CHAPTER 27: 11/16

300 2 0
                                    

Tristan

Sabado ng umaga at ngayon lang ulit nakapagpahinga pagkabalik sa school. Simula na ulit ng walang kamatayang pressure at kung ano-ano pang stress.

Mabuti na lang inspired lagi ako.

Kevin calling...

"Hello, p're? Anong kailangan mo? Busy ako," walang ganang tanong ko.

"Tristan! Saan ka? May dayo tayo!" sagot naman niya. Sabi ko nga, dota.

"Ano?! Wrong timing ka naman. May lakad ako ngayon. Pass!"

"Sayang! Saan ba 'yan? Ipagpaliban mo na lang. Tara, dali! Best of three." Sino naman kayang kalaban ang naghahamon? Best of three pang nalalaman ang mga 'yun. 1 on 1 na lang dapat, para 'di sayang sa oras. Aish.

"Hindi pwede. Hindi mo agad sinabi. Saka na lang ako. Sige na, nandito na ako kina Jillian," paalam ko sa kanya habang nakatayo sa tapat ng gate nila Jill.

"Sabi ko na nga ba. Duty problems. Sige na."

"Oo, nandito ako kina Jillian ngayon. 'Di niya alam na pupunta ako, eh, surprise. Wala lang, mangungulit ako. Bored kasi ako sa bahay."


***


Jillian

Napatulala ako pagkabukas ko ng gate. Nakita ko lang naman ang isang gwapong lalaki na nakasandal sa pader, sa gilid ng gate namin. Nakacheckered na white short lang siya at t-shirt na blue tapos naka-tsinelas na Islander pero ba't ang gwapo-gwapo niya? Kahit sobrang tirik ng araw sa labas, para siyang hindi pinagpapawisan tapos sobrang bango pa. 'Yung totoo, pinanligo ang pabango?

Todo ngiti pa siya, 'yung ngiti na parang kasali sa Mr. Pogi habang ang dalawang kamay ay nakatago sa bulsa niya. Idagdag pa natin ang magulo niyang buhok. Hays. Si Tristan Jenry na talaga ang gwapo. Sige. Siya na! Sa kanya na ang korona!

"Ilang beses mo ba akong kailangang tunawin kapag nagkikita tayo?" Muntik na akong masamid dahil sa sinabi niya. Pakiramdam ko rin ay namula ang pisngi ko. Yabang talaga nito. Pero wala, eh, gwapo talaga.

"Oh, ano namang hangin ang nagdala sa'yo rito?" taas-kilay na tanong ko, ignoring his statement. Sana po hindi niya mahalata na gwapong-gwapo ako sa kanya.

"Good morning, too," ngiting-ngiting sagot niya. Pinipigilan ko lang ang tawa ko sa lalaking 'to. Laughtrip talaga 'to lagi. Kulit!

"Aalis ako, maggo-grocery. Si Arkin nand'yan sa loob, nagdo-Dota. Pumasok ka na lang kung gusto mo," sabi ko saka akmang lalabas na ng gate.

"May dayo kami dapat ngayon ng Dota, but I refused. I refused just to be with you. Tapos sasabihin mo maiwan na lang ako rito para makipaglaro ng Dota sa kapatid mo? Tsk!" Here comes the bipolar Tristan.

"So, sinisisi mo 'ko, ha? Na kaya hindi ka kasama sa tropa mong mahihilig mag-Dota ay dahil sa akin?" naiiritang tanong ko.

"May sinabi ba akong sinisisi kita? Ang gusto ko lang sabihin ay kahit na Dota boy ako at masaya ako kapag nagdo-Dota, mas pipiliin ko pa rin kung saan ako MAS higit na masaya. At nangyayari lang 'yun 'pag kasama kita."

Nganga. Sabi ko naman sa inyo, sobrang straight forward ang lalaking 'to kaya madalas akong tameme.

"Sasama ako sa'yo. 'Tsaka bakit ganyan ang suot mo? Grocery, nakashort? Masaya na sana ako na suot mo 'yung t-shirt ko, eh. Mag-jeans ka na nga lang." Siya naman ngayon ang nakataas ang kilay. Cute kapag masungit. Shet!

The Sweetest Downfall (Published Under KPNY Self-Publishing & Printing)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon