CHAPTER 32: Fears

341 3 2
                                    

Jillian

No exact words can define how hurt I was the moment I saw him with Laureen. Wala na nga sigurong mas sasakit pa sa salitang masakit. Hindi ko alam kung ano ang tamang naramdaman ko no'ng oras na 'yun. Hurt, mad, and jealous. Hurt and mad because he to whom I gave my trust, lied. He, the one I love, made me feel that I am betrayed. And jealous, because my first love, chose to stay with his first love.

Pakiramdam ko, tumigil ang pag-ikot ng mundo ko. How I wish na sana panaginip ko lang 'yun. Guni-guni, na sana sa isang kisapmata mapatunayang mali ang nakita ko. Pero hindi, eh. Sadyang pinamulat lang sa'kin ang katotohanan na, oo, kasama ni Tristan ang pinsan ni Kevin, si Laureen Nichole Melendres na first love niya at hindi katulad ng dahilan niya na mama niya ang kasama niya. I feel weak that crying was the only thing I did to escape.

"Jill, tama na. Stop crying. Gago talaga 'yun si Tristan! I swear, 'pag nakita ko siya sa school bukas, masusuntok ko ang lalaking 'yun!" Aira said while comforting me. Its Sunday afternoon and I'm crying like there‟s no tomorrow. Wala akong gustong kausapin kun‟di siya lang. Luckily, wala sina Mama at Papa ngayong weekend.

I gently smiled to Aira kahit mahirap. Kahit parang may tumutusok sa puso ko dahilan kung bakit nasasaktan ako ng ganito. I told her everything that happened last night. Mabuti na lang nando‟n si Kevin para samahan ako. I still remember how Kevin cursed Tristan habang nasa sasakyan kami at inihahatid ako pauwi. Si Kevin who happened to be the most cheerful and jolly sa barkada, nagalit. Galit na galit.

Humiga ako sa kama at pinunasan ang luhang muling pumatak galing sa mata ko. While Aira's caressing my back to comfort me. Now I know kung gaano kasakit. Alam mo „yung gano‟ng pakiramdam? Na kahit anong pilit mong kalimutan at hindi na maalala „yung ayaw mong maalala, wala kang magawa kasi paulit-ulit na nagre-replay sa utak mo.

"Bakit gano'n, Aira? Wala naman akong ginawa to suffer like this. Kasalanan na bang magmahal ng totoo? Wala naman akong hiniling kundi ang maging honest hangga‟t kaya, pero bakit kulang pa rin? May nagkamali pa rin, may nasaktan," I asked innocently, hurt.

"Jillian, listen to me," Aira said at pinunasan ang luha ko. Mabuti pa „tong kaibigan ko, ayaw na ayaw makitang umiiyak ako. "Sa love, there's no perfect relationship na hindi dumadaan sa trials. Why don‟t you talk to him and hear his side? Maybe it‟s just a misunderstanding. Sometimes, 'yun ang dahilan ng pag-aaway ng dalawang tao." Umiling ako.

"Come on, Jill, I know you. You're a good listener. Okay, I'll talk to Tristan at sasabihn kong bigyan ka ng oras to unwind. Alam kong may sagot si Tristan sa mga katanungan mo. Looks like may kinakampihan ako or what, pero wala. I just want to set things right sa inyong dalawa," paliwanag pa niya.

Kasabay ng huli niyang salita ay ang pagva-vibrate ng phone ko. Warning na malapit na 'tong ma-lowbatt. Since last night, Tristan's calling me non-stop. He keeps on sending sorry and I love yous but I chose to ignore those. He even tried to talk to me this morning, but I stayed inside my room kahit sinasabi sa‟kin ni Arkin kung gaano ka-wasted ang itsura ni Tristan. Mukha raw problemado at hindi nakatulog. Mukha rin daw galing sa pag-iyak. Ako rin naman, ah?

"Jill, I am one of those witnesses on how much Tristan loves you to death. It's like he would take all the bullets just to save you. Kaya, Jill, ayusin mo ang sarili mo. Nagsisimula pa lang kayo ni Tristan and to warn you, mas marami pang dadating na mas masakit d‟yan. Walang mangyayari kung iiwasan at tatakbuhan mo ang problemang kayong dalawa dapat ang lumalaban."

Mahal ko rin naman siya. I just want him to learn from his mistake.


***.


Tristan

"Tangina, Jeff, hindi ko na alam ang gagawin ko! Ayaw akong kausapin ni Jillian. Ni makita nga ako, ayaw rin. Paano ako magpapaliwanag?!" reklamo ko kay Jeff. Napasabumot na rin ako sa buhok ko. What's happening now since last night frustrates me even more. Malapit na akong mabaliw.

"Easy ka lang, pare. Time heal all wounds. Bigyan mo muna kasi ng space and time. Kung hindi ka rin naman kasi tanga at kalahati at sana nagisip ka muna ng isang daang beses bago ka nagsinungaling, e di sana walang ganito," Jeff said while taking his third shot of redhorse. Linggo ngayon at gabi na pero niyaya ko silang uminom to think na may pasok bukas. "Try to put yourself on Jillian's shoe, na siya ang nagsinungaling at ikaw ang nagmukhang tanga. Ano'ng mararamdaman mo?"

Jeff has his point. Kailan ba nawalan? Siguro kung ako nga ang naloko, no one knows kung ano ang katangahang pwede kong magawa.

"Oo nga, p're. Nagkandagulo-gulo tuloy, nagkabuhol-buhol pa. Imagine, pinsan pala ni Kevin 'yung ex mo?" sabat naman nitong si Andrei.

Tahimik lang akong nakatulala sa kawalan, yet naa-absorb pa naman ng utak ko ang mga sermon nila. Kahit na ako ang may kasalanan, nasasaktan din naman ako. I'm hurt from the fact that I hurted Jillian, the reason why she's mad at me. Aira texted me that Jillian is crying the whole day. Tangina, pinaiyak ko 'yung babaeng mahal na mahal ko!

"Alam ko. Alam ko namang kasalanan ko. Kaya nga nagsisisi na, 'di ba? Pero bakit ganito? Ang gusto ko lang naman ay ma-settle ang issue sa amin ni Laureen before. Ayaw ko na sanang sabihin kay Jillian, kasi magaalala lang 'yun, mag-iisip, magseselos, at masasaktan. Yet it turned out that my decisions was flipped and damned!" I said while frustrations and fear was written all over my face.

Tragis, bading na kung bading pero masama bang umiyak ang isang lalaki kapag sobrang nasasaktan na? Lalo na kung ang involve ay „yung taong sobrang mahal mo at isa sa mga pinakamahalaga sa‟yo. Kapag sobrang gulong-gulo na „yung pag-iisip mo at hindi mo na alam ang gagawin mo. Kasi „yung taong mahal na mahal mo, ayaw kang kausapin at hindi maintindihan kung bakit nagawa mo ang pagkakamali mo. Tangina lang! Nakakagago!

"Suyuin mo, boy, „wag mong tigilan. Mahal ka no'n, 'wag kang sumuko. Iiyakan ka ba no'n kung hindi ka mahal? Basta patunayan mo lang," Karl interrupted.

"Basta, pare, siguraduhin mo lang na 'pag pinatawad ka, huwag mo ng uulitin. Madala ka naman!" sabi ni Jeff.

"Oo nga, Tristan. Tutulungan ka namin. Basta mag-sorry ka, 'yung tagos sa puso. 'Yung sincere! 'Yung makapagbagbagdamdamin. 'Yung epic! 'Yung pwedeng pang-history," Karl kidded kaya natawa ako.

Tumango ako sa kanila for a yes. "Aayusin ko na „yung sa‟min ni Laureen tapos 'yung kay Kevin din. Grabe 'yun, kung mamura ako kagabi—potek! Lagitik, eh!"

"Lilipas din galit no'n, pare. Ilibre mo lang ng Dota, okay na 'yun!" Andrei said tapos tumawa silang tatlo.

"Loko!"

"'Di, joke lang, p‟re. Seryoso, bukas na bukas ayusin mo 'yang gusot na 'yan. 'Wag mo ng patagalin. Ang gusot, habang hindi pa lukot na lukot, kaya pa 'yang plantsahin, basta ba agapan agad," sabi ni Jeff.

"Salamat sa inyo. Salamat, mga p're."

Bukas na bukas, I'll apologize. Kahit maghapon pa akong humingi ng sorry, gagawin ko. Kahit sa gitna man ng ulan, sa harap man ng buong university, mapatawad lang ako ni Jillian. 

The Sweetest Downfall (Published Under KPNY Self-Publishing & Printing)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon