CHAPTER 39: Breakfast?

250 3 2
                                    

Tristan

"Potek, Jeffrey! Ano bang problema niyong apat, ha?!" iritang sigaw ko sa kanila.

"Aray naman, Tristan! 'Wag mo nga akong sigawan sa tenga! Lintek naman, oh!" reklamo naman niya.

"Sumunod ka na lang kasi, dude!" sabi naman ni Kevin sabay tawa. Bwisit.

"Wala akong makita, 'nak ng potek! Kapag ako nadapa dahil sa mga pinaggagagawa niyo, sapak ang aabutin niyo sa'kin!"

"Easy ka lang, pare! Oh, ayan may hagdan, isang sigaw mo pa sa amin at papabayaan ka naming bumaba sa hagdan mag-isa hanggang magpagulong-gulong ka at mautas kami sa katatawa," dagdag pa ni Karl.

Anak naman ng mga tipaklong! Baka nga totohanin nila at iwan akong mag-isa tapos mabangasan pa ang gwapo kong mukha, kaya naman nanahimik na lang ako. Hindi ko alam kung ano'ng tumatakbo sa isip ng mga senglot na 'to at naisipan akong piringan kanina. Take note, alas-sais pa lang ng umaga binulabog na nila ang kwarto ko at inistorbo ang tulog ko para lang piringan ako, kaladkarin, at asarin! May sapak ba sila?! Seryoso, ang sarap sapakin ng tigsasampu ng apat na 'to saka ko itatapon sa Bermuda Triangle!

"Matagal pa ba!?" inis na tanong ko. Kanina pa kasi kami palakadlakad at halos kaladkarin na ako ng apat na 'to.

"Malapit na."

Mga limang hakbang pa bago kami tumigil. Pagkatapos ay binulungan ako ni Jeff sa tenga.

"Ang swerte mo, dude. Ikaw na." Ano raw? Hindi ko na-gets.

Tumahimik ang paligid, parang nag-evaporate ang mga senglot kong tropa. Ano bang trip nila? Iwan ako rito? Ni hindi ko nga alam kung nasaan ako, malay ko ba kung malayo na sa kabayanan 'to.

Nakarinig ako ng tugtog ng gitara. Sounds familiar. Alam kong iisa lang ang tunog ng gitara. Pero iba kasi, iba 'yung galing sa strummings ng taong special sa buhay mo. Hanggang sa nagsimula na siyang kumanta. No doubt, siya nga ito. Iisa lang naman ang taong kilala ko ang boses na ganito, na kahit nakapiring ako, alam kong siya 'yun.

Today is gonna be the day that they're gonna throw it back to you

By now you should've somehow realized what you gotta do 

I don't believe that anybody feels the way I do about you now

Hindi ko pa rin tinatanggal ang piring ko. Wala lang, to seized the moment. Akala ko ako lang ang may kayang pangitiin siya. I never knew she could do such things that would make me happier than as always.

There are many things that I would like to say to you

But I don‟t know how

Because maybe

You're gonna be the one that saves me

And after all

You're my wonderwall

Pagkatapos ng chorus tumigil na siya kaya tinanggal ko na ang piring ko. There, I saw her sitting on a monoblock chair while smiling. Lumapit ako sa kanya at yumakap.

"Anong meron?" tanong ko.

She smirked. "Masama bang kantahan ka, Dota boy?"

"Tsk! Halika nga rito." I pulled her again for a hug. "Thank you, ang aga pa pero ang sweet mo na. Ano'ng nakain mo, iyakin?"

"Wala naman. I just want you to feel na special ka rin sa'kin. Hindi naman pwedeng puro ikaw lang ang laging ume-effort, Dota boy."

"Hindi ko naman sinabing um-effort ka rin, miss. Sapat na sa'kin 'yung iparamdam mo 'yung pagmamahal mo."

 "Bakit, hindi ba pwedeng sabay?" Then she pouted.

"Huwag ka ngang magpa-cute. Hindi bagay!"

"What? Nakakainis ka naman, Tristan, eh! Panira ka ng moment!"

Natawa lang naman ako. Then she held my hand and led me to the table sa garden na nasa likod ng bahay namin. Walangya, dito lang pala ako dinala ng mga senglot na „yun pero ang layo ng nilakbay namin.

"Sabi ni Kevin, wala raw sina Tita Jean for a month? Si Ate Sha naman, eh, do'n umuuwi sa boarding house niya. And si baby Ches, imposible namang makapagluto siya sa liit niyang 'yun. So to shorten it all, walang magluluto sa'yo kaya madalas pumapasok kang hindi kumakain ng almusal?" taas kilay na tanong niya.

"Y-Yeah." Patay! Mukhang sermon ang aabutin ko sa kanya ngayon. Totoo naman kasi, walang magluluto kasi wala sina Mama at Papa for a month. Business trip, kaya hindi na ako nagluluto. And I don‟t even know how. The last time I tried to toast a bread, naging uling lang 'yung tinapay.

"Kaya from now on, I'll be your official cook for a month," proud na sabi niya. Muntik ko na tuloy maibuga „yung kape.

"Seryoso ka?!"

"Mukha ba akong nagjo-joke?" mataray na tanong niya.

"Weh?"

"Oo nga! Ayaw mo ba?"

"Gusto. Pero, „di nga?! Seryoso?"

"Oo nga, Tristan! Isa pang tanong, ibabato ko na 'tong tasa sa‟yo!"

"Nagtatanong lang, eh. 'To naman."

"Ang kulit mo kasi. Kumain ka na nga lang! Ako ang nagluto ng mga 'yan."

"Wow, „di nga?"

"Kakain ka ba o magtatanong na lang?"

"Kakain po."

"'Yun naman pala, eh."

Nakangiti akong pinagmamasdan siya habang ipinaglalagay niya ako ng pagkain sa plato. Ang swerte ko nga talaga sa kanya. Sige na, ako na.

"Gumising ako ng alas-kwatro ng umaga para ipagluto ka, kaya ubusin mo „tong lahat, Tristan Jenry." Pinigil ko ang paglalagay niya ng pagkain sa plato ko. I held her hand and pulled her for a hug, kaya naman napatayo siya at nagulat. Addiction ko na nga yata ang yakapin siya.

"You'll never know how happy I am for this. You don't need to do this. But I really appreciate it. Thank you, Jill. I love you."

"Sus, simpleng bagay lang naman 'to. Mas masaya ako na napangiti kita. Thank you rin, Tristan. I love you, too."

Dear God, thank you for this morning. Thank you for bringing Jillian into my life. 

The Sweetest Downfall (Published Under KPNY Self-Publishing & Printing)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon