CHAPTER 7: Malas?

475 12 4
                                    

Jillian

"Girl, kamusta 'yung reaction paper mo?" tanong sa akin ni Ynna.

"So far so good, last page na ako. 'Yung sa'yo ba?"

"Nangangalahati pa lang ako. Ang sipag mo naman."

Nandito kami nina Ynna at Aira sa library ng university. May pinatatapos kasi sa aming five pages reaction paper about do‟n sa documentary film na pinanood namin last week. Dito na kami tumambay after namin ma-dismiss sa klase.

"Masipag agad? Hindi naman, wala lang akong magawa sa bahay kaya sinimulan ko na 'to," nakangiwing sagot ko.

"Si Tania nga pala, nasaan?" out of nowhere na tanong ni Aira habang nagsusulat.

"Inutusan ni Dean kanina," paliwanag ni Ynna habang nilalaro ang ballpen niya. "Inaantok na ako, girls. Uuwi na ako, sa bahay ko na lang itutuloy 'to," dagdag pa niya.

"Ay, Ynna, sasabay na ako sa'yo. Iisa lang naman ang way natin. Ikaw ba, Jill?" tanong ni Aira.

"Hmm, mauna na kayo. Tatapusin ko na 'to. Ingats!" I answered.

"Oh, sige. Bye, Jillian!" paalam ni Ynna.

"Jill, ingat ka sa pag-uwi. 'Wag magpapagabi," bilin pa ni Aira at sumunod na siya kay Ynna.


Yesss! Salamat naman at natapos ko na. Sakit sa ulo, bes! Naubusan ako ng English dito sa reaction paper. Napatingin ako sa relo ko at nakitang alas-singko na ng hapon. Almost 4 hours akong gumawa nito?

"Miss, do'n ka na lang sa first floor magtuloy ng ginagawa mo. Papatayin na ang ilaw rito sa second floor," sabi sa akin ng facilitator dito sa taas. Ako na lang pala ang tao rito. Napatingin ako sa bintana at napagtantong umuulan sa labas. Bakit ngayon pa kung kailan ako tinamad magdala ng payong?

Walang gana akong bumaba ng first floor. Paano ako uuwi nito? Tumingin ako sa labas, sobrang dilim na. Kokonti na rin ang tao sa baba. Wala akong choice. Siguradong uuwi ako sa bahay na parang basang sisiw. Kinuha ko 'yung bag ko sa counter ng library at inayos ang gamit ko. Sa first floor na lang ako maghihintay na tumigil ang ulan.

Ite-text ko sana si Arkin na sunduin ako kaso deadbatt. Ganito nga yata talaga kapag single, nakatitiis na hindi nagcha-charge. I‟m doomed! Daig ko pa yata ang napagsakluban ng langit at lupa. Nakakainis! Palakas nang palakas ang ulan at medyo nababasa na ako kahit nakasilong.

5:45 PM. Siguradong naghihintay na sina Mama at Papa at sigurado ring talak ang sasalubong sa'kin pagkauwi dahil tamad akong magdala ng payong. Mukhang wala ring balak tumila ang ulan. Napatigil ako sa pagdadrama nang may biglang tumigil na kotse sa harap ko. Bumukas ang pinto nito sa passenger seat at dumungaw ang may-ari ng kotse.

"Sakay." Si Loyzaga. Teka, joke ba 'to? Ako ba kausap niya? Tumingin ako sa likod ko, wala namang tao.

"Tutunganga ka riyan o sasakay ka?" inis na tanong niya. Pagkarinig ko no'n, kumaripas na agad ako papasok ng kotse niya dahil nilalamig na ako. Umupo lang ako ro'n, walang salita, walang kibo. Mas lalo tuloy akong nilamig dahil pakiramdam ko nilamon ako ng kaba.

"Tsk, nanginginig ka." Pagkasabi niya no'n ay biglang hinawakan ng kanang kamay niya ang kamay ko habang ang kaliwa niyang kamay ay nasa manibela. By that moment, I totally froze.

Is this for real? Hawak niya ang kamay ko. Ramdam ko ang init ng kamay niya habang ang kamay ko‟y nanginginig pa rin. Sobrang bilis ng tibok ng puso ko na para akong nasa karera. Hindi rin ako makapagsalita at parang na-stapler ang bibig ko. Diretso lang akong nakatingin sa daan. Nakapatay na ang aircon pero sobra-sobra pa rin ang lamig na nararamdaman ko. Bakit pagdating kay Loyzaga, iba ang pakiramdam ko? Sa kanya lang ako nakakaramdan ng ganito. Tipong nagka-crush ako sa iba, nagkagusto sa iba, pero bakit sa isang „to, ibang-iba? Parang lahat bumalik sa first times. First time kiligin, first time magka-crush, at first time magblush. Hindi ko maipaliwanag 'yung dahilan.

"Bakit kasi hindi ka nagdala ng payong? Paano kung hindi ako dumating? Paano ka uuwi?" iritadong tanong niya na bumasag ng katahimikan. Concern ka na niyan, Kuya? Bahagya akong napangiti sa isip ko.

"Tsk, tamad ka pa rin tulad ng dati," dagdag pa niya.

Nagulat siya sa sinabi niya at halos mabilaukan naman ako sa narinig ko. DATI. After two years na hindi niya ako pinapansin at kinakausap, ngayon lang ulit namin napag-usapan ang DATI. Na kahit ako hindi rin nakapag-react sa huli niyang sinabi.

Sa lalim ng iniisip ko‟y hindi ko namalayang nandito na kami sa tapat ng bahay namin.

"Pasok ka muna?" 'Yun lang ang tanging lumabas sa bibig ko. Ni hindi ko nga alam kung saan ko hinugot ang lakas ng loob para sabihin ang mga salitang 'yun.

"Hindi na, gabi na rin. Pasok ka na sa loob."

"Ah, salam-" "Nevermind." BLAG!

"-mat."

Topakin talaga ang lalaking 'yun! Kanina lang ang sweet niya, ngayon naman pinagsaraduhan ako ng pinto ng kotse! At the moment na naisara niya ang pinto ng kotse ay pinaharurot na niya „to nang mabilis. Teka, nangangarap lang ba ako ng gising o namamalik-mata lang? Para kasing ngumiti muna siya bago niya isinarado 'yung pinto. Pero aaminin ko, napangiti ako. Kasi kahit sandali, bumalik 'yung Tristan na kilala ko two years ago.

Pagpasok ko sa kwarto, humarap ako sa salamin. Napangiti na naman ako. Oo na, mukha na akong tanga. Ngumingiti sa kawalan. Pero bakit? Paano? Kasi... si Tristan Jenry Loyzaga, hinatid ako pauwi kasi wala akong payong. Waaaah!! Sobrang bilis pa rin ng tibok ng puso ko 'pag sinasabi at naririnig ko ang pangalan niya.

TRISTAN

TRISTAN

TRISTAN

TRISTAN

Waaaah! Nababaliw na yata ako! Tumalon-talon pa ako sa kama at humiga na para akong shunga. Sumisigaw ako habang kagat-kagat ko 'yung unan para 'di marinig ng mga magulang at kapatid ko. OH MY GOD! TRISTAN JENRY LOYZAGA... am I falling for you? 

The Sweetest Downfall (Published Under KPNY Self-Publishing & Printing)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon