SPECIAL CHAPTER: Magnum

146 0 0
                                    

3rd Person's POV

15 YEARS AGO

It's a fine Sunday morning. Masayang naglalabasan ang mga tao sa simbahan na dumalo ng misa. Kabilang sa mga ito ang isang pamilya na masayang dumiretso sa park na katapat lang mismo ng simbahan. Katulad ng karaniwang pamilya, masaya sila. Mayroong nanay, tatay, at dalawang anak. Ang panganay na anak ay siyam na taong gulang na babae samantalang ang bunso naman ay lalaki na may edad na pitong taon. Masaya silang nagkukwentuhan ng may may makaagaw sa atensyon ng bunsong anak. Ang nagtitinda ng ice cream.

"Mama, pwede po ba akong bumili ng ice cream?" tanong ng bunsong anak sa ina. Ngumiti ang ina sabay nag-abot ng bente pesos sa bata. "Oh, sige. Pero tig-isa lang kayo ng ate mo, ha? Malamig 'yon at matamis, baka ubuhin kayo."

Nagningning ang mata ng dalawang bata sa tuwa. Pareho silang sumang-ayon sa kondisyon ng ina at excited na tumungo sa nagtitinda ng ice cream.

"Manong, pabili nga po kami ng ate ko ng dalawang ice cream," masayang sambit ng bunso.

"Anong flavor ba ang gusto niyong dalawa?" tanong naman ng lalaki.

"Chocolate po ang sa akin," sabi ng bunsong lalaki.

"Strawberry naman po ang sa akin," sagot naman ng panganay na babae.

Matapos ihanda ang biniling ice cream ay iniabot na ito ng magtitinda sa dalawang bata. Nagpasalamat ang dalawa at sabay na naglakad pabalik sa magulang nila.

"Ate, paunahan tayong bumalik kina Mama! Game?" paghamon ng batang lalaki sa nakatatandang kapatid.

"Huwag na. Baka madapa ka pa. Sayang ang ice cream at masusugatan ka pa," paliwanag naman ng isa. Sumang-ayon naman siya at naglakad na lamang. Naunang maglakad ang kanyang ate, samantalang mas pinili niyang magmabagal. Natutuwa pa kasi siyang pagmasdan ang paligid. Marami ring bata ang naglalaro sa paligid. Hindi sinasadyang natapakan niya ang sanga na nagkalat sa lupa kaya natisod siya dahilan upang madapa at matapon ang ice cream niya. Tiningnan niya ang ate niya, ngunit diretso ito sa paglalakad at hindi siya napansin. Sa halip na umiyak ay tumayo na lamang siya sa pagkakadapa at malungkot na tiningnan ang ice cream sa lupa habang pinapagpagan ang damit niya.

"Hi! Gusto mo?" Napalingon siya sa isang batang babae na kinakausap siya sabay iniaalok ang ice cream na hawak nito.

"Uhh, hi? No, thanks," pagtanggi niya. Nahihiya siya sa bata kung paano ito kakausapin. Bukod sa hindi sila magkakilala ay iniisip niya na baka nakita nito ang pagkakadapa niya kanina.

"Sige na, tanggapin mo na. Nakita ko kasing nadapa ka at nahulog ang kinakain mong ice cream," sambit ng batang babae habang nakatingin sa ice cream niyang nasa lupa. Lalong nahiya ang batang lalaki sapagkat nakita nga iyon ng batang babae.

Gano'n na lamang ang pagkagulat ng batang lalaki nang hawakan ng batang babae ang kamay niya sabay inilagay roon ang ice cream na kanina pang iniaalok sa kanya. Sapagkat makulit ang batang babae, walang nagawa ang batang lalaki kun‟di tanggapin 'yon. Ngumiti ang batang babae sa kanya kaya nawalan ito lalo ng mata. Cute ito, mabait, chinita, at may mahabang buhok na naka-ponytail na ipit. Sa tingin niya ay magkaedad lamang sila. He find her attractive and bubbly.

"S-Salamat dito, ah," nahihiyang sabi niya.

"Walang anuman. Sige, babalik na ako kay Mama. Baka hinahanap na ako, eh," sabi ng babae na agad ikinalungkot niya. Saglit pa lang silang nagkakilala ngunit nagpaalam na ito. Nahihiya siyang ngumiti sa babae at nagpaalam na rin.

"Ah, salamat ulit." Ngumiti ang batang babae sa kanya bago tuluyang tumalikod paalis.

"Teka!" pasigaw na tawag ng batang lalaki sa batang babae kaya napalingon ito.

"Bakit?" pagtatakang tanong ng batang babae. "Ah, itatanong ko lang ang pangalan mo."

"Ako si Yhan-Yhan, ikaw?" sagot ng babae.

"Tan-Tan. Iyon ang pangalan ko," sagot naman ng lalaki.

Nagtawanan sila kahit malayo ang distansya nila. Pareho silang namangha na halos pareho sila ng pangalan. Parehong maikli at pareho pang inuulit.

Napatingin ang batang lalaki sa hawak niyang ice cream. Nakabalot pa ito sa lalagyang plastic at parang ayaw niyang kainin sapagkat tingin niya‟y dapat niya itong itago. Nakangiti niyang minasdan ang kaninang pwesto ng batang babae pero wala na ito. Naglakad siya pabalik sa kanyang pamilya habang may sinabi siya sa isip niya.

"Itatago ko 'to, Yhan-Yhan. Sana balang araw magkita ulit tayo at ng mabigyan din kita ng ice drop."


9 YEARS AGO

Nililinis ng ina ni Tan-Tan ang kanyang silid. Ngayon ay first year high school na siya, 13 years old. Saktong pumasok siya sa kanyang silid at naabutan niya ang kanyang ina na hawak ang popsicle stick ng magnum na itinago niya matagal ng panahon. Nakatusok kasi ito sa pencil holder kasama ng mga ballpen niya.

"Ma, don't throw it!" pigil niya sa ina na ikinalito naman nito. 

"Ang alin, anak?"

"That one, the popsicle stick," sagot niya at lumapit sa ina. Binigay naman ito ng kanyang ina sa kanya.

"Ah, sorry. Akala ko kasi nakalimutan mong itapon. 'Di ba't tangkay 'yan ng ice drop?"

"Opo, Ma. May kaibigan po ako kasi noon na nagbigay ng ice cream kaya pinili kong 'wag itong itapon bilang alaala," nakangiting paliwanag niya sa ina habang inaalala ang araw na 'yon.

"Yhan-Yhan," binasa ng ina ang pangalang nakasulat doon sa stick. 

"She must be really important, huh?" nakangiting tanong ng kanyang ina. Mabilis na tumango siya dahil totoo naman.

Lumabas ng kwarto ang kanyang ina at naiwan siya ro'n. Tinitigan niya ang hawak na popsicle stick at ngumiti.

"Nasaan ka na kaya, Yhan-Yhan? Kilala mo pa kaya ako? Kailan kaya ulit tayo magkikita?" sunod-sunod na tanong niya sa sarili. Magmula kasi ng araw na 'yon ay hindi na sila nagkita ulit. Tuwing linggo pagkatapos niyang magsimba ay sumasaglit siya sa parke upang abangan si Yhan-Yhan pero madalas siyang bigo. Sa tuwing bibili siya ng ice cream ay laging iyong ice drop para maalala niya lagi si Yhan-Yhan. Inaamin niya, na habang lumalaki siya ay humahanga siya lalo kay Yhan-Yhan. He even declared her as his childhood crush.



6 YEARS AGO

Dumaan ang maraming taon. Sa paglipas ng panahon, ang pagiging childhood crush ay naging childhood love na, ngunit sa sandaling panahon lamang. Fourth year high school na si Tan-Tan, 16 years old na ng magsimula siyang ma-in love sa isang kaklase. Sa tagal ng kahihintay niya sa pagdating ni Yhan-Yhan ay hindi maiwasang mahulog siya sa taong madalas kasama. Siguro dahil na rin binata na siya, naramdaman niyang hanggang do'n na lamang sila ni Yhan-Yhan. Hiling na lamang niya, na sana balang araw ay magkita ulit sila upang makapagpasalamat muli. Mahalaga sa kanya si Yhan-Yhan, sapagkat dito niya unang naramdaman ang paghanga. Sa isip niya, siguradong katulad niya ay nagsisimula na ring umibig ang dalaga sa iba.

Ibinalik niya ang popsicle stick sa pencil holder. "Bye-bye, YhanYhan. Dito ka na muna kasama ng mga ballpen ko." 

Natuwa siya sapagkat ngayon lang siya nakapagtago ng isang bagay ng ganoon katagal. Mahalaga 'yon sa kanya, lalo na ang taong nagbigay. Pero sa tingin niya ay hanggang doon na lamang ang kwento nila ni Yhan-Yhan. Naniniwala siya na balang araw, pagtatagpuin muli sila ng tadhana, hindi man ngayon pero maaaring sa ibang panahon. 

The Sweetest Downfall (Published Under KPNY Self-Publishing & Printing)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon