CHAPTER 58: Second chance?

180 3 2
                                    

Jillian

Dalawang oras na ang nakalipas simula nang marinig ko ang paliwanag ni Tristan kina Mama at Papa kaya kabado ako. Hindi ako mapakali at hindi ko alam kung bakit. Nasa Batangas si Tristan. Means hindi siya pumasok sa office. Maraming tanong ang pumapasok sa isip ko. Gaya ng kung ano pa ang mga sinabi niya kina Mama. Kung ano ang reaksyon nila lalo na ni Papa na alam kong nag-iba ang tingin kay Tristan. Hindi naman 'yun maiiwasan sa magulang, eh. Kinakabahan ako na baka puntahan niya ako at humingi ng sorry tapos hindi ko alam kung ano ang sasabihin ko. Pero isa lang ang sigurado ako, hihingi rin ako ng sorry after all the things I've done.

Pero may isang tanong, na kahit sarili ko mismo hindi ko alam kung ano ang sagot. 'Yun ay kung totoo nga ba at seryoso lahat ng sinabi ni Tristan. Paano kung hindi? Tama nga si Arkin, takot na akong masaktan.

Para akong tangang nakatulala sa TV habang nakaupo sa sala. Past 1 P.M. na at ganitong oras dapat tulog ako, nagpapahinga. I tried to sleep pero hindi ako dalawin ng antok. Pinatay ko ang TV and stretched my legs saka ko itinaas sa sofa para tuluyan akong nakahiga. I started thinking. Why do people love to complicate things? Siguro nga, walang madali.

Nagulat ako nang may nag-doorbell. Sino naman kaya ang pupunta rito ng ganitong oras? Imposible namang ang barkada kasi office hours ngayon, besides malalayo sila. Monday ngayon at hindi pa pwedeng tumambay so sino naman kaya ito? Saka ko lang naalala na nagpa-deliver nga pala ako ng tubig kanina. I swiped the keylock of the door at binuksan 'yun without looking whom it is.

"Kuya, ang tagal niyong mag-deliver. Mabuti naman po dumat— Tristan?!" Tumigil ako sa pagsasalita when I saw him. He was standing in front of my door, seriously.

"Basta ka na lang nagbubukas ng pinto without even asking and looking who is the person behind this door? Paano pala kung magnanakaw?" he asked annoyed. Tumaas ang kilay ko ng sabihin niya 'yun, pero hindi lingid sa pakiramdam ko ang bilis at lakas ng tibok ng puso ko. He's here, right in front of me. Kaharap ko mismo, kausap ko. Lahat tuloy ng mga katanungan sa isip ko, bumalik. Lahat ng nalaman ko, bumalik ang sakit. 

"Pumunta ka ba rito para lang sermonan ako?"

"No."

"Eh, ano pala? Pwes, kung mambubuwisit ka, umalis ka na dahil wala ako sa mood. Saka teka nga, who the hell gave you my address at bakit ka napadpad dito?"

"First and foremost, I am here to apologize. Second, I am not here to annoy you. Third, don't ask on to whom I got your address. Fourth, I am here to have you back. Fifth, I am here to explain everything. Sixth, I am here for you to know that I still love you, and always will. The same goes with the seventh and the nth reason. Now, can I go inside your unit because I'm starting to get cramps?" dire-diretso niyang sabi na parang natural lang na ikina-nganga ko naman. Nag-e-expect ako ng madramang tagpo, 'yung tipong yayakap muna siya sa kahihingi ng sorry, pero masungit na Tristan ang bumungad sa akin. Ano bang bago? Si Tristan Jenry Loyzaga siya.

My mind's still buffering when he entered the unit. Siya na ang nagentertain sa sarili niya, prenteng nakaupo sa sofa. Ang kapal talaga ng mukha niya, matapos ng lahat ng ginawa niya!

"Nakakahiya naman sa sarap ng upo mo, ha? Bisita ka? Bisita?" I mocked at him but he just smirked, a smirk that could melt every girl's heart. 'Wag kang paaapekto, Jillian.

"I love you," he almost whispered pero rinig na rinig ko. I looked at him. He's now serious, unlike what he used to be earlier. I froze. Kumalampag nang sobra ang puso ko at kinakabahan ako. Wala na akong takas. After two long years, untold answers for all the quests were about to be given.

"Alam ko na narinig mo lahat ng pinag-usapan namin ng best friend mo sa office ko. My secretary told me that you ran away after that incident. I got damn panicked that you might got hurt after hearing everything, but I told myself, what has been done is done. About Cath, sorry for all the lies. Alam ko, masakit. And thanks to her for making me realize how stupid I am for hurting you. Kaya nga nagso-sorry ako. I am a jerk since the start, gago ako alam ko."

The Sweetest Downfall (Published Under KPNY Self-Publishing & Printing)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon