CHAPTER 35: Hindi kita iiwan

262 3 0
                                    

Jillian

"T-Tristan..."

The moment I called his name, tears continue flowing. God knows how much I wanted to hug and say sorry to him. But I was too speechless. I can actually feel the coldness in his treatment. Maybe, he is still mad at me.

"Sino'ng kasama mo?" seryosong tanong niya.

"S-Si Arkin," I answered with stuttering voice. God, ni hindi ako makatingin nang diretso sa mata niya. Probably because I am wary on how I treated him the last time we talked.

Nakatingin lang ako sa kanya ng tahimik habang siya ay may kinakausap sa phone niya. Tumingin ako sa pwesto nila ni Laureen kanina pero wala na si Laureen.

"I called Arkin na samahan ka rito at umuwi na kayo. Ano ba kasi ang naisip mo at nakikinig ka sa usapan ng may usapan tapos iiyak-iyak ka riyan?" taas kilay na tanong niya.

"K-kasi..."

"Ayusin mo nga 'yang sarili mo. Tatlong araw lang tayong hindi nagkita, mukha ka ng pinabayaan," masungit na sabi ni Tristan habang pinupunasan ang luha ko gamit ang panyo niya. Lalo tuloy akong naiyak.

Sinong lalaki ang magiging concern pa sa babaeng sinaktan na siya?

"T-Tristan, sor-"

"Save it. Saka na tayo mag-usap kapag pareho na tayong nakapagisip." Ibinigay niya sa‟kin ang panyo niya. "Oh, ayan na pala si Arkin, eh. Bro, umuwi na kayo, ah? Be careful sa pagda-drive." Pagkatapos no'n ay sumakay na siya sa sasakyan niya. In just a snap, nakalabas na siya sa parking area.

Pagkauwing-pagkauwi sa bahay, dumiretso agad ako sa kwarto at doon umiyak nang umiyak. Ewan ko ba. Siguro nga nasaktan ko nang sobra si Tristan, napagod na rin siguro siya sa lahat ng kaartehan ko sa buhay kaya hindi ko rin siya masisisi kung ganoon ang naging trato niya sa akin kanina.



Nagising ako dahil sa vibrate ng cellphone ko. Kahit sobrang sakit ng mata ko kaiiyak, pinilit ko pa ring tingnan ang cellphone ko. 4:45 A.M. pa lang nang madaling araw at nakita kong tumatawag si Andrei. Ano kayang problema nito? I was about to answer it kaso biglang naging miscall.

Halos nanlaki ang singkit kong mga mata sa nakita ko. 58 missed calls and 134 messages?! Bigla akong kinabahan, parang may kung ano sa lalamunan ko ang nakabara at hindi ako makalunok ng maayos. I started scanning kung sino ang tumatawag at nagpasabog ng inbox ko. Puro barkada ni Tristan. Sina Kevin, Andrei, Karl, and Jeff. Nanigas ako sa pagkakahiga at muntik ko nang mabitawan nag cellphone ko sa sunodsunod na laman ng text.

From: Kev

Jill, Tristan was sent to the hospital. Malala s'ya!

From: Jeff

Tristan was caught in an accident. He's unconscious. I'm sorry.

From: Andrei

JILLIAN! The moment you read our texts, go to the hospital where my dad is on duty.

From: Karl

Ji, Tristan needs you now. Please, come.

Bumuhos na ang luha sa mga mata ko. Hindi ko alam kung ano ang una kong gagawin. Hindi ko rin maisip kung bakit at paanong nangyari „yun. Kahapon okay pa siya. Nagkita pa kami sa parking area. Magso-sorry pa ako, 'di ba? Magiging kami pa ulit. Magigising siya, alam ko.

Dali-dali akong lumabas ng bahay, hindi na ako nagpalit ng damit. Nakapantulog pa ako at wala akong pakialam. Tulog pa ang mga tao sa bahay kaya hindi ako nakapagpaalam. Mamaya na lang ako magte-text kay Mama. Sa ngayon, ang mahalaga'y makita ko si Tristan.

The Sweetest Downfall (Published Under KPNY Self-Publishing & Printing)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon