CHAPTER 12: It's Jillian

412 4 8
                                    

Jillian

"Okay, FM 3201, I have a very important announcement to make," paliwanag ng class adviser namin in front of the class. "You're going to submit a topic proposal for your thesis." Biglang umingay ang klase na agad namang sinuway ni Ma‟am. "Sssh! Listen first. You're going to work as by pair instead na tatluhan. Magbubunutan tayo ng partners para fair."

"Ma'am, kanya-kanyang pili na lang tayo," biglang sigaw ni Andrei.

"Opo nga po, Ma'am, para masaya at komportable sa gagawin," request pa ni Tania.

Nagsimulang mag-ingay ang buong klase, lahat tutol sa suggestion ng prof., kahit ako.

"The decision is final. Mas makagagawa kayo ng ayos kapag gano'n ang sistema. At every member ay mapipilitang gumawa at hindi aasa sa kamember," sabi pa ni Ma‟am. "So, you're going to have a research about a certain topic which is duable at magandang pag-aralan. Of course, it must be related to your degree, Financial Management. You can access the library, internet, books, or even magazines. Another thing is, you need to submit atleast ten supporting details and facts to the topic you have chosen. Submission will be on Monday, until 5 PM. Don't worry, guys, che-checkan ko pa „yan, ire-review ko rin so huwag mag-alala kung mali. But, mas maganda kung marami kayong alternatives para incase na ma-reject, may pang-support. Is that clear?"

"Ang dami naman agad, Ma'am!" reklamo ni Kevin. Habang ay iba ay tumango na lang at sumagot ng, "Yes, Ma'am."

Para akong nanlambot sa sinabi ni Ma‟am. Welcome to hell days!!!

"Any questions?"

"Wala na po."

"So, tatawagin ko kayo by name at pumunta kayo rito sa unahan for the drawlots."

Minutes passed at isa-isa ng tinawag ang mga pangalan. Sina Tania at Ynna ang magka-pair, daya!

"Tristan, ikaw na ang sunod na bubunot," rinig kong sabi ni Ma'am.

Heto na naman 'yung puso ko na gumugulo ang pintig kapag malapit siya. Ganito na sadya siguro „to, siguro naman mapapagod din „to. Pinagmasdan ko lang siya habang naglalakad papunta sa unahan. Bumunot na siya, pero bakit parang kinakabahan ako habang tumititig sa kanya at hinihintay na buksan ang kapirasong papel na hawak niya? Sino ang malas na partner niya? I bet, kawawa 'yun. Sobrang bossy kaya ng isang 'to.

"Sino ang nabunot mo, Tristan, para mailista ko na?" tanong ni Ma'am.

Lahat tumahimik, lahat inaabangan ang sagot niya na kahit ako tahimik din na nakikinig.

"Tristan?" tanong ulit ni Ma‟am.

"It's JILLIAN."

Jillian daw, yes! Hindi a—" J I L L I A N

WHAAAAAT? I'M DOOMED!

Napatingin ako sa mga kaklase ko at lahat sila ay nakatingin sa akin habang nakangiti nang nakakaloko. Sa dami namin sa klase, bakit naman ako pa? 

The Sweetest Downfall (Published Under KPNY Self-Publishing & Printing)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon