Korea
Nasa isang pagsasalo ang pamilyang Hae kasama si Clark na ngayon ay katabi ang bunsong anak ng mga Hae. Nang biglang napatigil sila sa pagsasalo salo ng marinig nila ang usapan ng mga katulong na noon ay nanonood pala ng balita na may kinalaman sa taong matagal na nilang hindi nakikita .
"Ang ganda talaga ni Ms. Samantha noh?, biruin mo singer din pala siya ?" Kausap ng isang babae sa katabi niya na nag aayos ng mga gamit .
" Oo nga eh kaya idol ko yun eh " sagot ng isa na halatang kinikilig sa sinabi .
" S-saan niyo nakita si Ms. Samantha niyo?" Biglang tanong ng ginang na ngayon ay nagbabadyang tumulo ang luha nito .
" p-po?" Gulat na tanong ng dalawa sa ginang ng makita nilang naluluha na ito .
"Where is she ??!, damn it!!" Napipikon na tanong ni blake dahil gulat parin ang dalawa hanggang ngayon kaya hindi sila makasagot ng maayos .
" S-sa tv po young master " sagot ng isa habang nakayuko ito dahil sa takot kay blake. Dali dali naman pumunta si blake sa sala kung saan naandon ang malaking tv nila.
" oh my god !! Ang baby ko !!" Sabi ng ginang na nakasunod na pala kay blake at ngayon ay kitang kita nila ngayon si samantha na nakatayo at nakangiti na kuha galing sa concert nila .
"H-honey , si samantha p-parang pumayat siya , mukhang napapabayaan niya sarili niya huhu , p-puntahan natin siya please " iyak ng ginang , hindi nila pansin na may isang taong nanggagalaiti sa galit dahil feeling niya ay nakalimutan siya dahil kay samantha .
" shhh ... " iyon nalamang ang nagawa ng ginoo habang yakap nito ang asawa niya.
" can you please stop acting like she's your real daughter mom , im here oh? . " biglang sabi ni missy na halata dito ang hinanakit at sabay taas nito .
kaya naman mas naiyak ang ginang dahil hindi niya sinasadya na masaktan ito sa kanyang mga naging kilos dahil sa pagkamiss nito at pag aalala kay samantha.
" i'll talk to her ." Biglang sabi ni Clark . At taas nito para puntahan ang dalaga.
Tok tok !!
" you dont need to talk to her that way , she's your mom " seryosong sabi ni clark sa dalaga .
" haha really??, but i dont feel it , im her daughter pero pakiramdam ko mas tinuturing niyang anak ang samanthang yon that bitch!!, hanggang ngayon kaagaw ko parin siya !! Sana natuluyan na siya noon !! " puno ng galit ang mga sagot ng dalaga dito kaya naman nakaramdam ng inis si clark sa narinig tungkol kay samantha.
"Say it again , hindi ako mag dadalawang isip nasaktan ka" galit at puno ng awtoridad ang pananalita ni clark habang mabilis na hinawakan ng mahigpit ang braso ng dalaga at animoy wala itong pakielam kahit bakas sa mukha ng dalaga na sasaktan ito . Pagkatapos sabihin ni clark ang mga salitang iyon sa dalaga ay pagalit na binitawan nito ang braso ng dalaga na nag iwan ng pulang marka tanda ng mahigpit na pagkakahawak ni clark na halatang galit na galit ito.
" Gaano siya kahalaga sayo para saktan mo ko ??!" Buong tapang na tanong ng dalaga kay clark.
" No words " pagkasabi ni clark yon ay tuluyan na itong lumabas sa kuwarto ng dalaga , habang ang dalaga naman ay hindi na maipinta ang mukha dahil sa matinding inggit at galit na nararamdaman kay samantha . Dalawang salita lang ang narinig niya kay clark pero sapat na iyon para mas tumindi pa ang galit na nararamdaman niya .
BINABASA MO ANG
The Long Lost Daughter Of The Business Tycoon
RomanceA simple girl has a simple life turn into like a princess .. Dahil hindi nya inaakala na siya ang nawawalang anak ng tinaguriang business tycoon in the world . Halina at mag basa ng kuwento ni Samantha Cruz , upang patawanin at umiyak dahil sa...