Chapter 1-KIMI-
🎶I love you, you love me, we are happy fami--🎶 Sabay tapik ng alarm clock kong nagwawala. Nakakainis, "Hayss, pwedeng additional 5 Minutes pa?" Hmm.. Antok pako eeeh. Teka! Anong oras na ba?! (8:15 am) JUICECOLORED!! May klase pa ako! Binilisan ko nalang ang pagligo ko , ewan ko anong klaseng ligo yun! Bababa nako!
Papakilala ko muna sarili ko sa inyo. Ako nga pala si Kimi Anne Parker, 15 years old. 3rd Year Highschool Dyosa ng H.U. Pababa nako ng hagdan nang....
"Kimi! Kain tayo!" Nanlaki agad ang mata ko nang masagip ng aking mga magagandang mata ang isang Xander ng buhay ko. Ayieee, nilapitan niya ko, tapos, tapos, HINALIKAN! Syempre joke lang yun.
"Ikaw nalang! Malelate na ako eeeh! Sige Bye!" Papunta na ako sa pintuan kung saan naroroon ang liwanag. Joke! Magpapakasal pako sa kanya. Hehe, sana pigilan niya ako, tapos sabihing sabay na kami! Nagpaparty na yung mga organs ko. Pakipot ako eh! Pake niyo ba?!
"Teka lang Kimi! Hintay naman diyan! Sabay na tayo!" Eeeeh, sabay daw kami. Enebeyen, kenekeleg ne nemen eke.
"Okay. Hmm." sabi ko at sumandal sa pintuan at nilingon siya. Haay! Gwapo niya talaga, sarap tunawin, ang cute cute niya, well-builded body. Ang HOOOOT! Whoo bestfriend ko yan! Ang Macho niya kas--
"Huy! Kanina pa kita tinatawag! Oy Kimi okay ka lang?" Alam niyang nag de-daydream ako eeeh! "Huy Kimi!"
"Ay Kabayo!" Geez, daydream na naman ako. "Oh ano ba yun?" Tss, patay malisya ka Kimi!
"Eh? Di mo narinig? Sabi ko tara na! Sus Kimi! Sabihin mo nalang kasing crush mo ko! Nahihiya ka pang bruha ka! Kanina kapa nakatulala sakin eh!" LUB.DUB.LUB.DUB. Eh? Alam niya? Ganun ba ako ka halata? Tss, deny ko nalang! Kakahiya... Tss nahihiya rin naman ako kahit makapal na ako dati pa.
"Eh? Hoy! Ang hangin mo ah! Di kaya! Assumero mo talagang kapre ka. Kahit kelan talaga loko-loko ka eh no! Ang kapal talag---" pinutol niya and sasabihin ko at agad niya akong niyakap. Sheet, bat ako natahimik? "Xander... Teka di ako makahinga." Eh? Sobrang higpit ng yakap eh. Tss, selos kayo no? Eeeh.. Walang aagaw ah?! Sasabunutan ko kayo hanggang sa makalbo, subukan niyo... Eeeh, Chos lang naman.. Mabait kaya ako.
"A-ah, eeh, sorry naman." Sabay kamot sa batok niya. Haysss ang cute-cute niya talaga! "Tara na nga!" Tsaka kinaladkad niya ako palabas, hahaha! Harsh na siguro yung kaladkad eh. Hila nalang, para mas okay.
Nang makalabas na kami, pinagbuksan niya ko ng pinto sa shotgun seat. Ang gentleman talaga.. Shhh nalang tayo, pag sinabihan ko ng gentleman yan, baka lumaki yung ulo. Teka. Ba't siya nasa bahay kanina? Ay! Tatanungin ko nalang. "Xander..."
"Hmmm?" Eehhh! Enebeyen.. Baliw na ba ako?
"Ang aga mo ata sa bahay? Eh alam mo namang wala si kuya ehh." Tanong ko habang nakatingin sa kanya, pasulyap sulyap lang siya ng tingin sakin kasi nga nag da-drive diba?
"Sinundo kita." EMEGED, Sundo? Wag nga, kilig ako eeeh. Nakarating na kami sa H.U. or what we called, 'Heaven University'. Pinagbuksan niya ko ng pinto.. Eeeeh Gentleman talaga! Paulit ulit.
"Ba't mo naman ako sinundo?" Tanong ko nang nakakunot ang noo. Eh? Ba't naman niya ako susunduin? Di kaya? OMG!!!! Di kaya crush niya a-- Ay! Wag assuming Kimi.

YOU ARE READING
Falling For Two (COMPLETED)
Teen Fiction1 Word, 1 Syllable, 4 Letters, 1 vowel, and 3 consonants. That's the word 'FALL'. Word that can hurt you in one wrong move, word that have deep meaning, meaning that we don't easily understand. A girl named Kimi. A girl who wants happiness, A...