CHAPTER 2: I find it cute and unique

776 16 2
                                    

Tristan

"One frappe for Tristan and one cappuccino for Jeffrey," tawag ng barista sa counter na nag-a-assist ng mga order.

"Uy, p're, kunin mo na „yung kape natin. Uma-attack lang ako," utos ni Jeffrey habang hindi matanggal ang mata sa cellphone niya habang naglalaro. Pambihira, ang tamad talaga nito.

"Wow, p're! Lakas makautos, ah? Libre mo?" sabi ko sa iritadong tono pero ngumisi lang siya. Tumayo na lang ako at dumiretso sa counter. Nasa Starbucks kami ngayon ng mokong, tumatambay. Though its Saturday, galing kaming university kanina dahil may make-up class sa TQM subject. Karl, Andrei, and Kevin didn‟t bother to join, magdo-dota raw sila.

"Oh, kape mo, mapaso ka sana," sabi ko sabay abot ng kape sa kanya. Bumalik ako sa upuan ko na kaharap siya.

"Sweet mo talaga, p‟re. Salamat, ha?" sagot niya habang naglalaro pa rin ng COC. Matalo sana ang lintek na „to sa clan war nila.

Sa aming tropa, si Jeffrey ang pinaka sanggang-dikit ko lalo na pagdating sa kalokohan. Kahit may sapak at loko-loko 'to, napagtsa-tsagaan ko na rin. High school pa lang kami, kakampi ko na siya sa pangbu-bully. Naaasahan ko rin naman siya sa oras ng kagipitan kahit minsan kakaiba siyang mag-isip at out of nowhere ang takbo ng kokote.

"Pare, si Jillian, oh," sambit ni Jeffrey habang umiinom ng kape niya nang hindi sinasadyang mapatingin siya sa labas ng SB na katapat ng National Bookstore. Agad naman akong napalingon sa tinitingnan niya.

Cute at simple. Makulit na mabait na may pagkamataray. Minsan, pasaway. Tahimik na hindi. 'Yan si Jillian. Ang gulo ko mag-describe, takte. Anyway, nasa loob siya ng NBS at tumitingin-tingin ng mga libro. Hanga rin ako sa hobby ng babaeng 'to. For her, reading a book is her happiness. And I don‟t even know why I find it cute and unique.

"Pare, tunaw na. Para kang tangang ngumingiti riyang mag-isa habang nakatitig sa kanya. Dapat pala pinicture-an kita," pang-aasar naman nitong isa.

"Loko!" angal ko sabay binatukan siya.

"Leche, ang bakla mo! In denial ka pa rin talaga hanggang ngayon, Tristan."

"Wala akong idini-deny. Tumahimik ka nga riyan," pagkasabi ko no'n, tumingin ako sa NBS. Wala na si Jillian. Nasaan na 'yun?

"Tanggi pa more, p're. Actions speak louder than words. Sa tagal na nating magka-tropa, sa akin ka pa ba tatanggi? Gusto mo naman, pero ayaw mo pang umamin," sinabi niya 'yun ng seryoso kaya napatingin ako sa kanya.

"Pare, hindi ko alam kung ano'ng gusto mong iparating. Pero kung pareho tayo ng takbo ng isip, alam kong alam mo ang dahilan kung bakit hindi pa pwede," pag-amin ko.

Umiling lang siya sa isinagot ko saka sinabing, "Tagal na no'n, p're. „Di ka pa rin nakaka-move on?"

"Ewan ko nga rin kung bakit ang hirap niyang kalimutan. Basta ang alam ko, hindi pa ngayon. Baka masaktan ko lang si Jillian," paliwanag ko pa ulit. Totoo naman, eh. Sa lahat ng taong masasaktan ko, si Jillian ang pinakahuli, at kung pwede nga lang ay hindi.

"Bahala ka, Loyzaga. Sinabihan na kita. Tumatakbo ang oras. Hindi laging papabor sa'yo ang panahon." Ayan na naman si Jeffrey sa mga hugot niya. Kaya ayoko kapag seryoso 'to, lahat kasi ng sinasabi niya tinatamaan ako.

"Ewan ko sa'yo, Jeffrey. Tara na nga, sumunod na lang tayo kina Karl sa shop. Magdo-dota na lang ako."

The Sweetest Downfall (Published Under KPNY Self-Publishing & Printing)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon