CHAPTER 60: Friend of mine

168 3 2
                                    

Jillian

"Bes, sorry na kasi. Please?" sabi ni Benedict sabay pout.

"Ewan ko sa'yo, Benedicto! Strike 2 ka na sa akin, alam mo ba?!" iritang tanong ko sa kanya. Sabado ngayon, walang pasok sa opisina at dahil diretso uwi ako ng Batangas kagabi pagkatapos ng trabaho, puyat ako at pagod, pero ang lakas ng loob ng lalaking 'to na bulabugin ang natutulog kong diwa. Alas-sais ng umaga at nandito siya sa bahay namin, sa kwarto ko, at kinulit ako dahil sa hindi ko pa siya napapatawad sa kasalanan niya.

"Sorry na nga kasi. Alam ko namang kasalanan ko," sabi niya.

"Natural. Alangan namang kasalanan ko?" balik ko sa kanya sabay talikod at nagtalukbong ng kumot. Nakahiga pa rin ako at para akong nakamagnet sa kama. Tamad na tamad ako.

"Tsk, bumangon ka na nga riyan at magde-date tayo. Tagal ko ng nakauwi, hindi pa tayo nagba-bonding. Nagtatampo ka pa. Almost three years tayong hindi nagkita tapos mag-aaway pa tayo? Ano ba naman 'yung patawarin mo na ako para maging okay na ulit tayo, bes? Alam ko naman na kasalanan ko, pero siguro naman ay nadadaan lahat sa usapan? Miss na kita, bes," malungkot na sabi niya. Medyo nakonsensiya naman ako.

Humarap ako sa kanya, "Libre mo ba?"

Nabuhayan naman siya ng loob sa sinabi ko kaya ngumisi siya. "Mukha ka pa ring libre! Oo na, ako ang taya! Kaya bumangon ka na riyan, dali. Maligo ka na at magbihis. Sa labas tayo magbe-breakfast."

Mas lumaki ang ngisi ko knowing na siya ang taya. Galante kasi ang mokong. Pero aside from that, there's a part in me na gusto ko ring bumawi sa kanya. Hindi naman talaga ako galit, masama ang loob siguro, pero he‟s still my best friend. Siya ang isa sa mga nasasandalan ko no'ng oras na hinang-hina ako.

"Oo na po." Bumangon ako sa pagkakahiga samantalang si Benedict ay prenteng nakaupo sa mini sofa sa tabi ng kama ko. He was scanning some books to read. Novel-addict kasi siya kasi nahawaan ko. Tiningnan niya ako saglit ng tamad na tingin saka tumayo mula sa pagkakaupo. "Bilisan mo na po ang kilos at baka tanghaliin tayo. In 30 minutes dapat okay ka na. Hihintayin kita sa sala niyo."

It's been years since we last met and had each other. And I know for a fact that we miss each other that much. He was about to leave the room when I say, "Miss na miss din naman kita, bes. 'Wag kang mag-alala." Saka ako tumakbo papunta sa CR ng kwarto ko. Halos malaglag naman ang panga ni Benedicto sa gulat. Hahahaha!

u

"Tara na?" sabi ko kay Benedict na naabutan kong nakahiga na sa sofa namin sa sala. Sa kabilang sofa naman ay ang kapatid kong si Arkin. Pareho silang nanonood ng NBA Finals. Nakatunganga pareho sa TV na akala mo bawal silang maistorbo. Wala si Mama, magkikita raw sila ng kumare niya at si Papa naman ay pumasok sa office.

"Tinamad na ako. Grabe, ang tagal mong mag-ayos! Ano pa bang ginawa mo at inabot ka ng dalawang oras ng pagligo at pagbibihis?" sibangot na tanong ni Benedict ng bumangon siya sa sofa at tumayo. Ngayon ko lang napansin na gumwapo siya lalo. Tumangkad siya, pumuti pa lalo. Medyo cofffe brown ang highlight ng clean cut niyang buhok na bumagay sa kutis niya. Kahit wala na siyang piercing sa kaliwang tenga ay gwapo pa rin siya. Naka-Tribal white polo shirt siya, maong pants, at rubber shoes. 'Yung Ray Ban niyang shades ay nakasabit sa leeg ng polo shirt niya. Sa tindig at itsura pa lang niya, mapapanganga ka na. Lord, thank you po for giving me such best friend like him.

"Ang arte mo naman! Ngayon na nga lang ulit kita pinaghintay, nagrereklamo ka pa," bawi ko naman.

"'Yun na nga, eh. Ngayon mo na lang ulit ako pinaghintay pero sinagad mo naman," sabi niya habang naglalakad palabas ng pinto. "Tol, basketball tayo sa Friday pagkatapos ng midterms mo," habol pa niya kay Arkin bago lumabas ng tuluyan.

The Sweetest Downfall (Published Under KPNY Self-Publishing & Printing)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon