ACKNOWLEDGEMENT

143 1 2
                                    

Nagsimula ang lahat sa isang pangarap na kailanman ay hindi ko inisip na pwedeng matupad. Kaya naman in return ay sobra akong magpasalamat sa lahat ng nagtiwala na pwede itong mai-publish balang araw. Sa mga naging inspirasyon ko para matapos ito, maraming salamat po!

 Hindi ko maiisulat ang kwentong ito noon kung hindi dahil sa mga kaibigan at kaklase ko who pushed me to try writing online at sa mga nag criticized nito bago ko i-post dati. So in behalf of my Financial Management family AY 2013-2015, special mention kina Julie, tita Dhez, sa aking Tropang Pauwi (who played some roles sa kwento), to Danica and Kristine and ate Lalaine, at sa mga hindi ko nabanggit, I love you and thank you! Finally, ito na siya! And also to one of my College Professor/living proof of the word motivation, Sir Mykl Lagaya who never stops reminding us to "be the best diamond among the tons of stones‟. You are truly an inspiration to us, Sir! Siyempre hindi ko rin makakalimutan ang aking Business Administration family AY 2011-2013 na noon pa man ay gusto na akong pagsulatin online especially to Yhu-Anne who always encourages me to write. Isa siya sa mga dahilan kung bakit pinili kong magpatuloy sa kabila ng lahat ng doubts ko sa pagsusulat. 

Sa kaunaunahan kong reader na hindi ko alam kung kilala pa ako, Agentviolet_29 'yong screen name niya kaya thank you very much sa'yo! Hindi kita makakalimutan. Sa aking family on both sides, Ilagan and Venzon, thank you po for always believing and for the love. Para sa inyo 'to. Kay Bhezt at kay Boi, sa Tropang Potchi, sa Squadgoals, officemates thank you po sa words of encouragement. Muntik ko ng makalimutan, sa mga actual na nagbasa nito noon online kay ate Chessa, ate Rhazel, Rhea, Badeth at bebe MaJoy, salamat po! Hindi ko na alam kung may nakalimutan ako pero para po ito sa lahat ng nakabasa at makakabasa pa lang ng journey ni Tristan at Jillian. Hindi ko alam kung paano kayo pasasalamatan, but I sincerely thank you guys for all the support.

Gusto ko ring gamitin ang pagkakataong ito para pasalamatan si ate Nayin (NY), for opening the doors for aspiring writers like me na matupad ang aming mga pangarap. Thank you very much to KPNY Publishing and Printing. Kay Ms. Margie Evangelista sa matiyagang pag e-edit, Bebe Mary Joy Caringal for doing the cover and to Ms. Clarenelle Ambon for being the model, thank you very much po sa inyo!

Everytime I write, para 'yun sa Mama ko na kahit hindi niya naabutan na maisa-libro ito, alam kong masaya siya kasi ito talaga ang pangarap ko. At kay Papa na suportado ako sa lahat ng bagay. Mahal ko kayo! Kayong dalawa ang inspirasyon ko.

And I will always be forever grateful kay God sa pagtitiwala niya sa akin na kaya kong magsulat, and for giving me this talent. Sa Kanya naman lahat nagsisimula ang mga blessings, kaya forever akong magpapasalamat at gagamitin ko sa tama ang talentong ipinahiram Niya.

Payo ko sa mga aspiring writers na katulad ko, magsulat dahil gusto mo. Magsulat dahil hilig mo at mahal mo hindi lang sa dahil gusto mong sumikat. Masarap sa pakiramdam na nakakapagpangiti ka at nakakainspire ng ibang taong may pangarap kagaya mo.

Maraming maraming salamat po!


D A S H 

The Sweetest Downfall (Published Under KPNY Self-Publishing & Printing)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon