CHAPTER 36: WE'LL SEE
Ilang araw narin ang lumipas simula nung mangyari ang dare namin kay Jayrofer. Hindi parin siya nilulubayan ni Rizagabal pero unti unti rin namang nagsasawa si Rizagabal sa pangungulit sa kanya. Pano ba naman kasi, hindi niya pinapansin.
"Ate Kimi, may boyfriend ka na ba talaga?" Tanong ni Toffer sa akin.
Nandito kasi ako sa bahay ni lolo. Walang klase at syempre nandito din si Jayrofer, nagpapraktis.
"Oo nga, nung time na may sinolve tayong bomb case."
Pakshet
"Ha? Yun ba? Naku joke ko lang yun. Wala pa akong boyfriend no. Asa ha ha ha." Pagsisinungaling ko. Alangan naman sabihin ko sa kanila na may boyfriend ako tapos kapag tinanong asan sasagutin ko break na kami tapos tatanungin na naman ako na ilang months kami tapos ano isasagot ko?! Zero months, three days?! Ugh! Wide imagination.
"Ah ganun ba, eh ano kayo ni Kuya Jayrofer?" Fck
*cough*
"Ehem, ha? Wala naman kaming relasyon. We're just friends." Sabi ko at nakita kong nakatingin si Jayrofer sa akin at nakita kong nanamlay siya. Nasuntok siya ni Ate Monique kaya napaatras siya.
"Fvck." He cursed.
"Ayan kasi, kung san san nakatingin. FOCUS!" Sabi ni Ate Grazeille at nilingon ako at nagngingiting aso. Parang galing sa mental.
"May tinitingnan ka ba?" Tanong naman ni Ate Monique sa kanya.
"Ha? Oo meron, anong silbi ng mata kung hindi tayo titingin?! Tss." Aba! Ang sungit lang ah?
"Eh sino tinitingnan mo?" Tanong naman ni Ate Grazeille. Ano to? Fast talk? HA HA HA nakakatawa.
"Edi ang paligid! Sino pa ba? Ano? Hindi niyo ba ako tuturuan ng mga tekniks sa pakikipaglaban? Uwi na ako, babasahin ko pa yung Our Asymptotic Love Story eh! Istorbo kayo." Sabi niya. Wow ha! Sasali sali siya tapos sasabihan kami ng isturbo?! Wow magic.
"Edi umuwi ka, sino pala ang hindi marunong sumuntok? Lalalala." Biglang singit ni Pherench at natawa nalang kami sa reaction ni Jayrofer.
"ANONG HINDI MARUNONG SUMUNTOK?! SAPAKIN KITA DIYAN EH." Sigaw niya kay Pherench.
"Sige nga." Sabi ni Pherench ng nakangisi.
Mga ulol.
"Magpraktis ka na nga Jayrofer, sunggaban kita diyan eh." Sabi ko at inirapan.
"SUNGGABAN NG??????" Sabay sabay nilang tanong. Ughhhh Rawrrrrrr.
"Alam niyo kanina pa ako nagtitimpi sa inyo ah? Sakalin ko kayo diyan isa-isa eh. Pasalamat kayo at nandito si lolo sa bahay, kung wala lang siya dito kanina pa kayo nakabitay!" Inis na sigaw ko at aba ang mga mokong tinawanan lang ako.
"Anong pinuputak-putak ng bibig mo diyan eh nagtatanong lang kami. Pwede naman sunggaban ng suntok yung isagot mo eh, dami mo pang satsat, ayaw pa kasing aminin...." Sabi ni Ate Grazeille.
"Ano?? Anong aminin????" Tanong ko nang nakadugtong ang kilay. King inang mga 'to.
"Wala! Baka kung ano na naman yang iniisip mo! Hoy! Jayrofer, balik dito! focus ha?! FO.CUS!" Sigaw ni Ate Grazeille at tumahimik nalang si Jayrofer at pinagpatuloy ang pageensayo.
Makalipas ang ilang oras......
Nakita kong napapagod na si Jayrofer at pawis na pawis ito. Shet I find it hot! Hindi ko na napigilan ang pagnanasa ko. Ang hot hot hot niya talaga, tinalo niya pa ang araw sa kahotan. Tapos yung katawan niya bumabakat sa basang bsa niyang damit. O my gad. Ano ba itong pinagsasabi ko?! As if naman talagang hot siya. Ew lang ha! Nandidiri akoooo!
YOU ARE READING
Falling For Two (COMPLETED)
Teen Fiction1 Word, 1 Syllable, 4 Letters, 1 vowel, and 3 consonants. That's the word 'FALL'. Word that can hurt you in one wrong move, word that have deep meaning, meaning that we don't easily understand. A girl named Kimi. A girl who wants happiness, A...