CHAPTER 10: Hindi ako nagseselos

435 9 7
                                    

Jillian

Naglalakad kami ni JB papunta sa canteen. Lately, I've been very close to him. 'Yun nga lang, bakit parang napapasobra yata? Napatingin ako sa kamay ko na hawak niya. Kanina ko pa sinusubukang tanggalin but I always fail, kasi mas lalo niyang hinihigpitan ang kapit. Kanina pa rin siya nakangiti habang naglalakad kami, lahat din ng nakakasalubong namin na kakilala niya, wagas niyang nginingitian. Bigla akong kinabahan. Bakit pakiramdam ko... iba na 'to?


***


Tristan

Nang makita ko sina Jillian at JB na pumasok sa loob ng room na magkahawak kamay, nag-init agad ang ulo ko sa selos at... nasaktan ako. Kung pwede lang hatakin ko siya palayo sa kanya. Gustong-gusto kong suntukin si JB dahil sa selos. Pero bakit? Ano‟ng karapatan ko? Ako lang naman 'yung palaging sinasaktan ang taong mahal ko.

Ilang saglit lang at nakita kong lumabas si JB ng room. Sinundan ko siya papuntang CR. Sumandal ako sa pader habang hinihintay siyang lumabas saka ko siya tinawag.

"JB"

"Oh, p‟re, bakit?"

"Hindi na ako magpapaligoy-ligoy pa. Ano‟ng meron sa inyo ni Jillian?"

Nakita kong sumeryoso ang mukha niya sa tanong ko saka lumapit sa akin. "Gusto ko siya. Pakialam mo?" sagot niya na ikinainis ko bigla. Sabi ko na nga ba.

"I want you to stay away from her." Ngumisi lang siya. "At bakit naman kita susundin?" "Kasi..." Shit. Tini-trigger talaga ako ng isang „to.

"Kasi ano? Sabihin mo kung bakit mo „ko pinalalayo sa kanya!"

"Kasi gusto ko siya." Nagulat ako sa sinabi ko. Pero mas nagulat ako nang ngumiti siya.

"Tanga. Saka mo sasabihin kung kailan huli na."

"Basta iwasan mo."

"Kung talagang mahal mo, hindi mo hahayaang maagaw ko siya sa'yo. Bestfriend ko 'yun at hindi ko iiwan. Tingin mo hahayaan kong mapunta lang sa katulad mong walang ibang ginawa kun'di ang saktan siya?" Gustong-gusto kong sapakin 'tong si JB. Ang angas, eh!

"Hindi ka gusto ni Jillian," sabi ko.

"Bakit, p're, sino‟ng gusto niya? Ikaw?" he sarcastically asked. Alam kong napipikon na rin ang isang 'to. Ngumiti siya nang nakakaloko saka nagsalita. "Huwag mo 'kong lokohin, Tristan. Alam kong matagal mo ng gusto si Jillian. Ang gago mo. Saka ka kumikilos kung kailan may kalaban ka na."

Hindi ko na natiis kaya nasuntok ko siya.

"Bakit? Totoo, 'di ba? Ang tagal kong gustong umamin kay Jillian. Kung kailan pinaparamdam ko na, umeepal ka naman. You had all the chances, yet you took it for granted. Ganyan ka ba talaga ka-torpe, Tristan?" Pinunasan niya ang dugo sa kanyang kilay saka siya tumayo at lumapit sa akin.

"Wala kang alam kaya layuan mo na lang siya," sagot ko kaya ako naman ang sinuntok niya.

"Gago! Sinabi na ngang hindi ko lalayuan, eh! Ikaw ang lumayo kung gusto mo!"

Sinuntok niya ulit ako at bumawi lang ako sa kanya hanggang sa pareho na kaming hinihingal. Pareho na kaming umayos ng tayo at nagpagpag ng uniform. Sabay kaming natawa sa mga inasal namin kanina.

"Seryoso, pare, hindi ko alam na aabot tayo sa ganito. Nang dahil sa iisang babae..." sabi niya.

"Angas mo, eh. Makahawak ka ng kamay, akala mo kayo na," sabi ko naman.

Lalo siyang natawa. "Sabi ko na nga ba effective, eh. Nagselos ka." 

"Loko!"

"Huwag kang mag-alala, mas marami ka pang dahilan para magselos, p're," asar na naman niya kaya hinawakan ko ang kwelyo ng polo niya. "Woah, easy, p're! Next time mo na lang ako suntukin, reserve mo 'yan, nakakarami ka na, ah."

Binitawan ko siya at tumawa ulit kaming dalawa na para kaming siraulo. Sino ba naman kasi ang matinong magsusuntukan tapos magbabati agad?

Pumasok kami sa CR at tumingin sa salamin. May cut siya sa kanang kilay at mapula rin ang pisngi niya na napuruhan ko. Ako naman, may cut sa ibabang labi. Letse, baka magpeklat 'to.

"Sakit mong sumuntok, Tristan! Grabe, gano'n ba talaga kalaki galit mo sa'kin?" reklamo niya habang pinapahid niya ng panyo ang dumudugong kilay niya.

"Patikim pa lang 'yan. Kung ayaw mong madagdagan, iwasan mo si Jillian," pagbabanta ko.

"Kung gano'n, handa akong mabugbog araw-araw."

The Sweetest Downfall (Published Under KPNY Self-Publishing & Printing)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon