CHAPTER 31: I'm sorry

294 2 0
                                    

Jillian

"Tristan, ano? Sinabi ko na sa'yo  'to. Sasamahan mo ba ako?" pangungulit ko habang may kasama pang pagpapa-cute kaso mukhang hindi yata umubra ang charm ko kay Loyzaga ngayon. Kasalukuyang nasa classroom kami at kaka-resume lang ng first week of class ngayong January.

"Sorry, Jill, hindi talaga, eh. I'm sorry. May importante kaming lakad ni Mama bukas ng gabi."

"Okay," walang ganang sagot ko. Baka sakaling magbago ang isip niya. Ayos lang naman sa'kin kaso hindi ko maiwasang hindi malungkot.

This would be the first time that he said no to me.

"Huwag ka ng magalit, uy!"

"Hindi naman."

"Eh, bakit ganyan ang mukha mo?"

"Kinokonsensya kasi kita. Alam mo 'yun?"

Ang tinutukoy ko sa kanya ay ang formal event na pupuntahan namin ni Kevin bukas. Debut daw kasi 'yun ng second cousin niya at once in a blue moon lang sila magkita kasi taga-Manila 'yun. Sobrang gusto niya raw pumunta ro'n para magkita ulit sila. At dahil malapit ang loob ko kay Kev at para ko na siyang kapatid, I said yes. He‟s asking me if he could bring me there as his "friendly date". Sabi ko okay lang sa'kin pero he should ask Tristan's permission first. Kevin's alone. His parents are both in Dentistry, who were based on Canada at wala siyang kapatid. Relatives were on the other places kaya mas pinili niyang mag-solo.

"Babe, sorry na talaga. Babawi ako next time kahit saan mo pa gustong pumunta. Wrong timing naman 'yang si Kevin mag-invite, eh," pambawi naman niya.

"Okay lang. I understand. Ikamusta mo 'ko kay Tita Jean."

"And you, take care of yourself. Mamaya nga pagsasabihan ko „yang si Kevin. 'Pag ikaw, nagasgasan dahil sa kapabayaan niya masasapak ko talaga 'yun."

"Sus, O.A. na po."



Saturday night came. Si Kevin, sinundo ako sa bahay. He's dazzling in his black suit with white necktie. Nakakapaglaway rin kasi ang kagwapuhan ng isang 'to. Pero mas gwapo pa rin si Loyzaga ko!

"Jill, hindi mo kailangang matulala sa akin. I know gwapo ako. But, you already have Tristan," Kevin kidded while driving.

"Loko! Magkaibigan nga kayo ni Tristan. Parehas kayong feeling gwapo."

"Pero seryoso, ang ganda mo ngayon. Malas ni Tristan, hindi ka niya nakita." I am wearing a black halter top cocktail dress 'tsaka black pumps. Mukha tuloy kaming nag-usap ng kulay ni Kevin.

"Yeah, thanks," matamlay na sagot ko. Mas pinili ko na lang tumahimik buong biyahe kahit alam kong Kevin looks worried. Hindi ko alam kung bakit ang lungkot ko. Siguro kasi wala si Tristan. I texted him before Kevin fetch me pero walang reply. Usually, kapag hindi kami magkasama mangungulit na 'yun at tatawag pa. But now, I started feeling uneasy.

"We're here," Kevin uttered. Hindi ko na namalayan na nandito na kami sa venue. Its a Five-Star Hotel and every guests looks gorgeous and formal. Pumasok kami sa loob at medyo marami na ang tao.

"Okay ka lang, Jill?"

"Okay lang ako, Kevin. Don't mind me." I smiled at him.

Okay, I lied. I'm not feeling well. Not because may sakit ako or something. I have this weird feeling which is against my way of thinking. Napansin siguro 'yun ni Kevin kaya nahihiya ako sa kanya kasi baka isipin niyang napilitan lang ako. I don't know pero excited naman ako kahapon. Its just that, bigla na lang nag-iba ang timpla ko when Tristan didn't have the guts to reply kahit isang beses.

The Sweetest Downfall (Published Under KPNY Self-Publishing & Printing)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon