CHAPTER 23: This in't a goodbye

301 2 0
                                    

Jillian

To: Tristan ;)

Morning. Kasama ko na si JB ngayon. Thank you!! ;)


Tinext ko ulit si Tristan. Syempre, nagpaalam na ako for respect. Para lang alam niya. Sinabi ko na 'yun sa kanya kahapon at pumayag naman siya.

Message from: Tristan ;) 

Okay. Ingat. Be good.

Kita mo 'yun, ang aga-aga badtrip agad.

"Bes, saan mo gustong kumain?" tanong ni JB. Katatapos lang naming magsimba. Papunta kami ngayon sa motorbike niya na naka-park sa gilid ng simbahan.

"Kahit saan, Benedict. Basta edible ang pagkain." Joke „yun pero hindi siya natawa. He just smiled. A half smile. Hanggang ngayon, tahimik pa rin siya. Hindi pa rin siya nagsasabi ng nasa loob niya at nag-aalala na ako.

Nagpunta lang kami sa isang fast food at um-order, take out pa. I wonder kung ano'ng plano ng lalaking 'to. Hindi ko maiwasang hindi magisip.

"Ang lalim ng iniisip mo. Sa sobrang lalim, hindi mo namalayang nandito na tayo," sabi niya na medyo natatawa. Sa wakas, nagsalita rin siya nang masigla. Napansin kong tumigil ang motor sa isang parke kaya naman nanlaki ang mata ko sa gulat nang mapagtanto ko kung nasaan kami.

"OMG, bes! I missed this! Waaah!! Kailan 'yung huling beses na tumambay tayo rito?" masiglang sabi ko. Pinagmasdan ko ang lugar na wala pa ring pinagbago. Imbes, mas lalong gumanda ito. Mga puno na sumasabay sa ihip ng hangin, ang paligid na nakakapagpangiti habang pinagmamasdan, tahimik, at nakatatanggal ng pagod.

"That was ages ago, remember? Para ka pa ring bata kapag pumupunta ka rito. Sigurado, isa 'to sa mami-miss ko." Huminga siya nang malalim at patuloy na pinagmasdan ang paligid.

"What do you mean by mami-miss? Sa tono ng sinabi mo, it sounded like you're leaving," malungkot na tanong ko.

"Paranoid ka lang. Bakit naman ako aalis?"

"Try, JB. Try to leave without saying goodbye. Pagbalik mo, magkalimutan na tayo," pagbibiro ko, but on the back of my mind, I mean it.

"Tsk, opo, Ma'am. Tara na nga sa pwesto natin." Kinuha niya 'yung pagkain habang nakasabit sa balikat niya ang kanyang gitara. Yes, dala niya 'yun. Nauna na siyang maglakad habang ako ay sumusunod sa kanya.

KEEP OFF THE GRASS

'Yan ang nakasulat sa karatula sa tabi ng puno ng mahogany. Pero dahil dakilang pasaway kami ni JB, 'yan ang tambayan namin. Hindi naman namin ito sinisira at wala rin namang nagbabantay. Masarap ang hangin sa pwestong „to, malilim dahil na rin sa puno at medyo mataas ang lugar na 'to. Kitang-kita mo ang ibang bahagi ng parke.

"Natatandaan mo pa no'ng unang beses kitang dinala rito? Sobrang wasted mo no'ng time na 'yun," he chuckled.

Napangiti ako nang maalalang muli ang panahon na 'yun. 'Yun 'yung araw na ni-reject ako ni Tristan na maging partner sa Acquaintance. Akala ko kasi noon, papayag siya na maging partner ko since partner naman kami sa lahat ng bagay. So I listed his name as my partner without him knowing. Oo, assuming na kung assuming. And then, the day came, akala ko alam na niya. When I approached him, he rejected me in front of the student buddy. Sa sobrang hiya ko at sama ng loob, I ran away and cried. Hindi ko alam na sinundan ako ni JB noong umalis ako.

"Alam mo bang sobrang paranoid ako no'ng oras na 'yun? You're freaking out tapos iyak ka pa nang iyak. Hindi ko alam ang gagawin ko sa'yo," pang-aasar niya.

The Sweetest Downfall (Published Under KPNY Self-Publishing & Printing)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon