CHAPTER 13: Thesis Buddy

425 6 2
                                    

Tristan

"Kailangan nating mag-overtime bukas para makaabot tayo sa submission sa Monday," sabi ni Jillian nang hindi nakatingin sa akin. Mas gusto niya pang tingnan „yung mga patong-patong na libro sa mesa kaysa sa akin. Nagsimula na kaming maghanap ng mga libro na pwedeng pagkuhanan tungkol sa napili naming topic. Pero hindi ko masyadong dinamdam ang pagkamasungit niya. Imbes, sa kanya lang ako nakatitig habang busy siya sa mga libro. Doon ko napagtantong sobrang tanga ko nga talaga at nagawa kong saktan siya. Bawat pagtitig ko, mas lalo akong nahuhulog sa kanya. Kahit sungitan niya ako buong araw, basta makasama ko lang siya, okay lang. Kasi simula ngayon, handa na akong iparamdam kung gaano siya kahalaga.

"It's JILLIAN."

Hindi ko pa rin talaga maalis ang ngiti sa labi ko kapag naaalala ko 'yung bunutan ng partner para sa thesis. Pakiramdam ko kumakampi sa akin ang tadhana. Korni na kung korni pero, dude, alam ko kung ikaw ang nasa kalagayan ko, ganito ka rin kasaya. Natigil ako sa imagination ko nang bigyan ako ni Jillian ng note saying, "STARING IS RUDE, NAKAMAMATAY."

Linya ko 'to, ah? Napailing na lang ako at muling napangiti. Siya lang ang babaeng kaya akong asarin nang hindi ako napipikon.

"What's with the smile?" tanong ko sa tonong seryoso. Syempre, si Tristan pa rin ay si Tristan.

Bigla namang nawala ang ngiti sa labi niya. Hindi siya sumagot at ipinagpatuloy lang ang ginagawa niya. Iniisip ko tuloy kung ano'ng iniisip niya sa mga oras na 'to. Kung gusto niya ba na ako ang thesis partner niya o hindi? Sana man lang kahit katiting, sumagi sa isip niya na oo masaya siya kahit papaano.

Ilang minuto pa ang lumipas at walang usapang naganap. Pareho kaming seryoso hanggang sa, "Bes, sabay tayong umuwi mamaya." Biglang may nakihati sa table namin. Sino pa ba ang karibal ko rito?

"Uy, bes, ikaw pala. Sige," sagot naman nitong isa saka ngumiti.

Lumingon naman sa akin si JB at ngumisi na para bang sinasabi niyang, "Paano ba 'yan, p're, naunahan kita?" Bwisit!

"Okay. See you mamaya. Text kita after ng last subject ko," paalam ni JB saka umalis.

Sa tingin ba niya, papayag si Tristan na magpatalo?


***


Jillian

Nagsisimula na ang parusa ko. Bukod sa simula na ng thesis making, siya pa talaga ang naging partner ko of all people. Teka, parusa nga ba talaga 'yan, Jillian?

Mahigit tatlong oras na kaming gumagawa ng research dito sa library. Alas-sais na ng hapon at dapat sana ay uuwi na kami. Pero ang lalaking 'to, nagsisimula na namang mang-inis.

"Ano... Tristan, pwede bang bukas na lang ulit natin ituloy? Hapon na rin naman, eh."

Pero hindi niya ako pinansin. Parang walang narinig, nakakainis! Kahit naiinis at bored na bored na ako, ipinagpatuloy ko pa rin ang ginagawa ko at umaasang makaramdam ng pagod ang lalaking 'to at magyaya ng umuwi.

Pero mali ako. Nagugutom na ako pero parang wala siyang pakialam. Saka ko rin naalala na sabay nga pala kaming uuwi ni JB. Sakto namang nag-vibrate ang phone ko at tumatawag na siya.

"Hello, bes? Nasa library ka pa?"

"Hello, bes. Ano, oo, eh. Nasaan ka na?"

"Papunta na sana ako riyan kaso si Ate biglang tumawag. Nagpapasundo bigla galing boarding house kasi uuwi siya. Marami raw siyang dala."

"Sige, okay lang. Mauna ka na, baka mamaya pa rin kami."

"Sure ka? Willing akong maghintay. On the way pa lang din naman si Ate sa meeting place namin."

"Hindi na. Okay lang ako. Ingat kayo pag-uwi. Ikamusta mo 'ko kay Ate."

"Sayang, yayayain sana kitang mag-date."

"Baliw! Sige na. Ingat ka. Byeee!"

"Ingat ka rin. Umuwi nang maaga. Text me kapag nakauwi ka na."

"Opo."

Pagkatapos no'n ay pinatay ko na ang tawag. Nabaling ang tingin ko kay Tristan na nagliligpit na ng gamit saka tumayo at nagpaalam.

"Masakit na rin ang ulo ko, Jillian. Bukas na lang ulit. Same time and place. Bye."

Then he left. Hindi man lang ako pinagsalita. Alam mo kung ano 'yung nakakainis? 'Yung hindi niya ako pinauwi no'ng nag-aaya na ako tapos ngayong siya ang may gustong umuwi ay agad-agad siyang umalis. Wala talang puso ang Loyzaga na 'yun! Nakakainis! Ngayon, medyo dumidilim na at siguradong mahihirapan akong sumakay ng jeep.

Nagligpit ako ng gamit saka lumabas ng library. Naglakad ako papuntang main gate hoping na sana may maluwag pang jeep na dumaan. Mahirap kasing sumakay ng ganitong rush hour. Habang naglalakad ay tumigil sa gilid ko ang isang kotse at nakita kong si Tristan na naman „yun.

Naramdaman ko na naman ang inis kaya mabilis akong naglakad.

"Jillian!" rinig kong tawag niya pero hindi ko siya pinansin.

Hanggang sa hindi ko namalayan na bumaba siya ng sasakyan niya saka ako pinigilan sa paglalakad.

"Oh, bakit? Akala ko ba tapos na 'yung research natin?"

"Oo nga. Ano, kasi... ihahatid na kita. Dumidilim na, eh," nahihiyang sambit niya sabay kamot sa ulo. Hindi ko alam kung bakit na-cute-an ako sa ginawa niyang 'yun pero bigla rin akong natauhan.

"Huwag na, Tristan. Thank you. Magkaiba 'yung way natin at mapapalayo ka ng daan," sabi ko saka tuluyan ng naglakad. Kahit gaano ko pa kagustong sumabay sa kanya, hindi pwede. Dahil kung ano man ang nararamdaman ko ay kailangan kong pigilan. Ayoko na ulit maranasan na masaktan dahil pinagbigyan ko ang nararamdaman ko sa kanya. Masakit umasa, lalo na kung wala naman siyang ibinibigay na pag-asa. 

The Sweetest Downfall (Published Under KPNY Self-Publishing & Printing)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon