CHAPTER 46: Perks of an Intern

228 3 0
                                    

Jillian

TWO YEARS LATER

"Jillian, sana magkita tayo sa Pilipinas kapag umuwi ako. Mami-miss kitang bata ka!" sabi ni Ate Jo sabay yakap sa akin. Co-trainee ko siya from Cebu. Kasama ko rin siya sa bahay na tinuluyan ko rito sa Singapore for two long years. Apart from being a housemate, she treated me as her younger sister. Siya lang ang kasama ko at tinuring kong family sa loob ng dalawang taon kaya sobra ang pasasalamat ko sa kanya. May mga na-meet din naman akong new friends, co-trainees, business colleagues, and our big bosses. Marami sila.

"Oo naman, Ate! Ano ka ba? Just e-mail me kung kailan ka uuwi. Gusto mo ako pa ang sumundo sa'yo sa airport, eh?" pagbibiro ko.

"Gaga ka talaga. Pero sure! Hahaha! Anyway, mag-iingat ka sa biyahe, ah? Naku, mami-miss talaga kita."

"Tama na 'yan, Ate, baka mag-iyakan pa tayo rito."

"Ikaw kasi, eh, aalis ka na kaagad. Wala ng makulit dito sa bahay."

"Two years lang ang contract ko, 'di ba? Gusto ko sanang i-renew kaso, sobrang miss ko na ang family ko. Sapat na ang dalawang taon na isinugal ko."

"Naiintindihan kita. Sige na, hatid na kita sa taxi. Dadaan ka pa sa office, hindi ba?"

"Yes, kukuhanin ko pa „yung iba kong gamit do'n pati requirements. 'Tsaka magpapaalam din ako sa mga handler ko ro'n at magse-selfie pa ako sa woking table ko. Haha!"

"Adik! O sige na, tara."

Saktong paglabas namin ni Ate Jo ay may dumaan na taxi. Niyakap niya ako nang mahigpit bago ako pumasok sa taxi. I waved her my goodbye kahit nasa loob na ako. Mami-miss ko siya, sobra.

Pinagmamasdan ko ang mga lugar na nadadaanan ng taxi papunta sa office. Ang mga lugar na ito na naging parte ng buhay ko rito sa Singapore. Mga lugar na saksi kung gaano ako naging malungkot at kung paano „yun napalitan ng saya. Ang mga lugar na may perfect ambiance para sa mga tao na gustong maging stress-free. Nakaka-relax ang paligid. Napangiti ako ng madaanan namin ang mall na madalas kong puntahan. Kinuhanan ko ng picture ang labas no‟n habang umaandar ang taxi. Nakakatawang isipin na madalas akong mag-window shopping pero hindi man lang ako nagkaroon ng picture. Nakakahiya kasing mag-selfie ro'n, bukod sa dinadayo lagi ng mga tao, baka mapagkamalan pa akong weirdo.

Tumigil ang taxi sa tapat ng university kung saan ako nag-aral, ang naging pangalawang tahanan ko sa estrangherong bansa na 'to. For the first six months of my stay in Singapore, I studied here. Dito ako naging trainee kasama ng iba‟t ibang lahi. Dito ko nalaman ang weaknesess ko, the same as kung paano nahubog ang abilities, potentials, at strengths ko. Kaya sobrang nagpapasalamat ako at naabot ko ang puntong ito.

I paid the driver, went out of the cab, and headed directly sa school of business. Napangiti ako nang makita ko ang classroom ko. During my first day, I am a typical loner. I am a stranger to everyone. Dumating pa sa point na umiiyak ako ng patago kasi naiisip ko kung gaano kasaya na ang barkada ay kasama ko rin dito, nagtatawanan at nagkokopyahan ng assignments.

Binuksan ko ang pinto and I was surprised sa nakita ko.

"SURPRISE!"

"We will miss you, Jillian! Have a safe flight!"

My colleagues were all present. Even Professor Ed, who was my adviser and trainor, was also here! One thing I like about them is that they never treated me as a stranger. It feels like home, nakakataba ng puso ang treatment nila sa akin dito.

"Oh my God, guys! You're making me cry!" I bursted.

"Come on, Jillian. Don't be sad, aren‟t you happy that you're going back home?" Bill asked and approached me. He was our class president and one of my closest friends.

"No, Bill. Of course, I am happy. I am just sad about the fact that I am leaving you, guys. I hope we could see each other again soon."

"Of course! Smile, pretty lady! We will miss your "waley" jokes. And on how you made our boring classes hyper as we couldn't imagine. Take care!" Ashleigh stated.

Nakakatuwa, I never expected that it'll happen. They gave me their messages and I couldn‟t help but to cry. Minutes passed, after we took our last group picture, I waved my final goodbye.

My last destination for today is on the bank where I became an intern for six months and got absorbed to work for a year. It was a once in a lifetime experience and I will always be grateful for this. I became one of the administrative staffs here together with Ate Jo and the other interns. It was so happy to work here. The managers, members of the board, head of every department, the securities, and even the maintenance were all good.

I went inside, binati pa ako ng guard at ng mga tauhan sa front desk. I headed directly sa office table ko. Napangiti ako at the same time ay nakaramdam ng lungkot. Sa table na 'to, una kong nakausap ang kaunaunahang customer ko. Sa table na 'to, nangyari ang mga dahilan sa likod ng unang sweldo ko. Ang puyat, pagod, hardworks, kung gaano kasayang humarap sa mga customer, kung gaano nakakatakot at nakakakabang humarap sa top management kapag may board meetings, at kung gaano nakaka-relax sumama sa mga team bulding. Lahat 'yun ay naranasan ko sa loob ng one and a half years.

I cleared my desk at kinuha ang mga importanteng gamit na naiwan ko rito. I glanced at the desktop. I smiled when I remembered my first day here. „Yung company I.D. ko, I grabbed it at itinago sa wallet ko. Remembrance before I left. After that, I headed directly to the HR department for my clearance and in less than two minutes it was all done.

This is it! Wala ng urungan 'to. I am waiting my time to board. Finally, after two years, uuwi na ako. Everything would be back to normal. Honestly, kinakabahan ako. I was afraid na malaman kung may babalikan pa ba ako. Sa two years na nakalipas, alam kong maraming nagbago. Sa akin, may nagbago nga ba? Honestly, oo! For two years I began accepting the fact that everything changes kahit gaano mo pa kagustong hindi 'yun magbago. Hindi mo mapipigilan na magbago ang isang bagay. Lalo na ang nararamdaman.

Two years ago, grumaduate na ang barkada. I am very proud of them. Some of them were in the honor rolls. Lagi nila akong kinakamusta everytime we had the chance to skype. Madalas sina Aira, Kevin, Jeff, at Karl ang nakakausap ko. By now, may mga trabaho na sila with their respective areas. Nakaka-proud!

Si Tristan? Since the day I left, wala akong balita sa kanya. Except for the fact na grumaduate na rin siya as Cum Laude. I am so proud of him. Pero pagkatapos ng balitang 'yun, wala ng sumunod. Hindi rin alam ng barkada kung nasaang lupalop siya ng Pilipinas. The last time na nakausap ko si Jeff, nasa Manila raw si Tristan. Sabi naman ni Kevin, nasa Vigan. Honestly, sobrang miss ko na ang Dota boy na 'yun. At magsisinungaling ako kung sasabihin ko sa inyong hindi ko na siya mahal. Oo, mahal ko pa rin siya. Dahil „yun lang naman ang nararamdaman na mahirap pigilan lalo na kung totoo. He deactivated his facebook account since the day we broke up. I tried stalking his twitter, pero ang last tweet niya ay no‟ng 8th monthsary namin tapos wala ng sumunod. I understand the reason why he did those things. He is too much hurt.

Nasaan na kaya siya ngayon? Proud din kaya siya sa akin dahil natupad ko na ang pangarap ko? Na-miss niya rin kaya ako? Ano na kayang trabaho niya? Ano na ang itsura niya? Dota boy pa rin ba siya? Waley pa rin ba ang mga banat niya? Isip bata pa rin ba siya? At... ako pa rin kaya ang mahal niya?  

The Sweetest Downfall (Published Under KPNY Self-Publishing & Printing)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon