CHAPTER 21: September 24

370 5 0
                                    

Tristan

Papunta kami ng library ni Jillian. Maaga naman kaming na-dismiss kaya naisipan naming tumambay ro'n para magpalamig sa aircon at makisagap ng WiFi. Pero syempre joke lang 'yun. Haha! Magla-library kami dahil sa thesis, malapit na rin ang finals kaya kailangan munang magseryoso. Hindi naman pwedeng ligawan all the time lang, mga p're. #RelationshipGoals

"Tristan, pare!"

"Tristan, may tumatawag sa'yo. Ayun, oh!" sabi ni Jillian at tinuro ang lalaking tumawag sa akin. Napatingin ako sa lalaking nasa kabilang side ng daan.

"Si Lester 'yan. Kaklase ko no'ng high school." Tumawid si Lester at lumapit sa amin.

"Oh, p're, ba‟t napadpad ka rito?" bati ko sa kanya. Taga-Campus II kasi 'to.

"Kukuha lang sana ako ng transcript sa office, sakto namang pagdaan ko rito nakita kita."

"Sus, manchi-chicks ka lang dito, eh!" pagbibiro ko naman.

"Huwag mo ngang ipasa sa akin ang gawain mo," sabi niya. Tingnan mo „to, mang-aasar pa.

"Good boy na kaya 'to!" Tumingin ako kay Jillian for assurance na naniniwala siyang good boy ako, pero tinaasan niya lang ako ng kilay.

"Lester, si Jillian nga pala. Jillian, si Lester, tropa ko no‟ng high school," pagpapakilala ko sa kanila.

"Hi, Lester," bati ni Jillian.

"Hi rin, ganda, nice to meet you," sabi ni Lester kay Jillian at inilahad ang kamay niya for shakehands. Pero bago pa niya 'yun magawa ay pinigilan ko na siya. Pinalo ko nang malakas „yung kamay niyang nakalahad.

"Aray, p're! Pwede naman kasing sabihin na ayaw mong ipa-shake hands, bakit kailangan pang mamalo?!" angal niya.

"Tristan, stop being rude! Para kang bata," saway naman nitong isa.

"Hoy, Lester, umalis ka na nga. Atupagin mo na „yung transcript mo. Alis na!" pagtataboy ko sa kanya. Well, I'm not being rude here. Sadyang ganito lang kaming magkakabarkada. It may sounds rude pero understood na namin 'yun, na kapag may kasamang chicks ang isa back-off na at bawal ang istorbo.

"Oo na. Duty problems," pang-aasar niya pa.

"Lul. Haha. Alis na!"

"Ay teka, Tristan, „di ka man lang nagyaya sa inyo no‟ng 24. Hanep 'to, nagdamot na," pahabol ni Lester. Oo nga pala, lagi kaming may reunion kapag September 24. Usually, sa bahay.

"Sorry, p're, may mas mahalaga akong ginawa no'ng 24, eh. Next week, anniversary nina Mama at Papa, baka magpainom si Papa. Tinext niya sa akin 'yun, eh, no'n na lang kayo pumunta. Ayain mo ang tropa," paliwanag ko.

"Sure, p're. Text mo lang kami. Sige, una na pala ako. Marami pa akong dadaanan, eh. Bye, Jillian." Finally, umalis na rin. Bumaling ang tingin ko kay Jillian na nakakunot ang noo.

"Anong meron no'ng 24? Bakit parang may malaking atraso ka sa kanila?" tanong niya.

"Wala 'yun."

"Ano nga?"

"'Yun 'yung nangharana ako, 'di ba? Nakalimutan mo na agad? Grabe siya, oh!" kunwari nagtatampong sagot ko.

"Ano pa?" tanong niya pa.

"Birthday ko," casual kong sagot habang naglalakad kami.

"Whaaat?! Birthday mo no'ng araw na 'yun?!" sigaw niya. Kahit kailan talaga ang babaeng 'to, walang pinipiling lugar kapag nagre-react. Nasa daan kami for Pete's sake, sumigaw siya nang wagas kaya napatingin ang ibang dumaraan.

"Yes, birthday ko no'ng araw na 'yun. Now, Jillian, stop over reacting. Ang lakas ng boses mo," sabi ko at naglakad na. Nilingon ko siya, pero nanatili siya sa pwesto niya. Tsk, dapat 'di ko na lang sinabi.

Lumapit ako sa kanya. "Ano'ng problema mo?"

"Birthday mo no'ng araw na „yun, hindi ko man lang alam. No, scratch that. Alam kong birthday mo ang September 24, kaso... I-I forgot. Sorry," bulong niya.

"Sabi ko na nga ba. You'll react this way. Huwag mo ng isipin 'yun. Move on, October na," sabi ko ng nakangiti.

"'Yun na nga, Tristan, inuna mo pa ako kaysa sa birthday mo. Hindi ka nakapag-celebrate with your friends tapos wala akong regalo no‟ng araw na 'yun. And to make things worst, hindi ko naalala."

"Sssh," I said as I held her hand. Nasa gitna kami ng daan at hindi pa rin kami nakakarating sa library nang dahil sa Lester na 'yun. Tsk! "You know what? What happened last September 24 was one of the best birthdays I had. It's a memory that I'll keep forever. The assurance that I got from you and your family was the best gift I received that day."

She looked at me. Her eyes were full of happiness and amusement at the same time she still can't believe on what I had said. Her lips formed into a smile that melts my heart.

"Ano, tara na sa library? Stop being paranoid. Always remember, Jillian, sometimes tangible birthday gifts are nothing compared to those intangible ones. Especially if those intangible ones came from the one you love, the one you treasure. Hindi mo man nakikita o nahahawakan, as long as ramdam mo na binigay 'yun sa'yo with sincerity, masarap sa pakiramdam 'yun kahit anong bagay pa ang itapat mo. 'Yun kasi 'yung mga bagay na hindi madaling kalimutan."

The Sweetest Downfall (Published Under KPNY Self-Publishing & Printing)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon