CHAPTER 36: Valentine

244 2 0
                                    

Jillian

From: Dota boy ;)

Good morning, mahal kong iyakin. ;) I won't be able to pick you up for school. See you later. I love you. :) Happy Valentine's Day!


I woke up with a smile on my face. Ikaw ba naman ang bungaran ng ganyan ka-sweet na text galing sa isang gwapong nilalang, ewan ko na lang kung hindi ka pa kiligin.


To: Dota boy ;)

Good morning din, Dota boy!! Kagigising ko lang. I love you, too. Happy Valentine's Day! <3


Bumangon na ako mula sa pagkakahiga. I woke up late, wala namang klase ngayon since foundation week ng university at saktong Valentine‟s Day pa. I‟m kind of excited for this will be my first time to spend Valentine's Day with someone special to me. Syempre, ang dakilang Dota boy, si Tristan. Two days from now, we‟ll be on our second month. And I really feel happy that the guy I will be spending that special day would be him.

Nakakatuwa 'yung fact na maraming dahilan para mapagod ang isang tao, pero ang swerte mo na lang kung mahal ka pa rin niya after all the things you've done. Alam niyo 'yung gano'ng pakiramdam na kahit anong katangahan ang gawin mo, nand‟yan pa rin siya? Babalik para patunayang mahal ka. And I conclude that one of the best feelings is to fall in love with someone I never expected to fall for.

Okay tama na at nagiging korni na. Sisihin si Tristan, tsk! I took a bath and prepared myself for school. I became excited to spend this day with that dota boy. I know it's cheesy but there's nothing wrong for being honest sometimes. Although it's somehow sad because we don't go to school together, but I understand why he can't. Since it is our foundation week and Valentines, Tristan's band will hold a live performance at the gymnasium later and he have to go to school earlier for the rehearsal.

Umalis na ako sa bahay at dumiretso sa university. Pagdating ko ro'n ay nakita kong crowded ang buong university kasi nga main campus kami tapos lahat ng campuses, nandito rin. Required din ang lahat na magsuot ng kulay red.

Sa tantsa ko, more than 20 booths ang nakatayo sa gitna ng kalsada sa loob ng university. Pagpasok pa lang, simula sa General Engineering Department until sa CABEIHM, dagsa ang tao. Syempre present din 'yung mga usual booth na makikita sa isang Valentine's event.

"Jillian!" Agad akong napalingon sa tumawag.

"Aira! Waaah!! Happy Valentine's Day!" masayang bati ko kay Aira, kararating niya lang din siguro.

"Happy Valentine's Day rin, girl! Ano, may date ba kayo ngayon ng Tristan mo?" tanong niya habang naglalakad-lakad kami. Wala kaming matambayan ngayon, bawal kasi sa room kasi naka-lock 'yun.

Natawa ako. "Ewan? 'Di ko pa kasi siya nakakausap simula kanina, eh. Busy 'yun for sure."

"Oks lang 'yan! Si Tristan pa? For all we know, prinsipe 'yun ng mga pakulo. Expect the unexpected, girl."

Ngumiti na lang ako. Nagpatuloy lang kami sa pamamasyal sa university. Nagkita-kita rin kami nina Ynna at Tania at nagsama-sama kaming apat. Kumain kami ng street foods na binibenta ng mga Integrated School students, pinanood din namin „yung mga couple na ikinakasal sa marriage booth, 'yung mga nadadala sa jail booth kasi pasaway, at nakinig din kami sa mga dedication sa dedication booth.

Lunch na pero hindi ko pa rin nakikita si Tristan. Kumain na kaya 'yun? Gutom na ang barkada kaya naman nagyaya na silang kumain sa mga food stall. Nagtatawanan lang kaming tatlo habang kumakain hanggang sa dumating si Kevin at ang barkada nila.

The Sweetest Downfall (Published Under KPNY Self-Publishing & Printing)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon