CHAPTER 5- REALLY?

220 25 0
                                    

Chapter 5

-KIMI-

Papalabas na kami ng mall ng may nahagip ng paningin ko. Nakahelmet siya at nakatingin sa amin-- amin?! Ha? Bakit?

'Di ko maaninag yung mukha niya kasi nga nakahelmet nga! Ah, baka may kailangan lang kay Xander.

Kinalabit ko si Xander, "Xander, mukhang nakatingin satin oh, kilala mo?" Sabi ko at nilingon yung nakamotor kanina na ngayon ay wala na. Tsk, baka di niya yun kilala.

"Ha? Saan?" Tanong niya,

"Nawala na eh, hayaan mo na." Sabi ko at nagpatuloy papalabas ng mall at umuwi.

***

Grabe! Ilang araw na ako dito sa bahay ni Xander, nakauwi na kaya sila mommy? Tawagan ko nalang kaya!

*kring kring*

(Hello baby! Kamusta ka diyan kila Xander?)

"I'm okay mom, kailan pa kayo uuwi?"

(Bukas na baby, ifinalized nalang namin yung mga paper works namin ng daddy mo.)

"Ah okay mom."

(Kumusta ang school? Di ka na ba nakikipag-away diyan ha?)

"Yes mom, I'm now a good girl."

(Siguraduhin mo lang bata ka ah! Ba't ka ba kasi tinuruan ng lolo mo niyan? Kababae mong tao eh,)

"Yes mom, I'll make sure. Okay mom, I'll hang up now, bye."

(Bye baby see you tomorrow! Muah, I love you!)

"I love you too mom."

And I ended the phone call, haysss I miss my mom, dad, and kuya. Ba't ba kasi sumama pa si kuya dun! Wala tuloy akong kasama sa bahay, nung time kasi na sinabihan ni Xander si kuya ng dito muna ako titira, pinabakasyon muna nila sina yaya and kuya manong. Okay lang din naman daw na walang tao sa bahay kasi nga naglilibot yung guard sa village.

Hayssss, amboring ng life, wala akong makausap. Si Xander? Ayun! Tulog! Naalala ko naman yung kiss, grabe! Big deal kaya yun sa kanya? Tsaka, bakit niya ako hinalikan. Tsk! Ang labo labo niya!

Ah oo! Yung kanina sa mall na inaccept ko, tingnan ko kaya. Inopen ko ang laptop ko at naglog-in sa facebook. Pano ba naman kasi! Ang hina ng wifi sa mall, ang daming gumagamit, malamang free lang!

Ano nga yung name nun?! Francis? Ano yun!

Francis

Francis

Francis

Aha! Francis Tiago!

Ayun! *click profile*

O

M

G!

OMAYGAD!

Yung transferee! Inadd ako!

Falling For Two (COMPLETED)Where stories live. Discover now