CHAPTER 33: OVERNIGHT WITH HER

85 6 0
                                    

CHAPTER 33: OVERNIGHT WITH HER

-FRANCIS JAYROFER'S POV-

"Ano? Wala na siya?" Tanong ni Kimi. Nandito ako sa kwarto niya, sinisilip namin sa bintana si Xander tinitingnan kung umalis na, pero ang kumag hindi ata natinag. Tinatawagan pa talaga si Kimi. Ilang missed calls na pero hindi parin sinagot ni Kimi.

"Nandiyan pa rin. Grabe, mag aala-una na ng gabi. Ayaw parin umalis, aswang ba 'to?!" Reklamo ko at maya-maya ay pumasok na si Xander sa kotse na at umalis na. "Uy! Umalis na."

"Hayyyy, buti naman." Sagot ni Kimi. "Tulog na ata sila yaya, wala naman dito si mom at dad pati na rin si kuya. Ano ba yan! Nagugutom ako, tara sa kusina." Sabi niya at hinila ako papalabas ng kwarto niya at nagtungo sa kusina. Naghanap siya ng pwedeng maulam yung ready na, pero wala. "Uhhhh, hindi pa naman ako marunong magluto." Reklamo niya at napaupo sa sahig. Gutom nga ata talaga siya.

"Ano bang gusto mo? Ako na magluluto." Sabi ko sakanya pero nakatunganga lang siya sa akin at halata ang gulat sa mukha niya. "Ano magluluto ako o hindi?" Tanong ko kaya agad siyang napatayo at binuksan ang fridge. Kumuha siya ng mga ingredients. Hindi ko alam kung ano kasi nakatalikod siya sa akin, at natatakpan niya yun.

"Alam mo bang magluto ng afritada?" Tanong niya kaya tumango ako, ang laki ng ngiti niya. "Ayan, sige na luto ka na." Utos niya sa akin.

"Wow ha! Wala man lang bayad diyan kahit---" Napatigil ako sa pagsasalita ng bigla niya akong hinalikan sa cheeks. Shet, parang may kuryente.

"Okay na ba yun pambayad?" Tanong niya at kinindatan ako.

"A-ahm, h-indi mo naman k-kailangan gawin yun. Tsaka ano ka ba! Wag mo nga akong tuksuhin" sigaw ko "di ako makakapag concentrate neto eh." Bulong ko at hindi ko alam na narinig niya yun.

"Yieee, bakit?" Sabi niya at sinundot-sundot ako sa tagiliran ko. Kiniliti ko rin siya, pero tumakbo siya kaya hinabol ko siya. "Magluto ka na nga." Sabi niya.

"Ayoko, huhulihin pa kita!" Sabi ko naman sakanya at nagpaikot ikot lang kami sa mesa, hanggang sa madakip ko siya at niyakap ko siya sa likod at kiniliti.

"Tama na, teka nga. Wag diyan, magluto ka na nga! Nakikiliti ako, potek hahaha, wait lang." Sigaw niya at nagulat ako ng napaharap siya sa akin kaya nabitawan ko siya kasi masyadong malapit. "Ano yun?" Tanong niya, pinalibot ko ang paningin ko sa kabuuan ng kusina at wala naman akong napansin. Binigyan ko siya ng what-do-you-mean look. "Parang may tumutusok sa likod ko, matigas. Ano yun?" Tanong niya. Shet, hahahaha. Yun pala ah,

"Ah yun ba, wag kang mag-alala, si Kingkong lang yun." Sabi ko at natawa, tumango naan siya kahit nakikita ko sa mata niya na nagtatanong siya sino si Kingkong.

"Sino si kingkong?" Tanong niya kaya mas natawa ako. Sinamaan niya ako ng tingin at kinurot sa tagiliran. "CRUSH MO YAN NO? ANO? IPAGPAPALIT MO BA AKO DUN? SUS, WALA YAN SAKEN. PANGALAN PA NGA PANGIT NA, PANO PA KAYA KAPAG MUKHA NA. TSAKA SINO BA YAN? KAIBIGAN MO BA YAN? KINGKONG KINGKONG,..... TSS, KINGKONGIN KO MUKHA NUN EH. OH, BAT KA NATATAWA? ANONG NATATAWA SA SINASABI KO? KINIKILIG KA SIGURO KAPAG SINASAMBIT KO YUNG PANGALAN NG KINGKONG NO? AYAN NATAWA KA NA NAMAN. SINO BA YAN?! GUSTO KO SIYANG MAKITA KUNG PAPASA SIYA SA TASTE KO. BAKA NAMAN KUNG SAAN SAAN MO LANG YAN NAKILALA TAPOS HOLDAPER PALA, TAPOS MAHOHOLD UP KA. TAPOS BAKA MAGNANAKAW, O DI KAYA MAMAMATAY TAO, MAMAMATAY KA. WAG KA NANG LALAPIT DUN, AT SIGURADUHIN MONG MAGANDANG BABAE ANG IPAPAKITA MO SA AKIN AT KAYA NIYANG TAPATAN ANG PERSONALITY KO KASI KUNG HINDI, PATAY KA SAKIN. BINABANGGIT BANGGIT MO YUNG PANGALAN NIYA TAPOS PANGIT PALA SIYA, NAKU! WAG MONG IPAPAKITA YAN SAKIN. MAG WOWORLD WAR 3 TALAGA." Mahaba niyang sabi, tong babaeng to talaga. Napaka inosente. Pero yung mukha, parang rapist.

Falling For Two (COMPLETED)Where stories live. Discover now