A/n: This chapter is dedicated to MI AMOR Virginikki as Monique Lim and monnicalee as Grazeille Saisuki. Lovelots
Chapter 15
-XANDER-
"Mom, pwede po ba tayong dumaan kela Kimi? Magpapaalam lang ako ng personal." Sabi ko kay mom. Baka galit parin siya pero bahala na.
"Alam mo anak, ang OA mo. 3 days lang naman tayo dun, parang di na kayo magkikita forever." Sabi ni mom sa akin at natawa pa. Hay, nalilito talaga ako kay Mom minsan eh, masungit? Palabiro? Seryoso? Ang moody niya talaga. Pero tama naman siya, ang OA ko.
"Sige na mom, kahit dadaan lang tayo. Pwedeng di na mag stop. Please?" Pagsusumamo ko kay Mom.
"Osige na nga, Love dadaan daw tayo sa bahay nila Kimi, yung bahay nila Tes." Sabi ni Mom kay Dad. Kinikilig talaga ako sa kanila kapag Love yung tawagan nila.
"Sige, Love."
Maya-maya, pumasok na kami sa village nila Kimi. Sana makita ko siya kahit sa labas lang ng kwarto niya. Paliko na kami sa kanto kung saan yung bahay nila Kimi. Nakita ko si Kimi, pero may kasama naman siyang iba at aba! Nakahug pa! Napadaan kami sa kanilang dalawa at doon ko napagtanto kung sino ang lalaking iyon.
Francis.
"Oh anak, andiyan si Kimi oh. Gusto mong bumaba?" Tanong ni Mom sa akin. Umiling nalang ako.
"'Wag na po Mom, dadaan lang naman tayo diba?" Malungkot kong tugon.
Hays, magsama kayo!
Pagdating namin sa airport ay 9:30 na kaya maya-maya ay sasakay na kami. Nang nakapasok na kami ay agad kami naghanap ng mauupuan at ramdam kong komportableng komportable ako.
It's time to have fun, siguro kalimutan ko muna dito ang iniisip ko at ienjoy ang bakasyon namin sa America. Pero, bakasyon nga ba ito?
-PHERENCH-
"Oy! Fe! Nakaalis na sila?" Napahawak kaagad ako sa dibdib ko nang biglang sumulpot si Micnielle.
"Oo, kakaalis lang. Baka nagkatuluyan na nga yun eh!" Sabi ko pa at tumawa nalang kami pero napahinto ako sa pagtawa nang biglang may sumagi sa isip ko, "nga pala Mic, totoo bang pinatawag ka talaga ni Tito Steve?" Tanong ko.
"Oo, tayong dalawa nga daw yung pinapatawag eh."
"Huh? Bakit naman daw?"
"Ewan, ano tara na?"
"Paano si yaya, ah. Sige na! Mamaya na ako magpapaliwanag."
***
"Tito Steeeeve!" Sabay-sabay naming sabi ni Micnielle. Tumakbo kami sa kanya at inambahan siya ng yakap. "Akala ko po, hindi niyo po kayang iwanan ang mansiyon niyo doon?" Natatawa kong sabi.
"May pinagiwanan naman ako." Sabi niya, at humarap kay Micnielle "oh, Micnielle kamusta ang mission? Nasimulan niyo na?" Tanong ni Tito Steve sa kanya.
YOU ARE READING
Falling For Two (COMPLETED)
Teen Fiction1 Word, 1 Syllable, 4 Letters, 1 vowel, and 3 consonants. That's the word 'FALL'. Word that can hurt you in one wrong move, word that have deep meaning, meaning that we don't easily understand. A girl named Kimi. A girl who wants happiness, A...