CHAPTER 34: START TRUSTING ME

65 8 0
                                    

CHAPTER 34: START TRUSTING ME

-KIMI'S POV-

"Akin na nga sabi eh! Ako ang nauna!" Sigaw ni Jayrofer. Ugh! Kanina pa siya ah, siya kasi yung nauna sa bag ko kaya siya daw ang magdadala.

"Bakla ka ba?! Bakit mo trip tong bag ko?! May bag ka naman diyan!" Sigaw ko naman sa kanya. Ano bang meron sa bag ko at kailangan siya ang magdadala? May laman ba tong bomba? Tsk. Baliw talaga,

"Eh ako nga ang magdadala wag ka nang umangal!" Sabi niya at umirap nalang ako sa hangin. Potek na lalaking 'to.

"Ugh, whatever!" Sabi ko at lumabas na ng classroom at sumunod kay Jemarie.

"Ano palang nangyari dun?" Tanong niya ng makasabay ko siya sa paglalakad.

"Ewan ko nun! Baka may nalunok na shit ng kabayo! Parang baliw, inaagaw yung bag ko!" Inis na sagot ko sa kanya kaya natawa siya.

"Kayo na ba talaga ni Xander?" Nagulat ako nang bigla siyang nag-iba ng topic.

"Ha? Ah-eh hindi ah! Hindi naman kami, at never magiging kami," sagot ko pero umirap lamang siya.

"Alam ko naman na kayo. May problema ba kayo? Bakit parang kayo na naman ni Francis ang close ngayon at parang iniiwasan mo na ulit si Xander? Anong nangyari?" Tanong niya at umiling nalang ako.

"Naku, wala! Wag mo na yung isipin yung tukmol na yun. Ha ha ha," sabi ko at nag fake pa ng tawa.

"Alam ko namang nagkaproblema kayo. Sabihin mo na habang wala pa si Francis." Napabunting hininga nalang ako. Gahwd.

"Actually.... Alam rin ni Jayrofer- este Francis kung anong nangyari sa amin." Sagot ko kaya biglang nanlaki ang mata ni Jemarie.

"HA?! MAY NANGYARI SA INYO NI XANDER?! HINDI MO MAN LANG SINABI SA AKIN! SI FRANCIS PA TALAGA ANG UNANG NAKA-ALAM! NAGSISIKRETO KAYO SA AKIN ANO? ANG UNFAIR NIYO!" Binatukan ko naman siya. "ARAY NAMAN!" Sigaw niya ulit.

"Baliw ka ba?! Wag ka ngang sumigaw, may makarinig ngayon baka isang segundo lang kalat na yan sa campus. Manahimik ka, kung ayaw mong makatikim ng lasa ng kamao ko." Bulong ko sa kanya.

"Eh? Totoong may nangyari sa inyo ni Xander?!" Sigaw niya ulit kaya another batok na naman.

"Oo may nangyari, pero hindi yun tulad ng iniiisip mo no!" Suway ko sakanya.

"Eh ano nga?! Sabihin mo kasi sa akin para hindi ako mag-isip ng kung ano-ano." Sabi niya.

"Huy! Hindi niyo man lang ako inantay! Niarrange ko pa ang gamit mo! Tsaka, ano yang pinag-uusapan niyo diyan? Sali ako!" Sabi niya at tinapat ang tenga niya sa mukha namin.

"Explain mo daw sa kanya yung nangyari sa amin ng hinayupak na Xander." Sabi ko ng walang emosyon kaya agad siyang napatayo.

"S-sigurado ka?" Tanong niya at tumango nalang ako. Habang naglalakad kami, kinukwento ni Jayrofer sa kanya, narating na namin ang canteen at natapos na ang pagexplain ni Jayrofer.

"What?! Ginawa talaga yun ni Xander? Hindi ko yun expected from him ha! Boto pa naman sana-- ah wala, hindi ko talaga inaaasahan na ganun pala yung ugali niya! Nakakaturn-off. Ano? Sinaktan ka ba?" Tumango ako, "Walang hiyang Xander yan! Humanda lang siya kapag nagsalubong ang landas namin!" Sigaw ni Jemarie at napailing nalang ako.

"Huy, wag mong hayaang may makarinig ng mga sinasabi mo, lagot ka sa amin." Sabi ni Jayrofer, lumingon siya sa akin at kumindat. Inirapan ko nalang siya.

Pagkatapos naming kumain ay lumabas na kami, at mukhang mapaglaro nga ang tadhana at nagtagpo ang landas nina Xander at Jemarie, agad nanlisik ang mata ni Jemarie na mukhang mangangain ng tao. I can't believe na ganito siya. Malayo paman si Xander sa amin ay sumigaw na siya.

Falling For Two (COMPLETED)Where stories live. Discover now