CHAPTER 25: Battle between first & last love

369 4 2
                                    

Jillian

Isang buwan matapos umalis ni Benedict, medyo mabigat sa pakiramdam. Mahirap kasi kapag nawala 'yung nakasanayan.

"Jill, tara sa music room?" pagyaya sa akin ni Tristan. Last day na ng first sem, ngayon kaya itong si Tristan ay wala ng ginawa kun‟di bumuntot.

So far, wala namang naging problema sa school. Natapos ang final exams, nakapag-pre-oral defense kami ng thesis. Kaya ngayon ay petiks muna kahit sabi ni Dean, eh, bawal pumetiks dahil may part 2 pa ang thesis.

"Oh, nasaan mga tao rito? Akala ko ba may jamming kayo?" pagtataka ko. Wala kasing katao-tao. Kapag may band practice kasi, si Tristan ang laging late.

"Wala naman kaming band practice, joke lang 'yun." Saka siya tumawa.

"Ha! At masaya ka pang Tristan Jenry ka? Tara nang umuwi!" sabi ko at nagpunta sa may pinto. Binuksan ko na „yun para lumabas pero nang lingunin ko siya ay busy siyang nag-aayos ng gitara niya.

"Jillian, last day na ng sem. ngayon. Magbabakasyon na tayo. Masama bang humiling sa'yo na dito ka muna sa tabi ko?" sabi niya nang mahina. Natigilan ako ro'n, nagdrama na naman po si Loyzaga. Pero bakit kinikilig ako?

"Fine." Umupo ako sa upuan na katabi niya.

Nagsimula na siyang tumugtog sa gitara niya, puro strummings lang. Random. Habang ako ay walang ginagawa kun‟di ang titigan siya. Sa t‟wing maggigitara ang isang 'to, napakagwapo talaga niya. Hindi mo matitiis na hindi siya tingnan. Para siyang artista, yet nananatiling simple at humble. Siguro, tama nga ang sinasabi ng karamihan. Na swerte ako sa kanya. He's a guitarlord, nakakainggit na hindi niya na kailangang tumingin sa frets kapag nagpapalit ng chords. Kabisado niya ang bawat chords at pwesto. Idagdag mo pa ang malamig niyang boses kapag kumakanta.

All of a sudden, biglang may tanong na sumagi sa isip ko. Tanong na noon pa lang, gusto ko ng masagot.

"Tristan?" I called him. He looked at me habang naggigitara pa rin. Nakatingin lang siya at hinihintay ang susunod kong sasabihin. "I want to ask you something, pero okay lang naman kung hindi mo sagutin."

"Ano 'yun?"

Itatanong ko na ba? Hindi ko alam kung paano sisimulan.

"'Di ba dati, okay naman tayo simula pa lang? We're friends..." pasimula ko. Siya naman ay nakikinig lang, pero halatang alam niya na kung ano ang gusto kong iparating. "I just want to know. Bakit bigla ka na lang umiwas one day, and then kinabukasan you treated me like I am a stranger?" Sa wakas, nasabi ko na rin. Itinigil niya ang pagtugtog, humarap siya sa akin at ngumiti.

"Sabi ko na nga ba darating ang araw na 'to. Jill, ito 'yung araw na kahit ano'ng gawin ko, hindi ko matatakasan. Matagal ko ng napaghandaan ang isasagot ko rito. And then, this day came. Alam ko, itatanong mo talaga. You sure you wanna know the reason?"

I nodded for an answer and smiled at him. Iknow he has his reasons. At kahit ano pa 'yun, handa akong makinig.

Sumandal siya ng maayos sa inuupuan niya saka huminga nang malalim. "I met a girl way back on my senior year on high school. She was on her junior year, Laureen Nichole Melendres. I met her accidentally on a birthday of a mutual friend. We aren't on the same school but I learned we live in the same subdivision."

Tahimik lang akong nakikinig sa bawat detalye ng kwento.

"We hangout often. Share stories between the two of us, until we didn't notice the time. Days passed, she became my first love. Bata pa ako no'n, akala ko sapat na 'yung words at 'yung nararamdaman ko para sa kanya, the same as 'yung feelings niya for me. Akala ko noon, ang love ay isang simpleng pagsasabi lang na mahal niyo ang isa't isa, pero hindi pala. I never knew it was that complicated. Complicated in the way na kapag napasobra, you'll never notice na nakasisira na pala."

The Sweetest Downfall (Published Under KPNY Self-Publishing & Printing)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon