CHAPTER 42: Ang labo

242 4 0
                                    

Tristan

Katatapos lang naming mag-basketball nina Jeff at Kevin sa university gym. Nasa shower room akong mag-isa habang silang dalawa ay nauna ng lumabas. Hindi ko alam kung ano'ng mararamdaman ko habang iniisip ko kung paano kukumbinsihin si Jillian tungkol sa internship program. Siguradong mahabang paliwanagan na naman ang mangyayari. Tapos kanina lang, may nalaman pa ako kay Kevin.

"Tol, ano? Bakit daw ayaw ni Jillian tanggapin 'yung internship?" tanong ni Kevin habang nagpapahinga kami sa bleachers kanina kaya agad akong napalingon sa kanya. Si Jeff, nagsu-shooting sa ring.

"Alam mo rin na ayaw niya?" nagtatakang tanong ko.

"Oo. Narinig ko kasi ang usapan nila ni Aira no'ng isang araw sa room. Akala ko naman alam mo na."

"Hindi. Kay Dean ko pa nalaman."

"Ay, sorry 'tol. Siguro kausapin mo na lang siya para magkaliwanagan kayong dalawa."

Napabuntong-hininga na lamang ako noong nalaman ko 'yun. Ako na lang pala ang nag-iisang walang alam sa pagtangging 'yun ni Jillian. Kaya pala. Kaya pala, gano'n na lang siyang kumilos no'ng mga nakaraang araw. Pati 'yung way ng pagtatanong niya kung gaano kahalaga ang opinyon ng bawat isa.

Ang bigat sa pakiramdam. Ang dami kong naramdaman at naisip no'ng mga oras na 'yun, kung paano at ano ang mga gagawin ko. Gusto kong magalit at mainis kung bakit hindi man lang niya ako tinanong sa naging desisyon niya, pero mas mahal ko siya na hindi ko kayang magalit sa kanya.


***


Jillian

"Girl, kung ako sa'yo sabihin mo na kay Tristan. Mas mahirap kapag sa iba niya pa nalaman," nag-aalalang payo ni AIra sa akin. Nakaupo kami sa hagdan sa labas ng university gym. Hinihintay ko si Tristan, tinext niya kasi ako na nasa gym siya at naglalaro ng basketball.

Ngumiti ako nang bahagya. "Natatakot ako, Aira. Siguradong magagalit siya. He gave up the internship program for me, pero tinanggihan ko lang „yun. Alam kong magagalit siya lalo pa‟t hindi ko agad sinabi sa kanya."

"Girl," iniharap niya ako sa kanya. "Kaya nga sasabihin mo ngayon, 'di ba? Sure naman ako na maiintindihan ka niya. In case na magalit siya, hindi ka niya rin matitiis. Eh, sobra kang mahal ka kaya no'n kahit engot 'yun," natawa kaming pareho sa sinabi niya.

"Kinakabahan ako," malungkot na sabi ko kaya naman niyakap niya ako.

"Kung ano man ang sabihin ni Tristan sa'yo, tanggapin mo. Oo, magagalit siya sa'yo pero itaga mo sa bato, hindi ka niya matitiis. Basta huwag mong sasabayan ang galit niya, ha? Accept your mistake," sabi ni Aira habang hinahaplos ang likod ko para gumaan ang pakiramdam ko. "Sige, salamat, girl, ha? Salamat sa laging pakikinig."

"Ano ka ba naman! Ngayon pa ba tayo mag-iiwanan?" Ngumiti siya at hinawakan ang mukha ko sabay sabing, "Umayos ka na. Nand'yan na siya."

Bigla akong nanlamig the moment na naramdaman ko na ang presence niya na nakatayo sa likod ko. Kinabahan ako lalo. Sinubukan kong ngumiti sa kanya sabay abot ng gatorade. Iyon kasi ang gusto niya laging inumin pagkatapos ng practice.

"Dota boy..." Tumingin siya sa akin at ngumiti nang pilit. Okay, anong meron? Pinilit kong pakalmahin ang katawan ko.

"Girl, una na ako sa inyo, ha? Dadaan pa ako sa registrar, eh," sabi ni Aira sa akin sabay baling niya sa bagong dating. Tristan nodded for his answer. Hindi nakaligtas sa mata ko ang senyas ni Aira bago siya umalis. Parang sinasabi niya sa akin na, "Go, tell him." Mas lalo tuloy akong kinain ng kaba.

The Sweetest Downfall (Published Under KPNY Self-Publishing & Printing)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon