Chapter 7
-FRANCIS JAYROFER-
Hinihila ko si Kimi papalabas ng gym ngayon. Grabe, di ako sanay na Francis yung itawag sakin at tsaka, ba't ba siya umiiyak? Kasi kung nasasaktan siya, nasasaktan din ako. Ano bang problema ng babaeng 'to at biglang nagdadrama sa loob ng gym. Eh pano kung may pumasok dun tapos wala ako? Tapos may makakita sa kanyang umiiyak?
Lumabas kami ng school at umupo sa bench sa labas. Nilabas ko yung panyo ko at pinunasan na naman yung mukha niya. Para siyang putik na nagkaroon ng mukha't katawan. Ano ba kasing pinanggagawa ng babaeng 'to at napunta sa guidance?
Diniinan ko yung pagpunas ko dahil nanggigigil ako sa kanya. Gusto ko siyang pagalitan pero sino ba naman ako? Kanina pa nga lang kami nagkakilala tapos, ganito ganyan na agad ako?
Nasasaktan na siguro siya sa pagpunas ko kaya nagreklamo na, "Sige punasan mo lang ang mukha ko hanggang sa mawala na lahat ng parte nito. Di naman masakit eh no, eh kung ikaw ganyanin ko?" Tanong niya, at dinadahan dahan ko nang punasan ang mukha niya. Hanggang sa binaba ko na ang panyo. Masakit pala talaga, masakit habang nakikita mo yung taong mahal mo na nasasaktan.
"Kimi, ano bang problema?" tanong ko at umiling siya. "Sabihin mo nalang kaya sakin at para gumaan yung loob mo. Pero kung gusto mong mapag-isa, aalis na muna ako." Suhestyon ko, ang lungkot lungkot niya...
"'Wag, 'wag mo kong iwan Francis. Kailangan ko ng karamay ngayon. Lahat nalang sila galit sa akin, lahat ako ang mali, lahat ako ang sinisisi. Ba't ba kailangan ko silang intindihin eh kung sila nga eh di kayang umintindi saken." Sabi niya at nagsimula na namang humikbi. Niyakap ko siya at hinayaang umiyak sa dibdib ko.
Kimi, kahit anong mangyari dito lang ako sa tabi mo. Kaya kong intindihin ka, at magsakripisyo para sa'yo kung kinakailangan para sumaya ka. Hinahagod hagod ko ang likod niya habang yakap parin siya, gusto ko siyang patahanin pero di ko magawa. Tiningnan ko ang relo ko, at ngayon ay 5:16 pm na. Gusto ko siyang i cheer up. Cheer up baby, cheer up baby. Fan talaga ako ng twice. Grabe ka naman Jayrofer, kaya mo pa talagang magbiro sa ganitong sitwasyon ng mahal mo?
Haysss, 'di ko alam kung paano siya papasayahin. Umiiyak parin siya. "Kimi, mag si-6pm na. Tara, ihatid kita." Sabi ko sa kanya, "Kimi tahan na."
"Alam mo, kahit kanina lang tayo nagkakilala ang gaan-gaan na ng loob ko sa iyo. Parang matagal na kitang kilala kahit konti lang yung panahon na naibigay natin sa isa't-isa." Sabi niya, naalala niya kaya ako? "Ikaw lang yung taong pwede kong pagsabihan ng problema. Sina mom at dad palaging busy sa trabaho, si kuya sa school, si lolo naman nasa Korea. Kaya salamat kasi nandiyan ka, pinapatahan ako. Salamat kasi nag transfer ka dito kaya nagkaroon ako ng kaibigan. Salamat kasi kahit kanina lang tayo nagkakilala, dinadamayan mo ako." Sabi niya at nagsimula naman siyang humikbi.
Gusto ko sanang tanungin kung bakit wala siyang kaibigan dito? Kung bakit lahat ayaw sa kanya? Kaso baka umiyak na naman siya sa sagot niya. Ayoko na, ayoko nang makita si Kimi na nasasaktan, na umiiyak. Gusto ko sa lahat ng problema niya nandun ako para damayan siya.
"Tara Kimi, hatid kita sa inyo." Sabi ko.
"Mamaya na, ayoko pang makita si dad. Baka umiyak lang ako sa harap niya, gusto ko munang tahanin yung sarili ko." Sabi niya
"Tara. May alam akong lugar na may magandang view. Baka makatulong para tumahan ka na." Sabi ko, at hinawakan ko ang kamay niya at hinila siya patungo sa motor ko.
YOU ARE READING
Falling For Two (COMPLETED)
Teen Fiction1 Word, 1 Syllable, 4 Letters, 1 vowel, and 3 consonants. That's the word 'FALL'. Word that can hurt you in one wrong move, word that have deep meaning, meaning that we don't easily understand. A girl named Kimi. A girl who wants happiness, A...