CHAPTER 52: Tama na

225 5 4
                                    

Jillian

Two weeks after ng mga pinaggagawa ng Tristan Jenry na 'yun sa akin, hindi ko alam kung paano ako nakakilos ng normal sa opisina. As much as I can, pinipilit kong huwag magtagpo ang landas namin kahit nasa iisang department kami. Sobrang hirap iwasan ng taong kasing kulit at kasing gulo niya. No'ng mga sumunod na araw palagi niya akong kinukulit. Buntot siya nang buntot kung saan ako pumunta at nakakairita na. Paano ka makakamove on kung ang taong gusto mong kalimutan ay pinagsisiksikan pa rin ang sarili niya sa'yo? Nakakabanas. At sobrang galit na galit na ako sa kanya dahil sobrang nakakagago na siya. He‟s been playing around with my feelings since umuwi ako. Minsan sobrang cold niya na akala mo hindi ako kilala. Minsan naman, bigla na lang aarte na galit at nagseselos. Nakakatanga, 'di ba? Masakit na nga sa pakiramdam, pinagti-trip-an ka pa.

"Ano ba, Tristan? Can't you see how busy I am?!" sigaw ko sa kanya. Lahat ng pigil kong galit at inis, sumabog na. Kanina pa kasi siya nag-iinsist na ihatid ako pauwi since gabi na. Batid ko ang pagkagulat niya dahil napaatras siya sa pagkakayuko sa may table ko. I glared at him para ipakita mismo sa kanya ang galit at inis ko.

He sighed. "Okay, sorry. It‟s just that, akala ko mapipilit kita," kalmadong sabi niya, seryoso at pabulong.

"Maraming namamatay sa maling akala."

"Ano bang problema mo, Jillian? Look, I was trying to help you kasi gabi na masyado at alam kong wala kang kasabay pauwi. Delikado mag-isa sa daan." Tiningnan niya ako ng diretso. Tiningnan ko rin siya pero hindi ko matagalan kaya nag-iwas ako ng tingin.

"Since when did you care for me?"

Napuno ng katahimikan ang lugar na „yun dahil sa huli kong tanong. Mabuti na lang at wala ng masyadong tao rito. 'Yung mga security guard na lang na nagche-check ng areas.

"You're asking me since when, ha? I can‟t believe you! Hanggang ngayon, manhid ka pa rin."

Nagpantig ang tenga ko sa inis dahil sa sinabi niya. Ako pa pala ang manhid ngayon? Eh, kung manhid ako, edi sana hindi ako nahihirapan ng ganito! Tumahimik ako. Bahala ka sa buhay mo!

"Why are you avoiding me anyway?" tanong pa ulit niya. Naiinis na ako sa lalaking 'to. Hindi ko alam kung nagtatanga-tangahan lang ba siya at hindi niya alam ang sagot o sadyang pinaglalaruan niya lang ako.

"Ako? Ako pa pala ang manhid ngayon?" I said as I smiled at him sarcastically. Seryoso pa rin siyang nakatayo at nakatitig sa akin. "Ako ba talaga ang manhid na hindi ko ma-appreciate ang pagiging concern mo? O ikaw na hindi makahalatang ayaw ko na sa'yo dahil sobra-sobra na ang sakit na naramdaman ko dahil sa'yo?" Nagkatitigan kami. Doon ko lang narealize ang lungkot at sakit sa mga mata niya.

Silence.

"Jillian, I'm sorry," he said as he held my hand. Pero agad kong binawi ang kamay ko. Ano ba talaga ang tumatakbo sa isip ng lalaking 'to?

"Tristan, makinig ka. This would be the first and last time na makikipag-usap ako sa'yo ng ganito kaya sana pakinggan mo," pasimula ako. "I know, marami akong kasalanan sa'yo. Sa loob ng dalawang taon, pinagsisihan ko na lahat 'yun since the day na bumalik ako. Akala ko, mas sasaya ako kapag bumalik na ako, pero it turned out na mali pala. At mas masakit pala na ikaw mismo ang nagpaparamdam ng kamaliang 'yun." Pinunasan ko ang luhang tumulo galing sa mata ko. "Sorry for all the pained I've caused you. Pero sana naisip mo rin na hindi lang ikaw ang nasaktan. Sana man lang, Tristan, naisip mo na hindi lang ikaw ang nahirapan. Bumalik ako para sa'yo, pero hindi ko alam na wala na pala akong babalikan." Gusto ko ng sabihin lahat kay Tristan ang nararamdaman ko para matapos na lahat ng sakit.

"Jillian, hindi ko al-"

"Saved it, Tristan. Patapusin mo muna ako," pigil ko sa kanya. "Alam mo ba, hindi ko alam kung sino sa ating dalawa ang tanga. Pero siguro pareho tayo, mas lamang nga lang ako." Nakita ko namang umiling siya. And he's also crying! Damn this guy. "The moment I saw you with her, do'n ako nagising sa reality na wala na akong aasahan at babalikan. Oo, I admit, umasa ako na baka may katiting pa akong pwedeng panghawakan pero no'ng ikaw na mismo ang nagparamdam na wala, pinilit kong kalimutan. Masakit, sobra! Sobrang sakit na wala na akong maramdaman kung hindi 'yun. Lagi na lang akong umiiyak kahit pagod na ako at ayoko na. Pero lahat naman 'to, ang dahilan ay ikaw."

Nanatili lang siyang tahimik doon at nakikinig.

"I'm tired, Tristan, that‟s why I'm setting you free. May fiancée ka na at hindi tama na bumuntot ka sa akin at mangulit na parang nanliligaw ka. Masasaktan ang fiancée mo sa ginagawa mo at aasa na naman ako. Pagod na ako, Tristan. Pagod na pagod. Siguro nga, hindi tayo kasali sa listahan ng may forever. O hindi tayo ang love team para sa category na 'yun kaya this time, nagre-request ako na sana, iwasan mo na lang din ako katulad ng pagiwas ko sa'yo. Katulad no‟ng college tayo no'ng mga araw na hindi pa nagkakaro'n ng tayo." Patuloy ang pag-iyak ko, ngayon na lang 'to kaya itutuloy ko na. Promise, bukas, hindi na ako iiyak.

Pinipilit niyang hawakan nag kamay ko pero todo ang pag-iwas ko. Bingi ba siya na hindi niya narinig na ayaw ko na?

"Maging masaya ka na, Tristan. Katulad ng wish ko palagi para sa'yo noon. 'Yun na lang siguro ang hinihingi ko ngayon. At ang fiancée mo, alam kong mahal ka niya at mahal mo siya, kaya sana huwag mong saktan. Alam kong hindi ka niya iiwan katulad ng pag-iwan ko sa'yo noon."

If you‟'e asking kung ano ang nararamdaman ko ngayon, isa lang, masakit. Sobrang sakit. Paulit-ulit na 'to sa sistema ko to the point na nasanay na ako.

"Isang tanong, isang sagot, Jillian. Mahal mo pa ba ako?" tanong niya. Umiiyak pa rin siya, 'yung iyak katulad no‟ng iniwan ko siya two years ago, and I can‟t help it. Nasasaktan ako lalo. "Answer me! Do you still love me?"

"Kapag sinabi ko bang oo, may magbabago ba? 'Pag sinabi ko bang mahal na mahal pa rin kita at walang nagbago sa nararamdaman ko para sa'yo, babalik ka? Hindi naman na, 'di ba?! Iba na ngayon, Tristan! Hiindi na tayo pwede, hindi na!"

"Paano kapag sinabi kong mahal na mahal pa rin kita, Jillian?! Na katulad mo umaasa pa rin ako na may tayo? Damn it! Pero kahit saan ako tumingin at magpunta, ikaw ang nakikita, naiisip, at naaalala ko! Wala na akong ibang kilala kung hindi ikaw! Kaya huwag na huwag mo 'kong mauutusan na iwasan at kalimutan ka, dahil hindi ko kaya!" sigaw niya kaya nagulat ako.

"Tanga ka ba talaga, ha? Paano mo nasasabi 'yan gayong may fiancée ka na?! Kung mahal mo 'ko, hindi ka maghahanap ng iba!"

"I can break up with her, right here and right now! Sabihin mo lang sa akin na may pag-asa pang maging tayo!"

Tuluyan na akong nanlumo sa sinabi niya. Naririnig niya ba at naiintindihan ang mga sinasabi niya? I-break ang fiancée para balikan ang ex niya?

"Paano mo nasasabi 'yan? Iiwanan mo 'yung taong naging karamay mo no‟ng mga oras na sirang-sira ka para lang balikan ang taong sumira sa‟yo?"

"Walang silbi ang pagdamay niya. Dahil ang taong kayang magpatahan sa mga luha ko ay ang taong sinaktan at naging dahilan kung bakit tumulo ang mga ito." Pagkatapos niyang sabihin yun ay niyakap niya ako nang mahigpit.

"Jillian, makinig ka, please? Kaya kong i-break lahat ng mga naging girlfriend ko sa harap mo mismo. Sabihin mo lang na mahal mo pa rin ako."

Tama na, Tristan. Ayaw ko na. Ano ba ang hindi mo maintindihan doon?

The Sweetest Downfall (Published Under KPNY Self-Publishing & Printing)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon