CHAPTER 24: Tatsulok

312 3 0
                                    

Tristan

"Nice game, bro! Paano, sa weekend ulit?" tanong ni Kit. Barkada ko rito sa amin. Nagkayayaan kasi kaninang maglaro ng basketball sa court. Wala naman akong magawa pagkauwi kaya nakilaro din ako.

"Try ko pa, p're. Finals namin next week, eh. Maghahapit ako," pagbibirong sagot ko.

"Sige, bro. Uy, una na pala ako. Susunduin ko pa ate ko sa kanto, eh," paalam niya.

"Sige, uuwi na rin ako."

Kinuha ko ang cellphone ko sa tagong bulsa ng jersey short ko. 06:51 P.M. na pala. Medyo napasarap yata ako sa court. May mga text akong natanggap. Pero ang una kong binuksan ay ang text ni Ate Sha na umuwi na raw ako kasi kakain na. At ang text ni Jillian na, "Umuwi ka ng maaga." Plain text lang „yun but I find it sweet.

Nakangiti akong naglalakad pabalik ng bahay. Wala akong kasabay dahil „yung iba kong tropang nakalaro ay nagpaiwan pa sa court at tumambay. Re-reply-an ko na sana si Jillian nang may makita akong anino sa harap ko. Lalaking nakatayo at seryoso.

"Loyzaga."

"Lintek, JB!" nasabi ko na lang dahil sa gulat. "Ano'ng kailangan mo?! Bakit basta ka na lang sumusulpot?"

"May kailangan tayong pag-usapan. Usapang lalaki sa lalaki." Napakunot ang noo ko. Ano‟ng problema nito?

"Ano? Sumusuko ka na?" maangas na tanong ko.

"Oo," seryosong sagot niya. 'Di nga?

Umupo siya sa sementadong parte sa gilid ng kalsada. Umupo rin ako ro'n. Hinihintay ko siyang magsalita. Si JB, susuko? Kung oo, sigurado akong may dahilan.

"Tristan, pare... Aalis na ako bukas papuntang Australia. Kaya 'wag kang mag-alala, wala ka ng karibal. Isa lang ang hiling ko, 'wag mong sasaktan at paiiyakin si Jillian."

Hindi agad ako nagsalita dahil sa pahayag niyang „yun. Naging tropa ko rin ang isang „to, kaya medyo nakalulungkot isipin na mababawasan na kaming mga gwapo sa Finance. „Di, joke lang. I took a deep sigh, bago nagsalita.

"JB, you‟ve been a good friend to me, to us. Lalo na kay Jillian. Alam ko kung gaano ka kahalaga sa kanya, the same as kung gaano siya kahalaga sa‟yo. Kung gaano mo siyang prinotektahan at dinadamayan during good and bad times. Alam ko ang dahilan ng pag-alis mo, I‟m glad na magkakasama na kayo ng family mo. „Yun naman ang matagal mo ng gusto, 'di ba? Kaya lang, paano si Jillian? Tanggap niya ba?"

He is her bestfriend. Best buddy. Tropa. Alam ko kung gaano 'yun masasaktan sa pag-alis ng isang 'to. Ngumiti muna si JB na para bang expected niya na ang itatanong ko.

"Oo, kahapon. Kaya ko nga siya inayang magsimba at tumambay para magpaalam. Ayaw ko nga sanang magpaalam, eh, kaya lang baka halughugin niya ang buong Australia at hanapin ako tapos ilibing ako ng buhay kapag umalis ako ng hindi niya alam." Tumawa siya. "Isa pa, unfair din bilang kaibigan niya kung hindi ko sasabihin. Iyak siya nang iyak buong araw na magkasama kami. What do we expect from Jillian? Siya ang isa sa mga crying lady ng FM. Napakababaw ng luha no‟n at alam kong hindi mo matitiis na makitang umiiyak siya. Tristan, hindi madaling iwan ang isang kagaya ni Jillian. Kaya alam kong hindi ako ang nararapat para sa kanya. Kasi ang dali ko siyang nabitawan. Kaya please lang, pare, hangga't kaya mong pigilan, huwag mong paiiyakin. At huwag na huwag mong iiwan ng dahil sa mababaw na dahilan. A girl like her doesn‟t deserve to be hurt."

Hanga na ako sa lalaking 'to. Mahal niya talaga si Jillian.

"Of course, I won't. Ang saktan siya at paiyakin siya na yata ang huling bagay na gagawin ko sa kanya."

"Siguraduhin mo lang, pare, dahil oras na gawin mo 'yun babalik ako rito para agawin siya mismo sa harap mo."

"Mahal mo talaga siya, 'no?"

"Sobra, to the point na hindi na ako tumingin sa iba dahil nand'yan siya," pag-amin niya.

"Nape-pressure tuloy ako sa sinabi mo, Jan Benedict. You've proved to her kung gaano mo siya kamahal at kung gaano siya kahalaga sa'yo. Natakot tuloy ako," sabi ko kaya kumunot ang noo niya.

"Hayup, Tristan! Huwag mong sabihing binabawi mo lahat ng nararamdaman mo para sa best friend ko?!"

"Loko! Hindi 'yun ang ibig kong sabihin. Mahal ko si Jillian, lagpas pa sa sobra mo. Natatakot lang ako kasi pakiramdam ko may doubts pa rin siya sa nararamdaman ko sa kanya. Natatakot akong baka imbes na maramdaman niyang mahal ko siya, eh, 'yung mga sakit na idinulot ko sa kanya noon ang lagi niyang maalala."

"Tanga ka kasi. Mas pinili mo pang saktan siya kaysa umamin na mahal mo siya."

"Alam ko."

"Pero, Tristan, kaya ka nga bumabawi ngayon, 'di ba? Gaano katagal mo kayang patunayang mahal mo siya?"

"Kaya kong patunayan araw-araw. Kahit abutin pa ako ng ilang taon para lang maparamdam ko sa kanyang mahal na mahal ko siya gagawin ko."

"Pare, alam mo... hindi man aminin ni Jillian, I know she loves you, too. Iiyakan ka ba no'n kung hindi? Believe me."

"Sana nga, Benedict. Sana."

"Maghintay ka lang. Ilang months ka na bang nanliligaw? Dalawa? Maikling panahon pa 'yun. Maghintay ka pa ng konti, sasagot na 'yun."

"Salamat, pare. Ingat ka ro‟n. Promise, hindi mo pagsisisihan ang pagsuko mo kay Jillian."

"Siguraduhin mo lang. Dahil dito ka makikipag-usap sa kamao ko 'pag sinira mo ang chance na ibinigay ko sa‟yo. Can you love and treasure her for the rest of your life?"

Tumayo ako, ngumiti, at nag fist-bumb sa kanya. "Kahit hindi mo itanong, I can and I will."

"Salamat, aasahan ko „yan, pare. Sige na, aalis na ako, mag-iimpake pa ako. Nasa sa'yo na kung ipapaalam mo kay Jill ang pinag-usapan nating „to. Pero kung ako sa‟yo. „Wag na, iiyak lang 'yun," sabi niya at naglakad na palayo. Napailing na lang ako natatawa.

"Ay, siya nga pala, pare," muli siyang humarap sa akin at nakita kong may kinuha siya sa bulsa ng pantalon niya. "Salo!"

Sinalo ko naman „yun at nagtaka nang makita kung ano „yung inihagis niya. "Susi?"

"Oo. Susi 'yan sa music room. Sa'yo ko iiwan ang bandang binuo ko. I know, you can handle it, too. Ikaw na ang bahala, alam na ng banda ang tungkol dito," sabi niya ng nakangiti.

"Alam mong ayaw kong pumasok sa banda, 'di ba? Pero sige, in favor sa ginawa mong sacrifice, I will. Salamat, Benedict. Ingat ka sa flight mo." Pagkatapos no'n ay tumalikod na siya at tuluyang lumakad palayo.

Tingnan mo nga naman ang buhay, palaging may kailangang lumayo at umalis. Sa tatlong sulok ng pag-ibig, laging may isang magpaparaya, masasaktan, at maiiwan. 

The Sweetest Downfall (Published Under KPNY Self-Publishing & Printing)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon