CHAPTER 1: Staring is rude

1K 18 2
                                    

Jillian

"Gonzales, Jillian."

"Present!"

Lunes ng umaga ngayon at unang klase ko sa Income Taxation. Kasalukuyang nagche-check ng attendance ang professor namin bago magsimula ang pormal na klase. Oo nga pala, third year Business Administration student ako major in Financial Management.

"Loyzaga, Tristan Jenry," tawag ng prof.

"Yo, abot pa po ako! Present, Ma'am!" Lahat kami napatingin sa lalaking nakatayo sa pinto ng classroom. Halata naman na kadarating lang niya at hinihingal pa.

"Himala at umabot ka sa attendance ngayon, Mr. Loyzaga. Because if not, you'll be having your 4th absence for this semester. Wala pa ngang midterms ay bi-bingo ka na," puna ng prof. namin kay Loyzaga kaya nagsitawanan ang buong klase. Ano kayang nakakatawa ro‟n?

"Okay lang 'yan, Ma'am! Ganito talaga kapag gwapo, laging late. 'Di ba nga po, save the best for last?" proud na sagot niya sabay kindat pa. Duh? Feeling gwapo talaga lagi ang lalaking 'to.

"'Yun naman daw ang sinasabi ko sa'yo, Tristan! Ikaw na talaga ang sagad sa buto ang confidence!" asar ni Jeffrey, isa sa mga barkada ni Loyzaga. At nagsitawanan na naman ang lahat.

"Loko! Ano laglagan?" sagot naman nitong isa saka ngumiti nang nakakaloko.

"Loyzaga and Cortez, enough of your jokes! Para kayong mga high school!" saway ng prof. kaya napailing na lang ako.

Mas marami kasi ang lalaki sa block namin. Fifteen lang kaming babae rito at twenty-five naman ang mga lalaki. Sa barkada ni Loyzaga, lima na agad silang gwapo, sikat, at ma-appeal. Sila rin ang pinakamakukulit sa klase to think na we are on our junior year. Sila ang pinakapasaway at pinakamaingay. Pero sila rin „yung kahit mga mukhang tamad, chicks-magnet, at maloloko, lahat sila may ibubuga sa klase.

Busy akong nagso-solve ng isang given problem nang ma-distract ako. Napatingin ako sa right side ko, particularly sa kabilang column. Sa pinakalikod malapit sa may bandang aircon nakaupo ang barkada ni Loyzaga. Maiingay sila, bulungan, tawanan, at nagkokopyahan ng sagot. Tsk. Free sitting arrangements kasi kami sa room kaya kahit saan mo gustong umupo, malaya ka.

Masyado na yatang napatagal ang titig ko sa kanila, because the great Tristan Jenry saw me and smirked playfully. He wrote something on his paper at ipinakita sa‟kin.

STARING IS RUDE, NAKAMAMATAY.

Sabay irap pa niya at ngiti nang nakakaloko. Tapos bumalik na ulit sa pagkopya ng sagot. Badtrip! Pakiramdam ko pumula nang sobra ang mukha ko! Hindi dahil sa kilig, kun'di dahil sa inis.

"Gwapo ka nga, pero balewala rin kasi sobrang yabang at sama naman ng ugali mo!" pabulong na sabi ko sa sarili ko. Nakakainis talaga ang Loyzaga na 'yun! Bwisit!

Natapos ang maghapong klase pero naisipan kong tumambay muna sa canteen para kumain kasama ang mga kaibigan ko.

"Hoy naman, Jillian! Ano na namang ikinalulukot ng mukha mo? Parang dala mo lahat ng problema ng Pilipinas, ah?" tanong ni Ynna, isa sa mga kaibigan ko. Hindi ko pinansin ang pang-aasar niya, itinuloy ko lang ang paglalaro ng straw sa iced tea na iniinom ko habang nakatitig dito.

"Hay naku, Ynna, ano bang bago? Paano ba naman kasi, may LQ na naman sila ng prince charming niya na si Tristan," paliwanag ni Aira sabay tawa pa. I glared at her kaya lalo siyang tumawa.

"Duh? Ano tayo, elementary? High school? Prince charming? „Tsaka kahit nga katiting na ugali ng prince charming wala ang Tristan na „yun! Paano „yun magiging prince charming?! Utang na loob, igalang niyo naman ang mga prince charming nina Cinderella at Snow White kung ihihilera niyo si Tristan!" iritadong sagot ko. Totoo naman, eh.

"Eh, bakit defensive ka? Sus, dami agad nasabi, eh," taas-kilay na tanong ulit ni Ynna. Hindi ko pinansin ang tanong niya at piniling tumahimik. Ito ang ayaw ko sa kanilang tatlo kapag pinag-uusapan si Tristan, they‟re pushing it up to something na hindi naman dapat.

"Eh, bakit na naman ba kasi kayo nag-away?" tanong naman ni Tania. Tumingin ako sa kanila at huminga nang malalim bago nagsimulang magpaliwanag kahit labag sa kalooban ko.

"Ganito, 'di ba wala si Ma‟am kanina? She ordered na mag-attendance sa subject niya. Since ako lang at si Tristan „yung officer sa room, unfortunately ako na ang napilitan na magpaikot ng attendance sheet." "Oh, tapos?" agad-agad na tanong ni Ynna.

"Excited ka, Ynna? Hindi makapaghintay?" pagtataray ko naman. "Sungit, 'te."

"So ayun nga, naglabas ako ng attendance sheet. No‟ng ako na „yung magsusulat, lumapit sa‟kin si Tristan at pilit na inagaw ang attendance sheet. Sabi niya, sila na raw muna 'yung magsusulat para makauwi na sila. Sabi ko naman, ako ang nauna kaya maghintay siya. Dahil sobrang gentleman ng lalaking „yun, nakipag-agawan pa rin siya sa attendance sheet kaya napunit ito. No'n pa lang siya bumitaw. Kumuha siya ng bagong yellow paper sa bag niya at nagsulat do'n. Pagkatapos ay umalis siya ng room habang nakatingin sa'kin at nakangisi. Nakakainis! Pinagkaguluhan „yung attendance kanina, ako tuloy 'yung pinakahuling nakapagsulat!" mahabang paliwanag ko, iritado pa rin.

"OMG! Ang cute niyo talagang mag-away ni Tristan!" asar ni Aira sa‟kin habang kinikilig-kilig pa. Naririnig niya ba ang mga sinasabi niya?

"Ano'ng cute ro'n? Nakakainis siya! Nakakainis!"

"Baka crush ka ni Loyzaga, girl, kaya siya gano'n sa'yo," Ynna concluded.

"Ay, oo nga! Yieeee! 'Di ba nga raw, "the more you hate, the more you love‟?" gatong pa nitong si Aira habang humahagikgik. Napailing na lang ako sa mga naiisip nila. Hindi talaga nila titigilan ang pang-aasar. Bumaling ako kay Tania na nakikipagtawanan.

"Ikaw, Tania, baka may gusto ka ring idagdag na conclusion?" sarkastikong tanong ko.

She answered me with a shrug sabay sabing, "Reverse psychology," kaya napasagot na lang kaming tatlo ng, "Ha?" Hotdog?

"Reverse psychology... maybe he's using those tactics to get her attention. He annoyed her para mainis lalo si Jill sa kanya. In that way, mas mapapansin siya nito 'Di ba?" she explained na para bang sobrang proud siya sa conclusion niya. At dahil doon, mas kinilig pa 'yung dalawa na parang mga baliw. Napailing na lang ako. Wala akong magagawa kahit ganito sila ka-out of the world mag-isip kasi kaibigan ko sila. 



The Sweetest Downfall (Published Under KPNY Self-Publishing & Printing)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon