CHAPTER 16: Sila

394 4 2
                                    


Jillian

Message from: 0917 654 3210

Hindi porke umamin ako na gusto kita, magiging engot ka na. Kaya sana kapag umuwi ka, ingatan mo ang sarili mo. Buo kang uuwi, naiintindihan mo? Dahil sa lahat naman ng ayaw ko ay 'yung napapahamak ang taong gusto ko. Ingat. :)

Hindi ko alam kung gaano katagal ko ng pinagmamasdan ang cellphone kong may text ni Tristan. Nakahiga ako sa kama, magulongmagulo ang kama ko dahil pabali-baliktad ako. Nanginginig pa rin ang kamay ko sa paghawak sa cellphone ko, kasabay ang malakas, mabilis, at sunod-sunod na pagpintig ng puso ko na tanging si Tristan lang ang nakagagawa.

Ni hindi ako nakatulog nang maayos magdamag, wala ako sa sariling nakauwi sa bahay kahapon matapos ang pinagsasasabi ni Tristan habang gumagawa kami ng research paper. Pinaglololoko niya ba ako? Ako? Gusto niya? Ay mali raw pala kasi mahal na? Ano 'yun? Ni hindi ko rin nagawang kumain ng hapunan. Hindi ko alam kung totoo ba ang pinagsasasabi ni Tristan. Pero kita ko sa mata niya kahapon ang sincerity, parang kinakausap ako ng mga mata niya na, "Maniwala ka, please?"

Pwedeng totoo, pwedeng hindi, pwedeng nanti-trip lang siya, pwedeng ginagamit ka lang niya dahil may pinagseselos siya. Sari-sari ang reasons na pumapasok sa kokote ko. Damn, Tristan, you're making me crazier!

Nawala ako sa malalim kong pag-iisip nang may narinig akong kakaibang tunog. Parang tunog ng nagse-set up na banda? Umagangumaga, nag-iingay ang mga 'to. Kung gabi, normal lamang 'to dahil kabikabila ang pyestahan at karamihan ay nagha-hire ng live band.

Hindi ko na lang „yun pinansin, inayos ko ang kama ko, at pumwesto nang maayos. Pipilitin kong matulog. Sabado naman ngayon, wala rin akong pupuntahan kaya okay lang na matulog ako maghapon.

"Jillian, anak, gumising ka na riyan! Tanghali na! Mga kaklase mo yata 'yung nasa labas ng bahay. Jillian!" rinig kong sigaw ni Mama mula sa labas ng kwarto ko.

Teka, kaklase? Wala naman kaming usapan ng mga kaklase ko, at bakit naman sila pupunta rito? Hindi ko pinansin ang sinabi ni Mama, siguro sinabi niya lang „yun para gumising na ako. Pero sa gusto at sa ayaw ni Mama, matutulog ako. Wala pa akong tulog at antok na antok na ako!

Seconds later nang may marinig akong nagsalita. "Mic test. Hello? Hi po. Good morning po sa buong subdivision. Sorry po sa istorbo, pero kailangan lang po talaga 'to," sabi ng nagsalita, siguro iyon ang banda na nagse-set up kanina. My goodness, mukhang wala talaga akong balak patulugin ngayong araw na 'to!

Dahil sa echo at feedback ng mic na pagkasakit-sakit sa tenga, nawalan na ako ng ganang matulog. Bumangon na ako at nag-ayos para bumaba. Bubuksan ko pa lang ang pintuan nang magsalita ulit ang nasa banda.

"Uhm, good morning, Mr. & Mrs. Gonzales. Can I have this morning po to get your attention?"

Shet na malagkit! Bakit hindi ko agad na-recognize ang boses niya? Siya 'yun, sigurado ako!

Dali-dali akong bumaba na parang hindi na ako dumaan sa hagdan. Lumabas ako sa may garahe at natanaw ko agad ang mga mukha nina Mama at Papa na halatang naguguluhan at nagulat. Saktong lumabas din ng bahay si Arkin na parang naiirita sa nangyayari.

Ano'ng pinaggagagawa ng barkada ni Tristan dito? Binuksan ni Papa ang malaking gate sa garahe kaya lalong tumambad kung ano ang meron sa labas.

Sa gitna ng kalsada ng subdivision namin ay nakapwesto ro'n ang mini band nila Tristan. Mini band lang dahil wala namang drum set. Dalawang gitara lang ang nando'n, which is hawak ni Kevin. Siya ang lead guitarist. Tumingin ako sa kanya, nginitian niya lang naman ako saka nag-peace sign. Ang isa naman ay ang bass guitar na si Adrian ang may dala. Ngumiti rin siya sa akin. Nakaupo naman sa beatbox si Karl, tumango naman siya sa akin. Nadako naman ang tingin ko sa nakapwesto sa keyboard, si Jeff. Ngumiti siya sa akin nang pagkatamis-tamis. Kinilabutan ako. Ano'ng meron sa ngiting 'yun? And lastly, kinakabahan akong naglipat ng tingin sa kanya, kay Tristan. Nakangiti siya sa akin. Ngiti na sobrang mahal kaya bihira niya lang ipakita. Sobrang gwapo niya sa ngiti niyang 'yun, nakakapanlambot ng tuhod. Nagsisimula na akong manginig at manlamig. Kinakabahan ako.

The Sweetest Downfall (Published Under KPNY Self-Publishing & Printing)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon