CHAPTER 4: I'll Be

652 11 12
                                    

Jillian

Late ako, nakakainis! Aside from the fact that I only had my 2-hour sleep because I finished writing my reviewer, I also ended up reading the book I bought the other day. Isa pang reason kung bakit ako late ay dahil kay Skye, pasakay na sana ako ng jeep nang maalala kong kailangan ko nga palang dalhin 'yun kasi hinihiram ni Benedict, ang best friend kong member ng school band.

7:45 AM na sa relo ko at for sure, absent na ako. Sayang naman. Habang naglalakad ako sa loob ng campus, iniisip ko kung papasok pa ba ako sa room o hihintayin ko na lang matapos „yung first class. Ite-text ko sana si Aira para itanong kung may prof. na, kaso deadbatt. Nakalimutan ko nga palang i-charge ang cellphone ko. Nasa tapat na ako ng room, sumilip muna ako sa salamin ng pinto. Walang prof. Ang tanging tao lang sa room ay ang barkada ni Loyzaga kaya pumasok na ako.

"Uy, Jillian, ang aga mo para bukas, ah?" Si Karl ang nagsalita kaya napalingon ako sa kanya. Ay mali, kay Loyzaga nag-landing ang mga mata ko. Saktong tumingin din siya. And then my heart skipped a beat.

"Oo nga, eh, napuyat ako kagabi. Wala palang klase?" sagot ko at tanong na rin habang inaayos ang gamit sa armchair ko.

"Wala si Prof., aalis yata," sagot ni Jeffrey.

"Mabuti naman, akala ko magkaka-absent na ako," sagot ko.

"Jillian, dala mo pala si Skye? Pahiram naman, pwede?" tanong ni Kevin.

"Sige lang, Kevin. Pakikuha na lang dito, may aayusin lang ako." Lumapit si Kevin at kinuha ang gitara ko.

"Ang ingat mo talaga sa gamit, Jill, first year pa sa'yo 'to, 'di ba? Parang bagong-bago pa," puna ni Kevin habang inaalis sa case ang gitara ko.

"Oo, eh. First love ko kasi 'yang si Skye kaya sobra kong iniingatan," pagbibiro ko.

Nagsimula ng mag-strum si Kevin pero mayamaya‟y tumigil din siya. "P're, ikaw nga muna ang tumugtog. Tagal mo ng „di tumutugtog, ah?" utos niya kay Tristan.

Guitar lord kasi „tong si Loyzaga. Malupit siyang maggitara, kinukuha nga siya ni Benedict na lead guitarist kaso ayaw niya.

"Tinatamad ako," sagot naman ng isa.

"Ililibre kita ng isang game mamaya pagkatapos ng klase, basta tumugtog ka lang," pang-uuto ni Karl. Napangisi si Tristan saka inagaw kay Kevin ang gitara. Tahimik lang akong nagsusulat nang marinig ko ang pagtugtog ng gitara, kasabay nito ang pagkanta niya.

The strands in your eyes that color them wonderful

Stop me and steal my breath

And emeralds from mountains thrust towards the sky

Never revealing their depth

"'Yun, oh! Uma-I'll Be siya!!" sigaw ni Kevin.

"Sssh, Kevin, huwag ka ngang epal! Ingay nito!" saway naman ni Karl.

Narinig ko na siyang kumanta noon, maraming beses na. „Yung way ng pagkanta niya at kung paano siya mag-strum ng gitara, ibang-iba. Boses pa lang niya, matutunaw ka na. Malamig at masarap pakinggan sa tenga. He really is a head-turner. He sings whole-heartedly that‟s why you can really feel the emotion. At kahit na sino‟ng makarinig sa kanya ay talagang hahanga. My heart‟s pounding very fast inside my chest. My God, Tristan, hindi ako pwedeng magkagusto sa'yo.

And I'll be your cryin‟'shoulder

I'll be love suicide

And I'll be better when I'm older

I'll be the greatest fan of your life 

The Sweetest Downfall (Published Under KPNY Self-Publishing & Printing)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon