CHAPTER 6: Student Council

482 10 8
                                    

Tristan

Kung kailan talaga ako maagang pumapasok saka naman wala laging prof. Hay buhay, parang panahon, sala sa lamig, sala sa init. Minutes passed and it bores me. Wala akong magawa kaya inaantok na naman ako. Matutulog sana ako nang may marinig akong strum ng gitara. Hinanap ng mata ko ang tunog at nag-landing „yun kay Jillian. Nakatambay sila sa unahang parte ng classroom, sa may teacher's table. Nandoon, nakikigulo ang apat na ugok kasama si Aira at 'yung iba pa naming kaklase. I rested my arm on the armchair at hinayaan ang ulo kong sumubsob doon. Jillian is a good guitarist. Magaling siya sa strumming at plucking.

"Jill, parinig nga ng plucking ng Halaga," boses ni Kevin.

"Sige, Kevs, basta ikaw ang kakanta."

"Waaah, Jillian! Ang galing-galing mo talaga!" puri ni Ynna.

"Iba namang kanta, guys," request ni Aira.

"Ano ba 'yan? 'Di pa nga tapos „yung isa, iba na naman?" reklamo ni Jeff.

"Ganyan talaga, dude. 'Wag kang masanay sa mga bagay kasi 'di lahat permanente," banat ni Kevin.

"Walangya ka talaga sa hugutan, Kev! Iba ka!" puna ni Karl.

"Loko! 'Wag kami," dagdag ni Jeff.

Nagpatuloy lang sila sa asaran hanggang sa magsimula na ulit tumugtog si Jillian.

Ikaw na ang may sabi

Na ako'y mahal mo rin

At sinabi mong

Na ang pag-ibig mo'y 'di magbabago


***


Jillian

"Jill, pakilagay naman nito ron sa loob ng office tapos pakikuha ng ibang gamit na nasa loob," utos sa akin ni Ate Anj, president ng student council.

"Sure, Ate. Tapusin ko lang po ito," I answered as I roamed around the lobby. Nag-aayos kasi kami ng buong 3rd floor ngayon.

Pagpasok ko sa office, nandoon si Loyzaga. Tumingin siya sa akin, I met his gaze. Bigla tuloy akong kinabahan. Madalas na mangyari sa akin „to kapag nakikita ko siya. Hindi ko alam kung bakit, siguro dahil natatakot lang akong makita ang mga pag-iwas na gagawin niya. Napapansin ko rin na habang tumatagal, parang may kumikirot sa puso ko sa bawat pag-iwas niya.

I did what Ate Anj told me, tapos lumabas na ako sa room dala „yung ibang materials. I helped the other representatives and officers. Habang nag-aayos ako ng bulletin, lumapit sa akin si Ate Anj kasunod si Loyzaga.

"Jill, I asked Tristan‟s helped para tulungan kang isabit „yung sa mga matataas na part. Mas madali siguro kung lalaki ang aakyat sa hagdan," paliwanag ni Ate Anj sa akin habang si Tristan naman ay tahimik lang sa likod niya. Tumango naman ako at iniwan na niya kami.

"Hi, Ate Jillian! Tulungan na kita rito," Michelle approached me at ngumiti.

"Sure, Mich. Thanks!"

"Tsk! Inuna pa chismisan bago gumawa ng bulletin."

My smile automatically faded when I heard his voice. Hindi ako makatingin nang ayos sa kanya, hindi ko alam kung seryoso ba siya sa sinabi niya kanina o nagbibiro lang. Sobrang bilis din ng tibok ng puso ko.

"Hi, Kuya Tristan! Tapos na kayong mag-ayos sa loob?"

"Yeah. Actually, Anj‟s is looking for you. May ipasusulat yata." Whaaaaat? No, Mich, 'wag kang aalis dito. Ayokong maiwan na si Loyzaga ang kasama!

"Ah, sige, GTG! Thanks, Kuya! Bye, Ate Jill!"

At tuluyan na akong naiwan kasama ang lalaking sagad sa buto ang inis ko.

Minutes passed at wala ni isa ang nagsasalita sa aming dalawa. Asa namang kausapin ako ng isang 'to. Kailangan ko ng bilisan ang ginagawa ko para makaalis na ako rito dahil siguradong matutuyuan lang ako ng laway kapag kasama „to. Kukunin ko na „yung gunting sa mesa nang saktong kukunin din niya. Tumama ang kamay niya sa kamay ko. Natigilan ako at para akong napaso. Sobrang bumilis din ng tibok ng puso ko kaya mabilis kong natanggal ang kamay ko, at alam kong kahit siya ay nagulat din.

"P-Pagkatapos mo riyan, sumunod ka na lang dito," sabi ni Loyzaga na hindi man lang ako tinitingnan at naglakad na palayo sa bulletin.

The next thing I knew, I found myself watching his back. Hinawakan ko ang puso ko, sobrang bilis pa rin ng tibok nito, hindi na normal. Ano bang nangyayari sa akin? 

The Sweetest Downfall (Published Under KPNY Self-Publishing & Printing)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon