CHAPTER 61: McDo

178 1 0
                                    

Jillian

"Well, I guess that's all for now. It‟s already late. Thank you. Meeting adjourned," pahayag ni Sir Andrew, company's CEO and one of the board members. We had a board meeting together with the other delegates and other collaborating companies. In fact, we just had a proposal for them with regards to the merging and being the company's representative for Finance and Accounting, ako ang sumalang to discuss about financing. Its hard, and at the same time I‟m pressured to close the deal between the two companies that will be joining us for the expansion of the industry. Umaasa sa akin ang company. Bakit? Mostly, investors prefer knowing on how much would they risk for the business. Kung saan patungo ang perang ilalabas nila. This board meeting was announced months ago and I‟ve been studying this proposal for months. Hindi madaling humarap sa investors to persuade them. Kailangan mo talaga ng lakas ng loob, company's trust and support dahil sa'yo nakasalalay ang buong kumpanya.

"Congratulations, again, Ms. Gonzales! You've made me very proud. The company is very proud to have you here. Look, you just had closed a deal with two of the most prestigious company in the country," masaya at nakangiting sambit ni Sir Andrew sa akin. Patuloy ang pagbati at pagcongrats sa akin ng mga tao sa loob ng board room.

Oo, I just closed a deal. Akala ko hindi ko magagawa, akala ko mabibigo ako. Pero mali ako, kasi nakaya ko. Kinaya ko. Of course dahil pangalan ng company ang nakataya. Masaya sa pakiramdam. Nakakatuwa na napasaya ko sila. Bonus pa 'yung proud sila sa akin.

"Thank you, Sir. In the first place hindi ko naman po 'yun magagawa without the company's unending support." Totoo naman, eh. Sila ang dahilan kung bakit kinaya ko kahit alam kong mahirap dahil mayroong sila na handang sumuporta.

Nakangiti ang lahat na lumabas sa board room. Tumingin ako sa relo ko habang nasa elevator kami pababa. Almost 11 P.M. na. Sobrang tagal ng presentation, it took hours. Dumaan ako sa 17th floor para puntahan ang office ko at kunin ang ibang gamit ko tapos diretso uwi na. Hindi ako nagdala ng sasakyan at namomroblema ako kung paano ako uuwi sa condo ko gayong gabing-gabi na. Magta-taxi na lang siguro ako.

Binigyan ako ni Sir Andrew ng three-day vacation leave dahil nga sa nai-close kong deal kaya balak kong umuwi ng Batangas bukas ng umaga. Miss ko na rin sina Mama, Papa, at Arkin. Tahimik na sa buong 17th floor at medyo creepy na dahil nga gabi na. I immediately lock my office at lumabas patungong elevator ng makasalubong ko si Mang Antonio, isa sa mga security guard ng company.

"Good evening, Ma'am Jillian! Gabi na po. Pauwi na po kayo?" tanong niya. Mabuti na lang pala at umakyat siya rito.

"Ay, Mang Antonio, magandang gabi rin po. Galing po ako sa meeting kaya po ginabi na ako. Opo, pauwi na po ako. Night shift po kayo?"

"Opo, Ma'am. Sige po, mag-iingat po kayo!"

"Salamat po, Manong. Kayo rin po."

"Salamat po," sagot naman niya kaya naglakad na ako papasok ng elevator ng pigilan niya ako. "Ay, Ma'am Jillian! Muntik ko na hong makalimutan. Pinagbilin ho ni Sir Tristan na hihintayin niya raw ho kayo sa lobby para sabay na kayong umuwi."

"Si Mr. Loyzaga? Hindi ba kanina pa siya nakauwi?" pagtatakang tanong ko. Si Tristan? Imposible. Anong oras na?

"Oho, Ma'am. Nadaanan ko po kasi siya kaninang hapon at ipinagbilin niyang sabihin ko sa inyo 'pag nakita ko kayo. Pasensiya na ho, Ma'am, kung ngayon ko lang nasabi. Medyo tumatanda na po at nagiging ulyanin na. Pasensiya na po," paliwanag niya sabay kamot sa ulo.

"Naku, okay lang po 'yun, Manong. Salamat po. Sige po, iche-check ko siya," sabi ko at tumungo sa lobby nang mabilis.

Mula sa kinatatayuan ko, kitang-kita ko ang itsura ni Tristan habang nakaupo sa sofa, tulog at nakasandal ang ulo sa sandalan ng sofa. Nakatulog na siguro siya sa kahihintay. Naka-office suite pa habang medyo loose ang necktie. Bakit ang gwapo naman niya kahit tulog? Kung ganito naman ang makikita mo pagkatapos mong magisa sa board meeting, nakakawala ng pagod. Anong pinagsasasabi mo, Jillian? Umayos ka nga!

The Sweetest Downfall (Published Under KPNY Self-Publishing & Printing)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon