CHAPTER 56: His POV

175 3 6
                                    

Tristan

Nang makaalis si Benedict ay si Mond naman ang pumasok at napansin kong hindi maipinta ang mukha niya.

"Mond, what the hell happened to you? Bakit ganyan ang itsura mo? Constipated ka ba?"

"Si Ma'am Jillian po kasi..." And the moment I heard her name, awtomatikong kumabog ang puso ko. Partida, pangalan pa lang niya 'yun.

"What about Jillian? What happened to her?!"

"Hindi po ba kayo nagkausap? Galing po kasi siya rito kasi may ididiscuss siya and after some minutes, I saw her running away from your office. She's crying and she's almost shaking. Sinubukan ko siyang habulin pero dali-dali po siyang pumasok sa elevator," paliwanag niya.

I froze.

Shit! Does it mean... she heard everything?



"Tristan?" bungad na tanong sa akin ni Tita Elisa, ang mama ni Jillian, pagkabukas niya ng gate. Sino nga naman ba ang hindi magugulat? After two years, ngayon lang ulit ako nagkalakas loob na magpakita at humarap sa kanila.

"T-Tita, good morning po," bati ko na may pagkautal. Sa totoo lang, nahihiya ako. Ngumiti si Tita sa akin at bumati rin ng good morning bago ako inalok na pumasok sa loob ng bahay nila. Nag-alinlangan pa ako no‟ng una pero naisip kong nandito na rin naman ako kaya mabuti pang ayusin ko na.

Lumabas si Tita galing sa kusina at may dalang tray ng juice at sandwich at inilapag sa center table. Sa isip-isip ko, ang kapal naman ng mukha kong maki-miryenda pa after all.

"Maupo ka muna, hijo. Pasensiya ka na pero kung si Jillian ang sadya mo kaaalis niya lang kaninang madaling araw pabalik ng Maynila. Kain ka muna," sabi ni Tita.

It's been two days no‟ng malaman ni Jillian ang tungkol sa amin ni Cath. At ngayon lang ako nagkalakas ng loob na puntahan at kausapin siya. Oo na, duwag ako. Oo, tanga ako. Sabi nga nila, ang tanga 'pag natuto, huli na ang lahat.

"Tita, gusto ko po sana kayong makausap." Halatang nagulat siya pero agad siyang nakabawi at umupo sa katapat na sofa, facing me.

"Sure. Kamusta ka na nga pala?" I sighed bago tuluyang magsalita.

"Sa totoo lang po, Tita, hindi po ako okay. At hindi ko po alam kung magiging okay pa ako. Sorry po, Tita Elisa. I know, sobrang laki po ng kasalanan ko sa inyo lalo na kay Jillian. Kaya sorry po talaga. Naging immature ako at inisip ko lang po ang sarili ko. Pero, Tita, sobrang mahal na mahal ko po ang anak niyo na natakot lang akong mawala siya sa akin dahil... she's my everything." Tahimik lang na nakaupo si Tita at nakikinig. Ni hindi ako makatingin sa kanya. Nanatili lang akong nakatungo at nakatitig sa pitsel. "Alam ko pong nasaktan ko ang anak niyo, at mas sobra pa po no'ng nalaman niya lately ang tungkol sa pagpapanggap namin ng best friend ko just to prove that she still loves me."

"Tristan, hijo, alam kong alam mo na first love ka ni Jillian, hindi ba?" bungad ni Tita, tumango ako nang marahan. "First boyfriend ka ng anak ko at natural lang na mahalin ka niya nang sobra. Sobra to the point na hulog na hulog siya no'ng minahal mo siya, pero durog na durog no'ng sinaktan mo siya. Yes, may kasalanan din ang anak ko na iniwan ka niya to chase her dreams na tinutulan mo noon, na sa hindi ko malamang dahilan ay naguluhan ako dahil ikaw naman mismo ang nagpumilit," seryosong sabi ni Tita, diretso at tagos na tagos sa konsensiya ko. Pero bakit hindi ko malaman na galit siya sa akin? I expected that they are mad at me, pero hindi ko'„yun maramdaman. She‟s serious pero hanggang do‟n lang.

"Alam ko po, Tita, kaya po nandito ako sa bahay niyo para humingi ng sorry. Sana po mapatawad niyo 'ko."

"Ano'ng silbi ng sorry kung nasaktan mo na siya?" sabi ng baritonong boses na galing sa may pintuan. Lumingon kami ro'n at tama nga ang hinala ko, ang papa ni Jillian, si Tito Ralph. Seryoso siya katulad ni Tita pero halata mong hindi galit.

The Sweetest Downfall (Published Under KPNY Self-Publishing & Printing)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon