Nasa kanyang kuwarto na si Samantha , na ngayon ay inuubo at giniginaw , pasado alas dose na ng hating gabi, kaya naman lahat ng tao sa mansyon ay tulog na . Maliban kay Clark na nasa banyo dahil hindi pa ito nakakaramdam ng antok , kaya napagdesisyunan niyang maligo muna . Samantalang si Samantha naman ay gustuhin man niyang bumaba para kumuwa ng gamot ay hindi niya magawa dahil masakit ang katawan nito at giniginaw .. kaya sa isip nito ay hintayin nalang niyang mag umaga .Maya maya ay natapos narin si Clark at lumabas sa banyo nito . Kaya naman naisipan nitong tignan muna ang monitor , at napa "shit!!"nalang ito pagkatingin sa monitor, dahil nakita niyang inuubo at giniginaw si Samantha , sa tingin niya ay nilalagnat ito . Dali dali itong lumabas at hindi na niya alintana na naka boxer lang siya at towel sa balikat nito, sa kakamadaling pumunta kung saan natutulog ang matandang nangangalaga kila Sam habang wala ang mga magulang nito .
"Tok tok tok " katok nito sa pinto ng matanda at maya maya lang ay nagising din ito at binuksan ang pinto
" Susmaryosep ka iho , ano ang kailangan mo at mukang nagmamadali ka , ni hindi mo nakuwang mag suot pang itaas ?"tanong ng matanda
" manang , sam needs you, i think she has a fever " derederetsong sabi ni Clark na halatang nag aalala ito .
" Susmaryosep , osige iho kukuwa lang ako ng bimpo at ikuwa mo narin ako sa baba ng tubig ilagay mo sa palanggana " sabi ng matanda
"What is palanggana manang?" Tanong ni Clark
" Basin iho " sagot ng matanda
" ah sige po manang " sagot ni Clark at dali dali itong bumaba para kumuwa ng inuutos ng matanda .
Habang kumukuwa ng tubig si Clark ay naalimpungatan si Theo dahil sa boses sa labas ,kaya naman naisipan nitong tumayo at napatingin ito sa monitor , kung kayat dali dali din itong lumabas .
" Manang anong nangyari kay Ms. Samantha ?" Nag aalalang tanong ni Theo sa matanda
" Nilalagnat siya iho , masyado ata siyang nababad kanina sa pool kaya ganyan , iyan na nga ba ang sinasabi ko .." sagot sakanya ng matanda
" Manang ito na po ." Sabi ni Clark pagka kuwa nito .
" Hay naku!!mga batang ito , hindi ba kayo titigil sa paglalakad ako ang nahihilo sa inyo " puna sakanila ng matanda
" pasensya na po manang " sagot ni Theo
" How is she manang ?,is she ok?" Nagaalalang tanong parin ni Clark
" Mataas ang lagnat niya , napainom ko narin siya ng gamot , at pinupunasan ko nalang siya ,para bumaba yung lagnat niya " paliwanag ng matanda
"Manang , hindi po ba natin siya kailangan dalhin sa hospital? " tanong ni Theo
" Hindi na muna , tutal napainom ko na siya ng gamot, bukas ng maaga eh magpapatawag naman ako ng doctor para matignan siya . Sa ngayon ay babantayan ko na muna siya" sagot ng matanda , kaya naman nag si upuan yung dalawa sa sopa sa kuwarto .
" oh mga iho , puwede na kayo bumalik sa kuwarto niyo ako na bahala dito , at hindi ba kayo nilalamig sa suot niyo parehas kayong naka boxer lang ,ganyan ba talaga pagnatataranta nakakalimutan mag suot ng damit pang itaas ? , mabuti na lamang ay tulog ang iba ,susmaryosep kayong mga bata kayo . Osige matulog na kayo ako na bahala dito ."mahabang sabi ng matanda .
" sige po manang " sabi ni Theo
" sige po " paalam ni Clark at umalis narin ito ..pero hindi parin mapalagay si Clark , at iyon ang hindi niya maintindihan dahil simpleng lagnat lang naman ito ,pero ganun nalang siya mag alala sa dalaga .
Kinabukasan
Naalimpungatan si Samantha ng maramdaman niyang may nag lalagay ng bimpo sa noo niya , kung kaya't idinilat nito ang mata niya , at nakita nito ang matanda .
" oh iha , kamusta ang pakiramdam mo ? " tanong ng matanda
"Masakit lang po yung ulo ko manang , " sagot ni samantha
" mahiga ka na muna ,maya maya lang eh darating na ang doctor mo ,sinundo na ni Theo , iyon talagang batang iyon maagang gumising para tanungin kung ok kana , simula ng malaman niya tungkol sa sitwayon mo eh ,konting daing mo lang eh masyado nag aalala . " mahabang sabi ng matanda
"Ahm , Oo nga po manang eh ok lang naman po ako ,saka hindi ko naman na po ulit naramdaman yun. " sagot ni samantha .
At habang nag uusap sila Samantha ay napahinto sa tapat ng pinto si Clark ng marinig niya na nag uusap ang matanda at si samantha kaya naisipan niyang wag muna pumasok kaya narinig niya lahat , habang may dala itong soup at gatas sa tray .
" Magpahinga ka muna iha , at kukuha lang ako ng makakain mo sa baba " sabi ng matanda.
" sige po manang " sagot ni samantha.
" oh iho ,bakit naka tayo ka lang jan hindi ka pumasok , para ba ito kay Samantha?" Tanong ng matanda kay Clark ng makita niya ito
" aa sana? Sa tingin ko po kasi eh makatutulong ito sakanya " sagot ni clark
" tamang tama ito iho ,osige pasok at ibigay mo ito kay Samantha " utos sa kanya ng matanda
" ah, eh sige ho " napipilitang sagot ni clark at umalis na ang matanda.
"Ikaw pala kausap ni manang , nag abala ka pa, salamat ." Pasasalamat ni samantha. At tumango nalang si Clark , ganito lang lagi si Clark pag kasama si Samantha , tipid kung magsalita , at magsasalita lang kung kailangan .
"Stop starring at me young lady , just eat tsk" sabi ni Clark sakanya ng mapansin nito na nakatingin sa kanya ang dalaga . Habang siya ay nakatayo sa gilid ng kama ni Samantha at naka tingin sa bintana .
Hmmp !! , sungit talaga nito kahit kailan kala mo ikaw lang marunong mag sungit ?? . Nasabi nalang ng dalaga sa isip nito .
" Wow!!, kahit hindi ka nakaharap sa akin , alam mong nakatingin ako sayo ," sabi ng dalaga dito habang naka yuko ito ,kaya napatingin sa kanya ang binata " ibig sabihin tinitignan mo rin ako gamit ng gilid ng mata mo right?" Pagpatuloy ni samantha sa sinasabi nito at tingin sa binata at ngumiti ito ng matamis " You may go Mr. Park" seryosong sabi ni samantha dito . Kaya naman lumabas na ng kuwarto si clark . Mga ilang minuto lang ay natapos narin kumain si samantha at dumating narin si Theo kasama ang doctor .
" Mababa na ang lagnat niya ,but i suggest na ipagpatuloy parin ang pagpapainom sakanya ng gamot hanggang sa tuluyan ng mawala ang sakit niya ,and for her head ache this is a paine reliever ,drink it after a meal and if for needed ." Sabi ng doctor .
" And ofcourse , you need a rest , means hindi ka muna puwedeng lumabas and sorry to say you need to cancel all apointment Ms. Samantha. " paalala ng doctor at umalis na ito .
To be continued ...
#MissLai :)
BINABASA MO ANG
The Long Lost Daughter Of The Business Tycoon
RomanceA simple girl has a simple life turn into like a princess .. Dahil hindi nya inaakala na siya ang nawawalang anak ng tinaguriang business tycoon in the world . Halina at mag basa ng kuwento ni Samantha Cruz , upang patawanin at umiyak dahil sa...