CHAPTER 48: Welcome back!

194 3 0
                                    

Jillian

Hindi ko na naman maipaliwanag kung ano ang nararamdaman ko at sobrang inis na inis ako sa sarili ko. Para na naman akong tanga sa harap niya. Kaba, lungkot, sakit, lahat nagsama-sama na.

Kulang na lang tumalon ang puso ko palabas ng dibdib ko nang umupo pa siya sa tabi ko. Tiningnan ko ang reaaksyon ng barkada at laglag lahat ng panga nila. Grabe, nag-iinit ang mukha ko pero nanlalamig naman ang katawan ko. Ano ba „to? Ni hindi ako makagalaw sa pwesto ko. Kanina pa siya salita nang salita sa barkada. Kanina pa siya dumadaldal, pero ni hi, ni ho wala akong masabi. Nalunok ko na yata ang dila ko.

"Grabe, pare! Bakit ba ngayon ka lang nagpakita?" natatawang sabi ni Karl.

"Wala naman, nagpapa-miss lang ako," sagot naman nitong katabi ko. Amoy na amoy ko ang pabango niya, 'yung Bench Atlantis pa rin na pareho naming gusto.

"Grabe, 'tol! Kala namin wala ka ng balak magpakita," sabi pa ni Andrei.

"Pwede ba naman 'yun? Loko!"

"Ano na ba kasing nangyari sa'yo at ang tagal mong nawala?" tanong ni Kevin.

"Kailangan pa bang malaman ang dahilan, pare? Pwede bang matuwa na lang kayo at bumalik na ako?"

"Oo nga naman, Kev! Ikaw talaga, tsismoso pa rin kahit kailan!" sabat ni Karl.

Wala akong kibo sa pwesto ko. Nanlalamig pa rin ako sa kaba. Ni hindi ko pa rin siya matingnan. Bakit ba ganito ako? Walang tigil ang kamustahan nilang mga lalaki habang kaming apat na babae ay tahimik lang na nakikinig sa tawanan at tsismisan nila. Ang saya nila, parang bumalik kami sa dati four years ago. Pero may isa akong napansin, bukod sa aming apat na babae may isa pang hindi nagsasalita at nakikisali sa tawanan nila. Ang katabi ko sa kanan, si Jeff.

Nilingon ko siya at nakatitig lang siya sa shot glass na hawak niya kaya naman siniko ko siya at bumulong ako.

"Huy, Jeffrey?"

"Oh?" tamad na sagot niya. Sumulyap lang siya sa akin saglit at ibinalik ang tingin niya sa shot glass.

"Bakit hindi ka nakikitawa sa kanila? Ang saya nila, oh? Hindi mo ba na-miss ang best friend mo?" Nagbubulungan lang kaming dalawa dahil baka marinig ni Tristan ang pinag-uusapan namin.

"Tsk, huwag na lang. Wala ako sa mood. 'Tsaka, hindi siya ang best friend ko. Hindi siya ang Tristan na tropa ko." Ano raw?

"Ha? Ang labo mo, Jeff. Hindi siya si Tristan? Ano bang tingin mo riyan? Clone?"

"Didn't you notice? Nagbago siya. Sobrang nagbago. Watch and see it by yourself," sagot ni Jeff sabay tawa nang sarcastic.

It takes courage bago ko nalipat ang atensyon ko kay Tristan. Ngayon ko lang siya natingnan ng ganito kalapit after two years. At ang masasabi ko, oo may nagbago. Clean cut na ang buhok niya na may highlights ng dark brown. Mas loud ang kulay nito kaysa noon. May piercing pa rin siya sa kaliwang tenga. Mas tumangkad siya at mas pumuti. Toned na rin ang muscles ng katawan niya unlike before na medyo payatot siya. Definitely, Tristan is now a grown man by his looks. At sige, I admit. Mas lalo siyang gumwapo. „Yung ngiti niya, katulad pa rin ng dati. „Yung ngiti na kapag tiningnan mo, mawawala lahat ng problema mo. Masaya siya habang nakikipag-usap kina Kevin, katulad pa rin ng Tristan noon na makulit at hyper. Kaya pilit kong hinahanap ang sinasabi ni Jeff na pagbabago sa kanya.

"Oh, Jeff, 'di mo ba ako na-miss? Ang tahimik mo, ah?" tanong ni Tristan kay Jeff habang nakatingin siya sa kanya. At dahil katabi ako ng kinakausap niya, alam kong posibleng nadaplisan din ako ng tingin niya kaya naman yumuko na lang ako at tumitig sa cellphone ko.

The Sweetest Downfall (Published Under KPNY Self-Publishing & Printing)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon