CHAPTER 51: The reason behind

182 5 0
                                    

Jillian

"Jill, kanina pa mukhang Biyernes Santo 'yang mukha mo. Kanina ka pa rin nagbubuntong-hininga. Ang aga-aga pa, utang na loob, ngumiti ka naman!" reklamo ni Jeff habang nagmamaneho.

Lunes ngayon, sinundo niya ako sa Bicutan para isabay papasok ng opisina since madadaanan niya naman 'yun. Simula no'ng bumalik si Tristan, si Jeff na ang lagi kong kasama para umalalay since wala si Benedict. Sina Aira, Tania, at Ynna busy sa kani-kanilang mundo. Huwag kayong mag-isip ng malisya dahil magkaibigan lang kami ng ugok na 'to. At sa maniwala kayo't sa hindi, may girlfriend siya. Secret lang 'yun, ako lang ang may alam since madalas kaming magkasama. Lihim pa rin sa barkada kasi nakiusap siya sa akin na saka na lang sabihin since bago pa lang naman sila. Nakakatuwa lang na open din sa‟kin ang lalaking „to.

"Sorry, Jeff. Eh, kasi makikita ko na naman ang pagmumukha ng Tristan Jenry na 'yun."

"Tsk, nagtatrabaho ka lang ba para makita siya?" tanong niya nang tumigil kami sa stoplight.

"Hindi," sagot ko habang pinagmamasdan ang lugar sa labas ng sasakyan.

"'Yun naman pala, eh. „Di huwag mo siyang pansinin. Stay focused sa trabaho. That's it," sabi niya saka ako sinulyapan.

"Madaling sabihin, mahirap gawin, Jeff."

"Jill, kung gusto mo talaga, madali lang gawin „yan. Mahihirapan ka lang naman kung ayaw mo talaga," he said while wiggling his eyebrows kaya binatukan ko siya. "Aray! Kita mo „to, nakisabay na nga lang nang batok pa."

"Papa-cute ka pa, eh. „Tsaka nang-aasar ka ba talaga, ha?"

"Bakit, naaasar ka ba?"

"Asa ka!"

"Okay, sabi mo, eh." Tumawa siya, 'yung tawang nakakaasar.

"Letse! Nakakainis 'yang tawa mo, alam mo ba 'yun? Mag-best friend nga kayo!"

"Uyy, naalala mo siya sa'kin, 'no? Haha! Itigil mo na'yan, Jill. Masasaktan ka lang," he said seriously. His eyes focused on the road.

Silence.

"Alam ko."

"Then, good. May fiancée na 'yung tao. Hayaan mo na siya. Kung mahal ka talaga niya, kahit gaano pa siya nasaktan no‟ng iniwan ka niya, hindi niya magagawang ipagpalit ka at humanap ng iba." Bull's eye! Masakit pala talaga ang katotohanan.

"Bakit ka ganyan sa best friend mo?"

"What? Why?"

"Dapat kampi ka sa kanya kasi best friend mo siya. Pero it looks like, hindi."

"Hindi naman talaga ako kampi sa kanya since umuwi siya. You see, kahit naman best friend ko siya hindi ko kukunsintihin ang maling ginawa niya. Nangako siya sa'yo na hihintayin ka niya, 'di ba? Pero siya 'yung atat na maghanap ng iba. Kahit saang anggulo mo tingnan, maling-mali," he said seriously. Sumulyap siya sa akin saglit at binalik na ulit sa daan ang tingin. "Alam mo, Jill, hindi naman porke‟t sinaktan ka ng taong dati mong minahal ay babawian mo siya. Mali 'yun, dahil magmumukha ka lang talo. Kung nasaktan ka, huwag kang gumanti para saktan din siya. Imbes, mas dapat mong ipakita na naka-move on ka at tanga siya na pinakawalan ka niya."

I was speechless. Siguro kung makikita niyo lang ako ngayon sobra akong nganga sa sinabi ng Jeffrey na 'to.

"Tsk, come on, Jill, mag-react ka sa sinabi ko. And please, stop acting like ngayon mo lang ako narinig magseryoso," seryosong sabi niya habang nakatingin ng diretso sa daan. Ipinako ko ang tingin ko sa labas, sa mga building at billboards na nakikita ko.

The Sweetest Downfall (Published Under KPNY Self-Publishing & Printing)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon