CHAPTER 22: Anong problema?

336 3 0
                                    

Jillian

Friday.

"Jill, punta lang akong SC office. Pinatatawag ako ni President. Gwapo ko raw kasi masyado," paalam sa'kin ni Tristan. Kita niyo? Lakas ng confidence. Overflowing, eh.

"Lagot ka, may kasalanan ka raw kasi kaya ka pinatatawag. Tapos tamad ka rin."

Tiningnan niya lang ako nang masama bago lumabas ng room. Pikon! Well, masipag naman ang lalaking „yun, hands on and dedicated sa lahat ng ginagawa niya. Sinabi ko lang „yun para maasar siya at naasar naman siya.

Lumabas ako ng room para makipagtsismisan sa ibang major. Joke!

Wala kasing klase. May iba ring major na nakatambay sa room namin. Paglabas ko'y nakita ko pa si Annika na Marketing major na ngayon, classmate ko siya no'ng first year. Ngumiti siya sa akin. Sa pagngiti ko sa kanya ay may nahagip ang mata ko. Isang lalaking nakaupo sa hagdan, nakasandal ito sa railings habang nakapikit. Gwapo siya, pero hindi katulad ng gwapong mukha na araw-araw kong nakikita noon, si JB.

Lumapit ako sa kanya. Siguro ay naramdaman niya ang presensya ko. Nagmulat siya ng mata at ngumiti. Ngiting pilit, ngiting kulang. Umayos siya ng upo at umusod para makaupo rin ako.

"Uy, bes! Ano'ng nangyayari sa'yo?" seryosong tanong ko. Nawala ang pilit niyang ngiti at nag-iwas ng tingin.

"Bukod sa lalo akong gumagwapo? Wala naman, bes. Ikaw talaga."

Tinitigan ko ang mukha niya. Ang maganda niyang mata ay halatang pagod at puyat. At kahit anong idahilan ng lalaking „to, alam kong may problema siya at hindi niya maitatangging malungkot siya.

"Nakakainis ka! Nagiging malayo ka na, alam mo 'yun? Walang nangyari sa isang linggo mong pag-absent?" mariing tanong ko.

"May inayos lang ako kaya matagal akong absent. Na-miss mo 'ko, 'no? Okay naman na, ah? Pumasok na ulit ako kaya 'wag ka ng mag-inarte riyan."

"Pumasok ka nga pero may nagbago. Akala mo ba hindi ko halata? Sa pagtalikod mo sa akin no‟ng isang araw. Ano 'yun, ha? Akala ko ba magkaibigan tayo? Walang secret. Eh, bakit ganyan ka?" tanong ko na medyo naiiyak na. Totoo naman kasi, sa inaasal ni Benedict ngayon nasasaktan ako. Tumingin siya sa akin saka ngumiti.

"Ikaw talaga, iiyak ka na naman. Lumapit ka nga rito." Pinalapit niya ako sa kanya at niyakap.

"Seryoso kasi, pakiramdam ko hindi ka okay. Ang layo mo na sa'kin."

"Sssh. If I'm going to ask you kung ano ba ako sa‟yo, ano'ng isasagot mo?"

"Engot ka talaga, Jan Benedict! Syempre tropa, best friend, kapatid, kuya. Alam mo naman „yun, 'di ba?" sagot ko sabay hampas sa kanya.

"'Yun na nga, Jillian, tropa, kaibigan, kapatid..." malungkot na sagot niya.

"Bakit? Ayaw mo na akong kaibigan?" "Of course, g-gusto," he whispered.

"'Yun naman pala, eh. Ano bang inaarte mo riyan, Bautista?! Jusko, napa-paranoid ako sa'yo." He chuckled. I miss this. I miss him.

"Gala tayo sa Linggo, bes? Free ka ba? Lagi na lang si Tristan ang kasama mo, nagseselos na ako. Miss na kita."

"Baliw! Syempre naman ikaw pa! Basta libre mo, ah?"

"Ikaw talaga, basta libre." Natawa siya saka ginulo ang buhok ko.

"Ang drama mo kasi. Basta kung ano man 'yan, willing akong makinig. Anytime, anywhere."

Ngumiti ulit siya. This time, bumalik na 'yung ngiting nakatutunaw.

"Oh, nagpapa-cute ka pa. Tara na sa loob, ang banas dito sa hallway," yaya ko sa kanya, tumayo na ako para pumasok sa room kaya lang pinigilan niya ako. Tumayo siya at niyakap ako na siyang ikinagulat ko.

Bes, ano ba talagang problema mo? Gusto ko sanang itanong pero pinili ko na lang na yakapin din siya. Pagkatapos ng ilang minuto, kakalas na sana ako sa yakap nang may ibinulong siya na nakapagpalambot sa mga tuhod ko.

"Ang swerte ni Tristan sa'yo. Kung sana nauna ako, hindi sana ganito. Hindi sana ganito kasakit."

The Sweetest Downfall (Published Under KPNY Self-Publishing & Printing)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon