CHAPTER 32: BREAK UP
-KIMI'S POV-
Pagkatapos naming kumain ay nandito kami sa sala nanonood ng TV. Naiilang parin si Jayrofer sa nangyari kanina. Hindi lang naman ngayon yun nangyari eh. Pati nung first time kong pumunta dito, naligo rin siya nung time na yun.
"Psst." Sabi ko kaya napalingon naman si Jayrofer sa akin, si Pherench kasi nakatulog na sa sofa kaya kami nalang dalawa yung nanonood. "Uwi na ako." Bulong ko kaya bigla siyang sumimangot at tumango nalang. Natawa na lang ako sa reaksiyon niya.
Tumayo muna siya at binuhat si Pherench papunta sa kwarto niya. Nagseselos tuloy ako, ano kaya ang feeling kapag binuhat ako ni Jayrofer? Buti pa nagtulog-tulogan nalang ako kanina para buhatin niya rin ako! Sayang naman! Siguro next time.
Lumabas na siya ng kwarto ni Pherench at pumasok sa kwarto niya, sinara niya ito pero hindi ni lock gusto kong tingnan ang kwarto niya kaya out of curiousity, pumasok ako. Pero napaatras ako at natumba nang makita ko siyang naghuhubad ng pang-itaas na damit. Gulat na gulat rin siya at nakita kong namumula siya kaya nang mabalik kami sa huwisyo ay bigla siyang nagsalita at tinakpan ang katawan niya.
"Bakit mo ba ako sinundan? Paano kung pati boxer ko ay hinubad ko? Edi wala na!" Pabulong na sigaw niya, kaya napaisip naman ako, anong wala na?
"Anong wala na?" Tanong ko habang tumatayo kasi nakasuot na siya ng pangitaas na damit.
"Wala! Ang tsismosa mo!" Sigaw niya sa akin. Wow ha! Gaya-gaya. Tss.
Pinalibot ko nag tingin sa kabuuan ng kwarto niya. May kama siya, siguro kasya sa dalawang katao. Kasya kaya kami diyan? Ihhhhhh. Katabi naman ng kama niya ay lampshade, at sa gilid ng lampshade ay may pintuan. Banyo siguro. May nakita akong desk, may lamp din doon, ginagamit kung gusto mong magbasa. Nilapitan ko yun at tiningnan ang mga gamit niya doon. Ang tabi naman ng desk niya ay book shelf. Madaming libro. Tiningnan ko isa isa ang libro at napansin kong puro History yun.
"Favourite subject mo pala ang history."
"Ah oo, pero Philippine History lang. Wala akong alam sa history ng ibang bansa. Mukhang hindi nga nila inaaral yung history natin dito sa Pilipinas kaya wala akong interes sa history nila, para patas." Sabi niya at ngumiti. May hinahanap siya sa drawer niya kaya nilapitan ko siya.
"Anong hinahanap mo?" Tanong ko at siniksik ang ulo ko kung saan siya naghahanap kaya nang mapalingon siya ay nagtama ang mga labi namin. Agad akong napalayo, at lumabas sa kwarto niya ng mabilisan, gosssh, ang lakas ng tibok ng puso ko at ang init, tapos pinagpapawisan ako.
Gosh, ano ba yan! Ang init, pinagpapawisan talaga ako. Gabing-gabi, ang init. Lumabas ako ng apartment para magpalamig muna. May napansin akong lalaking naka all black na naka park ang motorsiklo niya sa labas ng apartment ni Jayrofer. Babalewalain ko sana, pero nakita kong nakatingin siya sa akin. Isa lang ang pumasok sa isip ko. Ang Troopers Clan. Dali-dali akong pumasok sa loob at tamang-tama naman lumabas si Jayrofer sa kwarto niya, dala-dala ang susi ng motorsiklo niya. So, yun yung hinahanap niya kanina?
"Lock all the windows. Siguraduhin mong hindi yan mabubuksan ng tao sa labas. At tsaka, paki gising si Pherench may sasabihin ako."
"Pero tulog pa--"
"IT'S IMPORTANT!" Sigaw ko kaya naalerto siya. Lumabas ako ng kwarto at maya-maya ay lumabas na rin ng kwarto si Pherench at kinukusot-kusot pa ang mata. Napatingin ako kay Jayrofer at kay Pherench.
"May nakita akong lalaki sa labas, naka all black. I'm sure na isa yun sa Troopers Clan, mukhang natunton nila ang tinitirahan mo Pherench. Sigurado akong hindi lang siya nag-iisa, alam kong madami silang nakakalat sa kantong ito at hinihintay na lumabas tayo," sabi ko. "Nasaan ang yaya mo?" Tanong ko kay Pherench.
YOU ARE READING
Falling For Two (COMPLETED)
Teen Fiction1 Word, 1 Syllable, 4 Letters, 1 vowel, and 3 consonants. That's the word 'FALL'. Word that can hurt you in one wrong move, word that have deep meaning, meaning that we don't easily understand. A girl named Kimi. A girl who wants happiness, A...