CHAPTER 39: HOW TO STAND FIRM?

105 12 7
                                    

CHAPTER 39:

Nang makarating sila sa ospital ay agad nilang tinanong ang babae na nasa counter kung saang kwarto si Kimi Anne Parker.

"Miss, anong room po ba si Kimi Anne Parker?" Tanong ng ama ni Kimi sa babae.

"Wait lang po," maya-maya ay nagsalita ulit ang babae. "Ah, nasa emergency room po siya."

Parang biglang gumuho ang mundo ng mga magulang ni Kimi nang marinig ang emergency room. Parang ang karayom na kanina ay lumisan na ay bumalik na naman dahilan para kumirot ang puso nila.

Agad na tumatak sa isipan nila ang mga tanong kung okay lang ba ang kanilang anak. Bakit ito nasa emergency room, malala ba ang lagay nito? Hindi sila mapakali kaya naman ay mabilisan nilang pinunta ang emergency room at sa labas ay nakita nila ang lolo ni Kimi na ama ng ama ni Kimi kasama ang mga miyembro ng clan na dati ay sila.

Agad na lumapit ang ina ni Kimi at tinadtad ng tanong ang kanyang biyenan.

"Kamusta si Kimi? Okay lang ba siya? Anong nangyari sa kanya?"

"Huminahon ka lang muna," sagot ni Lolo Steve.

"Sagutin mo nalang kasi ako! Hindi lang naman ikaw ang nag-aalala pati rin ako! Gusto kong malaman ang lagay niya pero ayaw niyo namang sabihin, gusto kong malaman kung okay lang siya kung anong nangyari sa kanya pero hindi niyo naman sinasabi sa akin! Pinapahula niyo ba ako?! Kasi kung oo, edi ako na ang tanga dito." Sabi ng ina ni Kimi at napatakip sa mukha upang punasan ang kanyang luha at muntikan nang matumba at buti nalang ay nasalo siya ng kanyang asawa.

"Pagpahingahin mo muna siya, kailangan niya ng maraming pahinga at lakas bago malaman ang kalagayan ng inyong anak at ng aking apo."








NANG makaalis na ang ama't ina ni Kimi ay agad na nagsalita si Tito Steve.

"Walang magsasabi kung anong nangyari kay Kimi, ako lang. Maliwanag?" Sabi niya at tumango nalang ang mga miyembro ng Legionary Clan at umalis.

"Bakit pa kasi to nangyari? Bakit ba gusto nilang kunin ang kontrata. Ano bang mayroon doon?" Tanong ni Grazeille nang makaalis si Tito Steve. Yan palagi ang tanong na lumalabas sa isip nila sa tuwing naririnig ang Troopers Clan.

"Yan ang 'di namin alam." Sabi ni Tyler at sumang-ayon naman ang lahat,

"Siguro hintayin nalang natin na magpaliwanag si Tito Steve sa mga nangyayari."

"Pero mali rin eh, dapat naman sabihan niya agad tayo as soon as possible, paano kung tayo na naman ang saktan ng mga yon? Wala man lang tayong kaalam-alam sa buong pangyayari."

"Ah bahala na."

Parang nahahalata nilang ang tahimik ni Pherench kaya tinanong nila ito.

"Pherench ang tahimik mo ata ngayon?"

"Kasalanan ko 'to eh. Kung hindi ko lang sana pinapunta si Ate Kimi sa America edi sana hindi 'to nangyari sa kanya." Sagot ni Pherench at yumuko sabay humagulgol.

"Ano? Pumunta si Ate Kimi sa America? Anong ginawa niya dun?" Gulat na tanong ng mga kamiyembro niya.

"B-bumalik ang sakit ni Kuya Jayrofer, sakit sa puso. Kaya ayun, sinundan niya. Ilang araw niya na kasing iniiwasan si Kuya hindi niya alam na bumalik na pala ang sakit nito at nung nalaman niyang aalis na si Kuya sa Pilipinas sinundan niya sa airport pero huli na siya kaya ayun nagpabook agad siya ng flight papuntang America. Pero ang tanong, bakit niya iniiwasan si Kuya?"

"Teka lang, nakuha ko pa ang cellphone ni Ate Kimi sa bulsa niya eh nung nahanap namin siya. Baka may mahanap tayong sagot doon." Sagot naman ni Tyler.

Falling For Two (COMPLETED)Where stories live. Discover now