CHAPTER 20: Its a NOW or NEVER

346 5 2
                                    

Jillian

"Maaaa!! Ateeee!! Cheska!! She‟s here! Nandito na ang bisita ko!" sigaw ni Tristan kahit na nasa gate pa lang kami. Ganito ba talaga siya ka-excited?

Bumaling ang tingin niya sa akin at ngumiti.

Alright, Jill, just be true in front of them. Ngumiti ka.

Pagpasok namin ni Tristan sa gate ay bumungad ang isang batang babae na sobrang cute, bilugan ang mata niya at mapupungay habang tinititigan kami ni Tristan.

"Kuya," mahinang sambit nito at agad na yumakap sa kuya niya.

"Baby girl, this is Ate Jillian. Remember her? The princess that I am telling you every night before you sleep?"

"Hello there, baby Cheska," bati ko, ngumiti ito sa akin nang pagkatamis-tamis at nagtago sa likod ng kuya niya. Nahihiya yata. Ang cute!

"Halika rito, payakap ako?" I asked. Sobrang cute niya at gustonggusto kong magkaroon ng kapatid na katulad niya. Tumingin muna siya sa kuya niya, Tristan smiled at her and nodded. Unti-unti siyang lumapit sa akin habang nakangiti. She hugged me. Napatingin ako kay Tristan habang yakap ko siya. He smiled at me. 'Yung ngiti na sobrang saya habang nakatingin sa amin ng kapatid niya.

"Jillian, dapat na ba akong magselos dahil mas gusto mo na ngayon ang bunso namin kaysa sa akin?" sabi ni Tristan saka ngumuso. I glared at him, nagpapa-cute pa ang isang 'to! Tumawa naman siya na parang engot. Nag-apir pa sila ni Cheska.

"OMG! Ma, nandito na ang mahal niyong anak kasama si Jillian! Maaaaa!!" sigaw ng isang babaeng matangkad sa akin nang konti. Nasa may pinto siya, may hawak na ballpen at sci-cal habang hyper na hyper. She has her eyeglass na bagay sa kanya. Mahaba ang buhok niya na medyo may highlights ng brown at katamtaman lang ang katawan niya. Sexy siya at maputi. Ang ganda niya.

"Ate naman! You're too loud! Can you lower down your voice? May bisita tayo, baka matakot 'to sa'yo," naiiritang sita ni Tristan sa ate niya.

"Tara sa loob, Jill. Loko talaga 'tong si TJ. Hindi ka man lang pinapapasok sa loob. Si Mama nga pala, nasa kusina lang. Nagluluto pa," sabi ng ate niya habang niyayaya ako papasok sa loob.

Simple ang dating ng bahay nila. Refreshing ang dating sa kulay nitong white and baby blue na sinamahan pa ng yellowish green sa mga outline ng ceilings. Well-arranged ang bawat furnitures nila na modernized ang dating. Halatang malinis ang mga nakatira dito at organized.

Nakaupo na kami ngayon sa sala nila, si Tristan umakyat yata sa kwarto niya. Si Cheska ay umupo sa kabilang sofa at seryosong nanonood ng Spongebob sa TV habang ang ate nila ay nakaupo sa tabi ko at nagkukwento.

"Ako nga pala si Sharlene, call me Ate Sha," ngumiti siya sa akin. "Hi po, Ate Sha! Ako nga pala po si Ji—"

"Jillian Yvette Gonzales, right?" Tumango ako. "Huwag ka ng magtaka kung bakit alam ko. Matagal ka ng crush ng kapatid ko at arawaraw ka niyang ikinukwento sa amin kaya alam ko na." Natawa siya. Si Tristan talaga!

"Oh, nand'yan na pala ang bisita kong maganda. Hi, hija," malambing na sabi ng isang babae habang nakangiti. Nasa mid-40s ang edad niya. Naka-apron pa siya na halatang nagluluto. Ang ganda ng mommy nila at ang cool kahit na medyo may edad niya.

"Hello po, I'm Jillian. Nice to meet you po, Ma'am."

"Ikaw naman, hija, Tita Jean na lang. 'Tsaka ma'am? That's too formal. Para namang bago ka pa rito," pabirong sabi ng mama ni Tristan.

Ngumiti na lang ako. Kinakabahan ako, wala rito si Tristan, nasaan na ba kasi ang lalaking 'yun at basta na lang nawala?

"Hindi na ako nagtataka kung bakit head over heels sa'yo ang anak ko. Tama nga siya, you're so pretty and sweet. Alam ko, mabait ka rin," sabi ng mommy niya at tumabi pa sa akin sa sofa. I can‟t believe na ganito ang treatment nila sa akin. Sobrang overwhelming saka at home.

The Sweetest Downfall (Published Under KPNY Self-Publishing & Printing)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon