag-umagahan ay pinabalik rin ni Lolo para magbihis ng pangsimba.
"Ate!" Sigaw niya nang makita ako. Tumayo siya at tumakbo papunta sa akin para yakapin ako.
"Teka. Kakakita nga lang natin kagabi eh." Natatawa kong sabi sa kanya at buti naman kumalas na siya sa yakap. "Paano mo naman napapayag yung kuya mo na gumala ka, aber?" Tanong ko nang nakangisi. Alam kong may ginawa na namang kabaliwan itong Pherench na ito.
"Sabi ko pupunta ako sa friends ko. Pinagbintangan pa akong may boyfriend! Kabago-bago ko dito, magkakaboyfriend?!" Galit na sagot niya sa akin. Pfft. Sino naman kaya iyon?
"Sino naman ang pinagbintangan niyang boyfriend mo?" Natatawa kong tanong. Umirap siya bago sumagot.
"Si Tristan. Tss." Sagot niya.
"WHAT?! WHAHAHAHA! ANG GALING NIYANG MAMILI AH! WHAHAHA!" Natatawa kong asar sa kanya. Kyaaah! Si Tristan talaga? Hahahahaha. "BAKIT NAMAN SA DINAMI-DAMI NG LALAKI, SI TRISTAN PA? HAHAHA!" Tanong ko.
"Ah-eh kasi. Haist! Hinatid niya kasi ako sa bahay kagabi! Sabi nang ayaw ko, nagpapakipot pa daw ako. Ayun! Napagbintangan ni Kuya na boyfriend ko daw! Nakakagigil. Ugh." Inis na sabi niya at nag-walk out. Ang lakas ng trip ni Francis ah!
***
"Malelate na tayooo!"
"Bilisan mo ngang magmaneho Tristan!"

YOU ARE READING
Falling For Two (COMPLETED)
Novela Juvenil1 Word, 1 Syllable, 4 Letters, 1 vowel, and 3 consonants. That's the word 'FALL'. Word that can hurt you in one wrong move, word that have deep meaning, meaning that we don't easily understand. A girl named Kimi. A girl who wants happiness, A...