CHAPTER 57: Her POV

186 5 0
                                    

Jillian

I decided to leave Batangas as early as I can. Simula no'ng araw na nalaman ko ang tungkol kina Tristan at sa best friend niya, hindi ko talaga alam ang una kong pupuntahan to forget the pain. That day, I really felt bad for myself. Ni hindi ko magawang lumapit kay Benedict, because he is involved. Nakakatawa na ginawa ni Tristan 'yun for the sake na gumanti at masaktan ako tapos after all malalaman niyang mahal ko pa rin siya. After all the pain I've caused him, and in return, the pain that I am feeling right now, how I wish that I don't love him anymore. Pero wish nga lang 'yun, kasi pakiramdam ko, I am betrayed by my own feelings. Bakit kasi ang unfair ng love? Kung sino pa 'yung taong sinaktan ka ng paulit-ulit, at the end, siya pa rin ang pipiliin mo at gusto mong makasama.

I arrived at may condo unit, past 6 in the morning. Dahil nga sa hindi rin maganda ang pakiramdam ko, I decided not to go to office. Yes, I bought a condo unit sa Makati, nakuha ko siya from my savings na hinuhulugan ko pa rin ang payment. Gusto ko kasing ipagpatuloy ang pagiging independent para masanay.

Tinext ko muna ang officemate ko at kaibigan ko rin sa loob ng office, si Mella, to informed her na hindi ako makakapasok ngayon since pagod ako galing sa biyahe at masama ang pakiramdam ko. She immediately replied with a concern asking kung kamusta na raw ako at magpagaling daw ako agad. Hindi naman talaga gano‟n kasama ang pakiramdam ko, wala lang talaga ako sa mood pumasok, and worst, baka mas maapektuhan pa ang trabaho ko lalo na at may Tristan Jenry doon.

Minutes passed at inabala ko ang sarili ko sa paglilinis ng condo since ilang araw rin akong hindi umuwi rito. Inayos ko rin ang grocery na dinaanan ko kanina sa isang convenient store. Time after time, natitigilan ako kapag naaalala ko lahat ng nangyari. Si Tristan, si Benedict, ang best friend slash fiancée niya, at lahat ng bagay na kaugnay no‟n. Wala na talaga akong maramdaman, nagsama-sama na, halo-halong emosyon na.

I was halfway idling when my phone rang. Arkin is calling.

"Hello, Arkin?" I greeted.

"Ate..."

"Oh, bakit?"

"Nasa opisina ka na ba?" he asked.

"Wala, eh, hindi ako pumasok. Pakisabi kay Mama medyo masama ang pakiramdam ko pero medyo okay naman na kaya no worries."

"Liar. You're not okay." I released a sigh. I wasn't good at lying, and Arkin knows it.

"Fine. Now what do you want?"

"'Yung ex mong patay na patay sa'yo at hanggang ngayon mahal ka pa nandito sa bahay kanina pa. Nasa sala siya kasama sina Mama at Papa, hinihingi na yata ang kamay mo sa kanila." My eyes literally widened and my jaw dropped when Arkin told every details as if he was just saying something ordinary.

"Si Tristan?" I asked in amusement.

"Malamang! Alangan namang si Kuya JB?"

"Funny."

"Drama ng ex mo, Ate. Saglit, lalabas ako ng konti, makinig ka."

I heard the door open, lumabas siguro siya ng kwarto. And in just a snap I started getting nervous as Tristan and my parents talked about me, all about us.

"Tito Ralph, Tita Elisa, excuse me po pero sa tingin ko po maaaring sa tingin niyo ay wala na kayong makitang dahilan pa. Pero sa tingin ko po ay meron. Bukod po sa pinagsisisihan ko na ang katangahang nagawa ko, mahal na mahal na mahal ko po ang anak niyo doble pa sa pagmamahal niyo. Sa loob po ng dalawang taon, wala akong ibang babaeng kilala kun‟di siya bukod sa mama ko, ate ko, mga kamag-anak, at barkada ko. Sobrang miss na miss ko po ang anak niyo to the point na sinundan ko siya sa Singapore two weeks after she left. Kaya po ako hindi nagpakita sa inyong lahat sa loob ng dalawang taon ay isa na 'yun sa mga dahilan. Katulad po ni Jillian, naging intern din po ako ro‟n, 'yun nga lang sa ibang institute po at sobrang layo sa destination ni Jillian kaya walang nakaaalam kung hindi ang pamilya ko lang."

The Sweetest Downfall (Published Under KPNY Self-Publishing & Printing)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon