CHAPTER 37: Bakit? Selos ka?

238 4 0
                                    

Tristan

Tatlong linggo na lang ang ipapasok namin. March na at next week ay final defense na ng thesis namin kaya ang iba kong kaklase ay tuliro na. Pero ako, hindi 'yun ang iniisip ko.

"Tol, ano, may plano ka na?" tanong ni Kevin. Nakaupo lang kaming barkada sa likod na part ng classroom. Si Jillian, ayun, kasama ng mga kaibigan niya. Hindi ko alam kung saang canteen bumili at hanggang ngayon ay hindi pa rin bumabalik.

"Honestly, wala pa," sabi ko saka huminga nang malalim.

"Chill ka lang, bro. Kaya pala madalas kang tulala," natatawang sabi ni Karl.

Sa totoo lang, medyo stressed na nga talaga ako. Two weeks from now, birthday na ni Jillian at nag-iisip ako kung anong klaseng birthday surprise ang gagawin ko ng hindi niya nalalaman. Alam niyo naman 'yun, medyo mausisa.

"Haranahin mo na lang kaya, 'tol?" suggest ni Kevin.

"Huwag, bro. Alam kong sawang-sawa na si Jillian sa harana mong 'yan!" kontra naman ni Jeff. Nagtawanan silang tatlo.

Hindi ko rin talaga alam kung ano pang regalo at surprise ang gagawin ko. Pressured at the same time, kasi nga gusto ko memorable at unforgettable 'yung moment. Corny.

"Boyssss, ano'ng pinag-uusapan niyo? Ang saya niyo, ah?" The girl stated as she entered the door dahilan para mapatingin kami ro'n. Dumating na si Jill kasama ang mga kaibigan niya at mukhang naghahanap na naman ng gwapo. Tsk, sinama pa si Jillian, eh, nandito naman na ako. 'Eto namang isa, sumama pa rin. Nakukulangan pa ba siya sa kagwapuhan ko? Eh, mapa-freshman, sophomore, at junior nagkakagusto sa'kin.

Maya-maya'y lumapit sa amin si Jillian. Walang nagtangkang magsalita tungkol sa pinag-uusapan namin kanina. Syempre surprise 'yun. Subukan lang magsalita ng mga 'to at sapok ang aabutin nila sa'kin. Bumaling ang tingin sa'kin ni Jillian, tinaasan niya pa ako ng kilay.

"Ano'ng pinag-uusapan niyo kanina, ha, Tristan Jenry? Tuwang-tuwa pa kayo." 'Yung surprise para sa'yo, gusto ko sanang isagot pero syempre hindi pwede. "Wala."

"Hindi mo sasabihin? Babae na naman yan, 'no?" mataray na tanong niya.

"Hindi." Sinamaan niya ako ng tingin.

"Hindi ako naniniwala."

"E 'di 'wag."

"Si Zaira na naman 'yan?!" iritang tanong niya.

Para sa kaalaman ng marami, si Zaira po „yung freshman HRM student na naglalagay ng love letter sa locker ko at sinabing crush niya raw ako.

Hindi ako agad nakasagot kaya nagsalita na naman si Jillian. "So, siya nga? Crush mo rin ba 'yun, Tristan, ha?!"

"What? Saan naman galing 'yan?"

"Last time na nagtatawanan kayo nila Jeff, siya ang topic niyo! Malay ko ba kung may gusto ka rin do'n."

"Bakit, selos ka?"

"Asa ka! E 'di ngayon pa lang break na tayo! Doon ka na sa kanya!" inis na sabi niya tapos medyo paiyak pa.

Grabe din ang babaeng 'to. Seryoso talaga siya? Kaya masarap siyang asarin, eh. Doon kasi lumalabas ang nararamdaman niya. Unconsciously, umaamin siya ng hindi niya alam.

"Seryoso ka talaga, Jill?" tanong ko pero wala akong nakuhang sagot mula sa kanya. Bigla akong natawa. "Nakikita mo ba 'yang itsura mo? Grabe, priceless! You‟re jealous!"

"Sige, tawanan mo pa. Napakasama mo, Tristan!" 

"Selosa!" Tawa pa rin ako nang tawa.

"Fine, I'm jealous!" she shouted. Take note, in front of the class. Mabuti na lang walang prof. Nagsalita ulit siya pero mahina na lang. "I'm jealous by the fact that there is another one who caught your attention aside from me. I may sound pathetic and selfish but, there's a part of me asking what if you came to like her, too? Because she is sweet and kind to you. With her message in the love letter, I am already defeated. Zaira is likeable. No wonder she is famous with the boys here. She's a head turner! What if... what if you'll fall out of love with me and then in just a blink of an eye, you'll break up with me?"

Hindi ko alam kung matutuwa ba ako dahil ganyan siya mag-isip o maiinis because she's being paranoid again and again.

"Tapos ka na, Jill?" I asked while smirking. She nodded. There's a part in me na nag-e-enjoy rin sa pang-aasar ko sa kanya. "Sa tingin mo ba ikaw lang ang nakakaramdam ng ganyan? Hindi mo ba naitanong sa sarili mo kung ano ang nararamdaman ko kapag sa'yo naman may umaaligid na lalaki? Damn! Nai-insecure din ako sa kanila, Jillian! Maisip ko pa lang na ngitian mo sila, I'm damned jealous!"

Natahimik siya. I'm not mad. I'm just explaining what I feel. Honestly, wala naman akong pakialam kay Zaira. I don't either treat her as a friend. Schoolmate pwede pa pero other than that, no special feelings. Bakit pa? Eh, may Jillian naman na ako. 'Yung mga love letter na inilalagay niya sa locker ko, Jillian's the one who's reading it.

"Nagseselos ka rin ba kapag may nginingitian akong iba?" tanong ko. Again, she nodded. 'E 'di ipagdamot mo  'ko. Girlfriend kita. Boyfriend mo 'ko. Willing akong ipagdamot mo 'ko sa iba. Dahil ako, kahit hindi mo sabihin, talagang ipagdadamot kita." Pagkatapos kong sabihin 'yun, I pulled her for a hug.

Habang magkayakap kami ay bumulong siya, "Pinaiyak mo na naman ako."

"Iyakin ka talaga. Alam mo namang mahal na mahal kita, nagseselos ka pa." This girl, hindi ko na talaga alam ang gagawin ko kapag nawala siya. 

The Sweetest Downfall (Published Under KPNY Self-Publishing & Printing)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon