CHAPTER 54: Future

201 3 7
                                    

Tristan

"Gaano kasakit, tol?" 'Yan ang tanong ng ugok na si Kevin na bumungad sa akin pagkapasok namin sa kwarto ko. Noong oras na 'yun, lahat sila nakatingin sa akin at may ngiting nakakaloko. 'Yung pakiramdam na nakasalang ka sa hot seat at kailangan mong magpaliwanag sa kanila whether you like it or not, or else you'll be dead. Parang tanga lang.

"'Yun ngang kapag masakit ang ngipin mo, paiyak ka na. Ano pa kaya kapag puso? Tanga mo talaga, tol. Isip naman!" asar na sagot ko sa kanya. Ano bang akala sa akin ng ugok na 'to? Manhid ako at walang pakiramdam?

He glared at me.

"Isipin niyo 'yun, mga dude! Ang talino ni Tristan, 'no? Naisip niya pa 'yung gano'ng tactics. No doubt, Cum Laude ka nga!" Karl said while smirking.

"Takte ka, should I thank you for the sarcasm, ha?"

"Pwede, tol, kung gusto mo," sagot naman niya, still wearing the smirk that once you see, you'll get pissed. Saka niya kinuha „yung gitara ko at nag-strum na sa tabi.

"Ano ba kasing pumasok sa kokote mo, dude, at ginamit mo ang best friend mo?" supladong tanong ni Andrei na nakatayo lang do‟n sa may pinto at nakasandal.

I shrugged, "Hindi ko rin alam. Siguro dahil gusto ko ngang gumanti."

"Shit, gumanti, dude? Naririnig mo ba ang sinasabi mo?" yamot na tanong ni Jeffrey. Patay talaga ako sa isang „to.

"Tsk, alam kong mali. Narinig niyo naman siguro, 'di ba? Pinagsisisihan ko naman na. Mahal na mahal ko 'yung tao at ipaglalaban ko na!" Letseng mga „to. Nasermonan pa ako.

"Mabuti naman at nauntog ka na, pare. Akala namin forever tanga ka," sabi ni Kevin.

"Ilan pang mura, ha? Nakakailan na kayo!" surang sabi ko. Pwede naman kasing pagsabihan without naming me.

"Gano'n talaga, dude. Para tagos na mali ang katangahang ginawa mo," Andrei added.

"Bakit kayo ganyan? Imbes na damayan niyo 'ko, nilulubog niyo „ko lalo. Why don't you just help me win Jillian again?" I asked them with frustration all over my face.

"Kasalanan mo 'yan, dude. Naghanap ka ng sakit sa ulo kaya ikaw rin ang humanap ng gamot," sabi ni Jeff. Isa pa 'tong magulo mag-isip.

"Makapagsalita ka parang ang bait mo, ah?" I glared at him. "Sabihin mo nga sa akin, do you like Jillian?"

"Paano kapag sinabi kong oo, ano'ng gagawin mo?" nakakalokong sagot niya na ikinagulat ko at ng barkada. Nalaglag ang panga ko ng tuluyan. Tragis, sabi ko na nga ba! I was ready to punch him nang magsalita pa ulit siya. "Chill, dude. Joke lang, atat ka masyado manuntok!" sabi niya sabay tawa nang malakas.

"Hindi ka nakakatawa, Jeffrey," seryosong sabi ko. Sa lahat naman ng joke, 'yun ang pinakahindi nakakatuwa.

"Hindi naman talaga ako ang nakakatawa rito, ikaw, dude. Kung nakita mo lang ang mukha mo, epic! Sarap picture-an at i-upload sa IG. Benta sigurado," sabi niya at patuloy na tumawa. Nag-high five pa sila ni Kevin na pareho ang takbo ng kokote. Mga abnormal.

"Last mo ng joke 'yan, Jeff."

"Tsk. On the first place, hindi ako marunong sumulot ng love team ng may love team, pare! Alam ko how much you loved her. Sabihin ko pa lang na popormahan ko siya siguradong guguho agad 'yang mundo mo."

"Mabuti alam mo."

"Teka nga! Ano bang ipinunta niyong apat dito? Kung mangba-badtrip lang kayo, pwes sinasabi kong 'wag niyo ng ituloy dahil pikon na pikon na ako!" iritadong sabi ko pa.

The Sweetest Downfall (Published Under KPNY Self-Publishing & Printing)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon