Epilogue

158 1 0
                                    

Jillian

"The number you have dialled is either unattended or out of coverage area. Please try your call later."


Kanina ko pa tinatawagan ang Tristan Jenry na 'yun pero hindi niya sinasagot. Gusto kong i-dial nang i-dial ang number niya hanggang sa sumagot siya, because I'm starting to get nervous! Magdadalawang oras na ang lumipas simula ng mag-text siya kanina na he's on his way na papunta sa lugar na 'to pero hindi ko alam kung paranoid lang ba ako at kung anoano ang naiisip ko to think na hindi naman malayo ang park na 'to at alam kong wala pang 15 minutes ang biyahe papunta rito simula sa bahay nila. Palakas nang palakas ang kabog ng dibdib ko, kasabay ang pintig ng puso na may kaba. Ayokong isipin pero I have this instict na kapag ganito ang nararamdaman ko, something undesirable could happen. I shooked my head. Mali ang naiisip ko. Mali ang instinct ko.

Isang dial pa ng number ni Tristan pero uminit ang sulok ng mata ko ng "busy tone‟ na ang narinig ko. Hindi ko na ma-contact. Nanginginig ang kamay kong dinial ang number ni Jeff na best friend niya pero kahit siya hindi rin alam. Tinawagan ko rin ang iba pero wala akong napala. Gusto ko sanang tawagan ang mama niya pero ayoko namang mag-alala rin sila.

"Tristan, nasaan ka na ba?" bulong ko sa sarili ko. May tumulo ng luha galing sa mata ko dahil mas natatalo na ako ng instinct at kaba ko. Paranoid akong tao at kahit ako mismo ayoko ng gano‟n. Natatakot kasi ako, na katulad ng ibang love story na nababasa ko, kung kailan masaya na kayo saka ka naman sasaktan ng todo. Saka ka iiwang mag-isa sa huli. Natatakot ako, sobra.

Its been almost two years simula no‟ng maging okay kaming dalawa. Sa sobrang dami naming pinagdaanan, masasabi kong being with Tristan and to be loved by him was more than a fairytale. More than a perfect love story that every other girl could wish for. He‟s not a prince charming nor knight in shining armor to be dreamed of, but he‟s the guy that you would want to be with for a lifetime.

Muli kong tinitigan ang cellphone ko at sinabi sa sarili ko na hindi ko siya titigilang tawagan hangga't 'di niya sinasagot. Kahapon, siya ang nagpumilit na magkita kami after being busy with each othe's business. Sabi niya, miss niya na raw ako at gusto niyang bumawi. Here I am, fulfilling his wish. Pero siya, nasaan na?

Habang sinusubukan kong i-dial ang number niya with my phone on my ear, nahagip ng mata ko ang LED projector sa tapat ko na nakapwesto sa center stage. Nanigas ako sa kinatatayuan ko nang makita ko kung ano ang naka-flash doon. That was my pictures since I was a kid. More on when I was on my 7th year. Napakunot ang noo ko ng mapagtanto iyon. Can someone tell me what the hell is happening?! Malaman ko lang kung sinong nanti-trip sa akin, talagang masasapak ko to think na wala ako sa mood makipaglokohan.

Kumabog nang sobrang lakas ang dibdib ko ng marinig ko ang pamilyar na boses. Boses na kahit kailan ay hindi ko malilimutan.

"I was seven when I met this girl. Bubbly, cute, makulit, at feeling close." Alam kong si Tristan 'yon, walang duda. At halos tumalon ang puso ko sa tuwa ng marinig ko ang boses niya. Lumingon-lingon ako para hanapin siya pero wala akong napala. Tanging mga puno at halaman lang ang nahagip ng mata ko at ang tunog ng water fountain sa harap ko ang naririnig ko. Ngayon ko lang din napansin na ang mga taong namamasyal, tumatambay, ang mga nagtitinda ng pagkain, lobo at laruan, maging ang mga batang naglalaro ay nawala na.

"Tristan, nasaan ka?! Okay ka lang ba? Lumabas ka na nga riyan! Please? I don't have time for your pranks and jokes. Please?"

"Sssh, stay there. 'Wag kang gagalaw. Just listen," sagot naman niya. Nasaan ba ang lalaking 'yun?! Ano na naman ba ang nakain niya at ang lakas na naman ng trip niya?!

The Sweetest Downfall (Published Under KPNY Self-Publishing & Printing)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon