CHAPTER 3: The Flashback

656 13 6
                                    

Jillian

"Ma, Pa, akyat na po ako sa kwarto ko. Good night po," sabi ko sa kanila. Gabi na at busy silang nanonood ng inaabangan nilang teleserye tuwing gabi.

"Sige, Ji. Good night," sabi ni Mama, si Papa naman tumango lang. Bago ako umakyat sa hagdan, nahagip pa ng mata ko ang kapatid kong mukha ng dota sa sobrang hilig maglaro sa computer, si Glenn Arkin. Napatingin siya sa akin habang paakyat ako sa hagdan. He just shrugged saka ibinalik ang atensyon sa dota.

Hindi kami „yung typical type na magkapatid. Hindi buo ang araw namin nang hindi kami nag-aasaran at nagpipikunan. Pero at the end of the day, he knows his limits between the two of us. Kahit madalas kaming nagaaway, hindi niya nakakalimutan na ako ang ate at siya ang mas bata. First year college si Arkin, Customs Administration naman siya. I admit, gwapo ang kapatid ko pero ubod ng suplado. Hindi ko nga alam kung bakit maraming nagkakagusto sa kanya, eh, abnormal naman siya. Dota boy „yun. Mas in love siya sa dota.

Kinuha ko 'yung gitara ko na nakasabit sa likod ng pinto ng kwarto ko, si Skye. Isa 'to sa mga hilig ko. Naupo ako sa kama at sumandal sa headboard. Hindi pa naman ako inaantok kaya tutugtog muna ako. Noong high school ako, madalas kong panooring maggitara si Kuya Justine, 'yung pinsan ko na kasali sa banda. Kaya simula noon, tinuruan niya ako hanggang sa nakahiligan ko na ang pagtugtog. Nagsimula akong mag-strum nang biglang sumagi sa isip ko ang isang alaala.


FLASHBACK: 2 years ago

Katatapos lang ng stage play ng block namin. Finals namin  'yun sa OralCom, English subject. Tristan and I were the protagonists. The story was like may dalawang magkaibigan. The girl had fallen in love to the guy. And then, nalaman ng guy. Since that day, umiwas na siya sa girl. Do'n na nagsimula na mag-fade 'yung friendship nila. And in the end, hindi sila nagkatuluyan.

"Yeeees, we made it! Ang galing natin, partner! Salamat!!" tuwang-tuwang sabi ni Tristan sa akin, then all of a sudden ay niyakap niya ako.

Nagulat ako at ganoon din siya.

"Sorry," pabulong niyang sinabi sabay kalas sa yakap.

Ngumiti lang naman ako. "Congrats din, partner! Ang galing natin! Lalo na ikaw!" puri ko sa kanya sabay high five. Parehas kaming tumawa.

Naka-100% kasi 'yung block namin dahil maganda at nagustuhan ng prof. ang buong production. Ako ang naging scriptwriter no'n pero nagpatulong din ako kay Tristan kasi magaling siyang magsulat. Nilagyan niya lang ng konting twist sa huli. Kahit hindi happy ending, lesson learned naman daw. Naglalakad na kami sa hallway nang may bilang nagsigawan.

"Yiiiieeeee! Sina Tristan at Jillian, ang sweet! May yakapan effect sa backstage! Totohanan na ba 'yung play?" sigaw ni Aira habang nakasilip sa pinto.

"Oo nga naman, „tol. Ba‟t „di mo pa ligawan? Bagay naman kayo!" pang-aasar pa ni Karl.

"Para-paraan ka, Loyzaga, ah? Hokage talaga 'to!" sigaw ni Jeffrey.

"Dumada-moves, mga dude!" dumagdag pa si Kevin sabay tawa nang malakas.

Nagkantsawan ang buong klase namin, nakita pala nila „yung pagyakap sa akin ni Tristan kanina. Wala lang naman sa akin 'yun, eh. Kaso bakit pakiramdam ko biglang naging awkward? Pareho kaming natahimik.

Ilang segundong walang nagsalita hanggang sa, "Jillian, mauna ka na pala sa room. Pupunta lang ako sa shower room," sabi ni Tristan saka nagiwas ng tingin. Problema no‟n?

Bumalik na ako sa room at nagpahinga. Minutes later at nakita kong bumalik na siya. Pero hindi man lang ako pinansin. Doon na nagsimula „yun. No'ng una, panay pag-iwas lang. Kaso dumating sa point na pakiramdam ko, ayaw niyang nasa paligid niya ako. Oo, nasaktan ako. Kasi wala naman akong natatandaang kasalanan sa kanya. Hanggang sa dumating nga ang point na wala na kaming pagkasunduan. Nakakalungkot.

END OF FLASHBACK 

The Sweetest Downfall (Published Under KPNY Self-Publishing & Printing)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon