CHAPTER 26: BFF forever

324 3 0
                                    

Jillian

Last day na ngayon ng bakasyon at bukas ay panibagong semester na ulit. Kami ni Tristan? Wala namang nagbago. Gano'n pa rin except sa mas lalo siyang naging maalaga. He always make sure na I'm safe, he's too caring. Minsan naiisip ko baka ma-attach ako lalo sa kanya at mahirapan na akong mapalayo sa kanya katulad kung gaano ako nahirapan when JB left. Speaking of Benedict, tiningnan ko ang oras at ito ang chatting time namin for Skype.

Kinuha ko ang laptop saka nag-open ng app na skype. Sakto naman na biglang nag-chat si JB kaya inayos ko ang camera ng laptop at nakita ko siyang nakahalumbaba sa tapat ng monitor niya.

"Bes, ano? Kita mo na ang gwapo kong mukha?" tanong niya habang naka-pogi sign.

"Heh! Bakit ba ang tagal mo? Kanina pa ako naghihintay. Inugat na ako rito, Benedict," sabi ko ng naka-pout.

"Hindi mo ba na-receive ang message ko sa messenger? Sabi ko late ako uuwi tonight kasi may exam ako." Isinuot niya ang eyeglasses niya. Mukha siyang si Harry Potter. My goodness!

Bakit ang gwapo ng kaibigan kong 'to? Since umalis siya, mga two months after bago siya nakapag-adjust do'n. He suggested na mag-skype raw kami everytime na nami-miss ko na siya. Noong una, umiiyak pa ako kapag kausap siya at nakikita ko siya na nasa harap na lang ng monitor habang siya naman ay tawa nang tawa. Baliw talaga 'yun.

"Bakit parang ang tahimik naman d'yan sa inyo ngayon?" tanong ko. Dati kasi nakiki-hi pa ang mommy at daddy niya sa camera, minsan si Kuya Kiko rin.

"Ah, si Kuya nasa opisina pa. Malamang umaga na uwi no'n. Si Papa naman, next week ang balik from Cali. Pinadala siya ro‟n para sa renovations ng isa nilang site. Si Mama ayun, natutulog na."

"Ang busy niyo namang lahat d'yan. Ikamusta mo 'ko sa kanilang lahat, ah?" sabi ko at ngumiti.

Tinitigan ko siya habang may sinusulat siya sa papel. Ang gwapo niya na lalo. Bumagay rin sa kanya ang clean cut na gupit at nagpa-highlight din siya ng brown sa buhok niya. May black cross earings din siya sa left ear niya na bumagay sa kanya. Aaminin ko mas nag-mature siya ngayon. About sa feelings niya sa akin, masaya na ako na sa kanya mismo nanggaling na unti-unti na siyang nasasanay.

Nawala ako sa pagmumuni-muni ng iharap niya ang papel na kanina ay may sinusulatan niya. At ang nakalagay, I MISS YOU :).

"Ano ba, bes! Paiiyakin mo na naman ako! Nakakainis 'to!"

"What? Wala namang nakakaiyak sa I miss you ah? Im just stating the obvious," cool na sagot niya at sumandal sa upuan niya. Nilagay niya pa 'yung dalawang kamay niya sa likod ng ulo niya.

"Kamusta ka na riyan? Anyare sa exam mo kanina?" tanong ko.

"So far, so good. Easy na easy. Haha!"

"Yabang natin, ah?"

"Okay naman, don‟t mind me. Kaya ko pa. Ikaw? Kamusta ka na?"

Tumahimik ako, isa rin „to sa mga dahilan kung bakit madalas kaming mag-skype ni JB, kasi ginagawa ko siyang human diary. "Ano? Magulo pa rin ba?" tanong niya.

Hindi ako sumagot, tumingin lang ako sa kanya at tumango. Bumunto ng-hininga naman siya.

"Saan ka pa ba naguguluhan, Ji? Sa nararamdaman niya sa'yo o sa nararamdaman mo sa kanya?" Hindi pa rin ako sumagot. "O baka iniisip mo pa rin ang past niya?" This time, napatingin na ako sa kanya. Oo, alam niya ang tungkol do‟n. Kahit naman nasa Australia ang isang 'to, updated pa rin siya.

"Bes, oo aaminin ko natatakot ako na baka bumalik ang past niya.

Pero sa ngayon, may isa akong problema."

"Ano naman 'yun?" taas-kilay na tanong niya.

"Kasi... kasi ano, eh."

"Ano?" flat na tanong niya.

"Sa nararamdaman ko sa kanya, alam ko na ang sagot matagal na. Sa nararamdaman niya sa akin, sa pagmamahal niya matagal na akong naniwala at wala ng doubts. Its just that..."

"Its just that?"

"Hindi ko alam kung paano sasabihin sa kanya. Natatakot ako, pressured. I may sound funny pero 'yun ang totoo, bes. Hindi ako katulad niya na malakas ang loob at laging open na mahal niya ako. Kilala mo 'ko, JB, hindi ako sweet na tao."

"Engot ka talaga, Ji," natatawang sabi niya.

"Wow, haaa! Maka-engot ka naman d'yan!"

"Seryoso, pati ba naman 'yun iniisip mo pa? Jillian, kung sigurado ka na mahal mo siya, hindi issue kung paano mo 'yun sasabihin. Kesyo romantic, kesyo baduy, basta totoo ang nararamdaman mo at ramdam niyang totoo 'yun, maa-apprecite niya na 'yun. Haaay, tungeks ka talaga kahit kailan."

"Paano ko sasabihin? Paano ko sisimulan? Paano??"

"Ji, makinig ka. Sabihin mo lang ang totoo. Sabihin mo from the heart. And make sure na mararamdaman niya „yun. In that way, matutuwa siya. Baka nga umiyak pa 'yun, eh. Believe me, Jillian, kapag lalaki ang sasabihan mo na mahal mo siya, kahit nasa gitna pa kayo ng daan, naglalakad, sa gitna ng klase o kahit saan pa man, sobrang mapapatalon na siya. Kasi sa wakas, sinabi 'yun sa kanya ng taong mahal niya at mahal din siya. Plus the fact na finally, their feelings are mutual. Hindi one-sided lang."

Nakikinig lang ako sa kwento niya. At base sa reaction niya, natutuwa ako na ang isang lalaking tulad niya ay hindi nahihiyang magkwento ng ganito.

"Ano, Ji? Naipaliwanag ko na sa‟yo lahat ng gusto mong malaman. Nasa sa'yo na lang kung paano mo susundin o kung susundin mo ba 'yung mga pinagsasasabi ko kahit mukha ka namang hindi nakikinig," sabi ni Benedict na umiiling pa.

"Waaah! Benedict, I love you na talaga! Thank you very much, nand'yan ka pa rin kahit magkalayo na tayo."

"Kaya nga tropa poreber, 'di ba? Para saan pa 'yun kung may mangiiwan?"

"Ikaw na nga ang sweet! Hoy ha, basta ikaw rin kahit ano pang maging problema mo. May Jillian dito sa Pilipinas na willing makinig s'‟yo." 

"Corny mo po." Ngumiti siya.

"Akala mo siya hindi."

"Siya sige na, mag-10:30 na, oh. Matulog ka na. May pasok ka na bukas, 'di ba? Goodluck sa inyo. Ikamusta mo 'ko sa kanilang lahat."

"Sobrang salamat talaga, JB. Goodluck din sa'yo riyan at mag-iingat ka palagi. Hindi ka pa matutulog?"

"Hindi pa, may exam pa ako bukas na isa. Matulog ka na. Goodnight, Ji. I miss you."

"I miss you, too! Don't worry. I always pray for you." Ngiti lang ang isinagot niya bago siya nag-offline. 

The Sweetest Downfall (Published Under KPNY Self-Publishing & Printing)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon